Chapter 8: Introduction (Pearl Kingdom)

12.8K 444 17
                                    

Chapter 8: Introduction (Pearl Kingdom)

Jewel's POV

Nagising ako dito sa kwarto ko.

Nakakatawa lang na parang totoo ang mga napaniginipan ko. Sobrang lawak naman yata ng imahinasyon ko o kaya siguro dahil sa mga fantasy books na binabasa ko.

Babangon na sana ako nang biglang may pumasok na babae na may highlights na kulay green ang buhok niya.

Parang nakaharap lang ako sa salamin kapag tiningnan ko siya sa kanyang mga mata kaso magkaiba kami ng kulay ng buhok.

"Gising ka na pala." Maikli nitong sabi sabay upo sa kama na kanina lang ay hinihigaan ko.

"Sino ka?" Maotoridad kong sabi.

"Mitchell, but you can call me Mitch." Maikli nitong sabi.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?" Inis kong tanong.

Sa pagkakaalam ko ay walang basta bastang nakakapasok dito sa bahay ko bukod sa mga kaibigan ko.

Mukhang nalusutan ang mga guwardiya ko.

"Wala ka sa bahay mo. Nandito ka sa bahay ko." Nakataas kilay nitong sabi.

"Nagbibiro ka lang diba?" Sarkastiko kong tanong.

"Lem'me give you a tour in my house." Matipid nitong sabi sabay hawak sa kamay ko.

Is she out of her mind?

Alam ko kung ano ang kasuluksukan ng bahay ko.

"I'm not out of my mind. Kaya kong ipakita ang ebidensya na nandito ka sa bahay ko." Malamig nitong sabi sabay hatak saakin palabas sa kwarto ko.

Nang makalabas na kami sa kwarto ko ay nagulat ako na nag iba ang itsura ng mga pader.

Noon na puro paintings ko ang nakasabit sa ding ding, ngayon ay isang malaking painting ng isang pamilya.

Bawat miyembro ay may sariling mukha sa pader at kapansin pansin ang nagiisang frame na bakante doon.

Magtatanong pa lang ako kung sinu sino ang mga tao sa painting ng biglang nagkaroon ng couch sa harap ko at pinaupo niya ako.

"Bago ko simulan na sagutin ang iyong mga katanungan, nais ko lang ipaalam saiyo na nandito ka sa Crystal World sa may timog na bahagi na ang pangalan ay Pearl Kingdom." Paliwanag nito.

"Hindi ka man lang magrereact dahil wala ka na sa mundo ng mga tao?" Pagtatanong nito.

"May magagawa pa ba iyon para makabalik ako sa mundo namin?" Mapakla kong tanong.

"Gaya nga ng nabanggit ko, nandito ka sa Pearl Kingdom na pinamumunuan ni King Mamoru Kitagawa and Queen Michiko Kitagawa. Mayroon silang dalawang anak na babae na sina Princess Catherine Jewel Kitagawa and Princess Mitchell Kitagawa."

Nagulat ako dahil sa magkapangalan kami ng prinsesa sa lugar na ito.

"Kaya bakante ang isang frame dahil hindi pa umuuwi dito si Prinsesa Catherine Jewel. Inuna ng hari at reyna ang kaligtasan ni Prinsesa Catherine Jewel kaya siya ay ipinadala sa mundo ng mga tao kasama ang mayordoma ng kanilang kaharian at asawa nito." Mahaba nitong paliwanag.

"Ano nga ulit pangalan mo?" Pagtatanong nito.

"Jewel. Jewel Scott." Maikli kong sabi.

Magsasalita pa sana si Mitch ng biglang may nagdoor bell.

"Sandali lang at baka sila na ang susundo saiyo dito." Maikli nitong sabi.

Napatango lang ako sa sinabi niya.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon