Chapter Eight

103 3 0
                                    

/unedited/

Mahigit dalawampung minuto na ang lumipas pagkatapos ang pageant.

Here I am at the school's vast garden. Nagmumukhang parang parke ito dahil sa dami ng mga nakatanim na iba't ibang halamang namumulaklak. May mga lamppost din na mapusyaw lang ang liwanag na ibinibigay sa paligid.

Alas dose palang ng hatinggabi and some of the students haven't gone home yet. Madami pa kaming nakikitang mga estudyante na nagsisilakad sa iba't ibang parte ng school.

I saw some of them making out in a corner, too.

Pero ako? Kasalukuyan akong nakaupo sa ground na tinatakpan ng medyo may kakapalang bermuda grass.

Sa harapan ko ay tahimik na nakaupo din si Cedric. Wala siyang imik. Hindi rin siya makatingin sa akin na para bang natatakot o nahihiya siya sa akin.

Above us is a sky full of stars. Walang buwan kaya nagniningning ang mga bituin and it adds a strange feeling to what I feel right now.

Kanina pa kami walang imik.

Pagkatapos ng pageant ay agad ko na siyang hinila dito. Gusto ko kasi siyang makausap kahit na wala naman akong alam na sasabihin.

Suot pa niya ang tux na suot niya kaninang awarding, though tinanggal na niya ang mga sash na nakasabit kanina sa kanyang damit at nakalagay na sa kanyang tabi.

Naaamoy ko sa hangin ang kanyang pabango. Kakaiba talaga ang amoy nito. Lalaking-lalaki. Napaka-masculine. Weird man pero aaminin ko sa sarili ko na mas gusto ko ang amoy niya kesa kay CJ. Medyo sweet kasi ang amoy ng huli and I'm into more masculine ones.

"Kuya.." pagsisimula ko ng conversation pero nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko. Paano ba ako makikipag-usap dito kung hindi naman niya kayang tumingin sa'kin?

Hindi siya tumingin. Bagkus ay mas lalo siyang napayuko at pinagdikit ang dalawang palad.

"Cedric.." tawag ko sa kanyang pangalan. Gumalaw siya pero ayun, hindi parin siya nag-aangat ng tingin.

Napakagat-labi ako. This is exactly why I didn't want him to know who I really am. Kasi alam kong magiging ganito ang trato niya sa'kin. I wanted him to treat me ordinarily.

"Cedric naman eh!" may pagtatampo sa boses na sabi ko. Doon ay nag-angat na siya ng tingin at sinalubong ang tingin ko.

"S-s-sir.."

"Oh no. Don't call me that way," pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"P-p-pero a-anak ka n-ni Sir Julio.."

"Eh ano naman ngayon? Alam mo kung bakit hindi ko sinabi sa'yo ang totoo? Kasi alam kong magiging iba ang trato mo sa'kin and I hate that."

Sa tulong ng malamlam na liwanag na nanggagaling sa lamppost ay naaninag ko ang pagkagat-labi niya.

Gosh, what is it in me? Bakit.. bakit biglang nag-iba ang tingin ko dito? Bigla-bigla itong naging pogi sa tingin ko. Maybe because he's still wearing make up? Ugh, this is so not cool!

What happened to my standards? Bakit parang naging mababa bigla?

Wait, I'm not saying na pangmababang standard lang ang qualities ni Cedric. Basta! Yun na yun. I don't need to explain.

"Why.. ermm, why did you cry kanina?" tanong ko nang maalala ko ang pag-iyak niya kanina sa stage while I was hugging him.

Muli, bumalik siya sa kanyang pagyuko kaya napasimangot ako.

"Tumingin ka sa'kin kapag kinakausap kita!" madiing sabi ko and he looked at me immediately.

Now, what? Why do I have these strange feelings by just looking at his eyes?

STRANGEWhere stories live. Discover now