Chapter 3: Missing (Part 2)

16.5K 478 31
                                    

Chapter 3: Missing (Part2)

Jewel's POV

Nandito na ako sa bahay at kasalukuyang kausap ko ang isa sa mga nagimbestiga sa pagkawala ng mga magulang ko.

"Lahat ng lugar na posibleng mapuntahan nila bago sila mawala ay pinuntahan namin. Ang isa sa mga pinuntahan namin ay ang opisina nila at nakuha namin ito." Paliwanag ni Inspector Jeremy sabay abot ng sobre.

"Sige. Makakaalis na kayo. Sabihan niyo ako agad kung may impormasyon na kayong nakuha." Maotoridad kong sabi.

"Sige po." Magalang nitong sagot sabay bow at alis sa harapan ko.

Sandali akong napatitig sa sobre at maya maya'y binuksan ko na ito.

Anak,

Please be safe, huwag kang magalala saamin ng mama mo. Just close your eyes at maging kalmado ka at doon mo malalaman kung ano ang naghihintay sayo.

                                                                                                                                                                     Dad

Pumikit at maging kalmado?

Malalaman ko ba ang lahat kung sakaling gagawin ko ito?

Bigla akong pumikit at pinakiramdaman ang paligid ko.

Pakiramdam ko ay umikot ikot ako ng paulit ulit at maya maya ay bigla akong bumagsak.

Iminulat ko ang aking mga mata at sumalubong saakin ang madilim at malamig na paligid.

Halos nagtataasang mga puno lang ang nandito at mangilan ngilan na mga uwak.

Naglakad lakad ako hanggang sa may narinig akong mga boses.

"Pero ang problema ay hindi tayo nananaginip, nasa reyalidad tayo na kahit ang pinakaimposibleng bagay ay pwedeng mangyari at ang isa doon ay nangyayari na."

Nagulat ako sa aking narinig. Bakit parang kaboses ito ni Kate?

Pilit kong inaalala kung saan nanggaling yung paguusap hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa may matataas na damo.

Pilit kong siniksik ang sarili ko doon at pagkahawi ko ng matataas na damo ay nagulat ako dahil nandoon sina Kate at Rain na seryosong nagmamasid sa paligid.

Nagtaka pa ako kung bakit may hawak hawak na matalim na kutsilyo si Kate.

Lalapit na sana ako sakanila ng makagawa ako ng ingay at bigla na lang ako hinablot ng isang lalaki.

"Hey! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa lalaki.

"No. Hindi ka pwedeng mahulog sa patibong niya." Seryoso nitong sabi.

Hinayaan ko lang ang estranghero na ito na kaladkarin niya ako sa kung saan dahil sa narinig kong sagot niya.

So, ang ibig sabihin niya ay parang hallucination ko lang yung nakita ko na magkasama silang dalawa?

"Yes. Parang hallucination nga lang at kapag nahulog ka sa patibong niya ay mamamatay ka." Seryosong sabi ng lalaki.

So, all this time.

Lahat ng nangyayari lalo na yung mga kababalaghan ay ginagawa lang ng isang hindi normal na tao?

Una.

Biglang nawala ang mga magulang ko.

Pangalawa.

Masyadong misteryoso ang sinabi ni Dad sa sulat.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon