Chapter Ten

121 5 8
                                    

It's been a week since I last saw Cedric.

Matapos ang eksena sa restroom, mahigit isang linggo din niya akong sinuyo. Kung "pagsuyo" mang tawagin yung halos oras-oras niyang pagtawag na lagi ko namang dini-decline tapos yung araw-araw niyang pagpunta sa building namin just to see me and say "sorry."

Araw-araw ding may ipinapabigay siyang bulaklak ng everlasting kay Sarah na ni isa ay wala akong tinanggap.

Naaawa naman ako dun sa tao, sa totoo lang, pero anong magagawa ko? Nananaig yung galit ko. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako galit na galit sa ginawa niya.

Kung tatanungin niyo naman kami ni CJ, all is well. Wala namang nagbago. Naiintindihan naman niyang nagkamali lang ako ng akala na siya yung sender ng mga pulang papel.

But strangely, hindi na ako nakakaramdam ng excitement sa tuwing nakikita ko siya. Hindi na ako kinikilig sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti. Para bang nawalan na ako ng gana sa kanya. Ewan.

I sighed. Alam kong mahigit isang oras na akong nakahilata dito sa kama ko pero hindi parin ako dalawin ng antok.

Inabot ko ang phone ko sa tabi ko and checked the time.

10:23 pm.

Lumalalim na ang gabi. Ba't ba hindi ako makatulog?

Napatitig ako sa screen ng phone ko kung saan ang nakalagay na wallpaper ay yung picture namin ni Cedric nung sumali siya sa Mr. and Ms. Criminology ng kanilang department.

Medyo tabingi ang ngiti niya dun, halatang uneasy, habang ako naman ay halos mag-isang linya ang mga mata ko dahil sa pagkakangiti sa kanyang tabi.

Napahawak ako sa dibdib ko when suddenly, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Oo na! Inaamin ko, nami-miss ko na si Cedric. Nami-miss ko na yung halos oras-oras na pagtawag niya, pati pagtetext niya ng "Sorry na, Cy".

Chineck ko ang messenger ko. Napasimangot ako nang makita kong walang laman kasi dine-delete ko pala agad ang mga pumapasok na mensahe.

I checked the photos. Parang nagulat pa ako dahil marami-rami narin pala kaming pictures together ng lalaking yun. Well, we've known each other for months now.

May selfies din siyang hindi ko nade-delete and I found myself smiling by just seeing how natural and ordinary he looks. Hindi pa siya marunong gumamit ng filter kaya hindi nae-edit ang kulay niya but I liked it.

Muli akong napabuntong-hininga.

Asan na kaya yung 'syanong yun? Bakit hindi ko na siya nakikita sa school? Bakit tumigil na siya sa pagtawag? Pagod na ba siya? Naisip na ba niyang walang kwenta ang ginagawa niyang pagsuyo sa'kin?

No. Ayokong isiping bumalik na siya sa probinsya. Paano ang pag-aaral niya?

With that thought, parang may sariling isip ang mga daliri ko. Namalayan ko nalang na naka-dial na yung number ni Cedric.

I bit my lower lip nung nakaapat nang ring pero wala paring sumasagot. Cedric, what are you doing?

Ika-cancel ko na sana yung tawag nang may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello?" answered a feminine voice. Parang edad kwarenta na ang boses ng babaeng sumagot so hindi girlfriend ni Cedric ang una kong naisip.

"Hello?" ulit nito nang hindi ako magsalita.

"A-ah. H-hello po," medyo nag-aatubiling sagot ko. Sino kaya ito?

"Hello din, hijo. Nanay ito ni Cedric. Pasensiya na, andito kasi kami ngayon sa ospital.."

STRANGEWhere stories live. Discover now