Chapter 35: Caught Off Guard

7.7K 270 9
                                    

Chapter 35: Caught Off Guard

Jewel's POV

Nang maihatid na ng kambal yung apat na babae ay sinundan namin sila kung saan man sila pupunta.

Sumakay sila sa isang van kaya pumasok kami sa loob, we're still invisible at alam kong wala silang kaalam alam na nakasakay rin kami sa loob.

Napangisi ako.

Bakit ganito kahihina yung pinadala ng UnderGround World?

Anong tingin nila saaming apat?

Mahina?

Hindi kayang lumaban?

Bobo?

Tatanga tanga?

Naiyukom ko ang kamao ko sa mga naisip ko.

Kasalukuyan kaming may tinatahak na daan at nagulat na papunta ito sa bahay ko.

Huminto sila sa tapat ng bahay ko at lumabas.

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at napakunot noo sila.

Lumabas sila sa sasakyan kaya sumunod rin kami sakanilang apat.

Anong kahibangan ang pumasok sa kokote nila at pinuntahan pa talaga nila kami sa pamamahay ko?

Nag doorbell sila at as usual lumabas sila Kuya Amiel at Ate Alex dahil hindi sila pamilyar sa mga mukhang nasa harapan ng pintuan ko.

Lumapit rin kami para makichismis.

"Magandang Tanghali po, Mga Kuya Ate!" Nakangiting sabi ni Relaira.

"Anong kailangan niyo dito?" Seryosong tanong ni Kuya Amiel.

"Hinahanap po kasi namin si Jewel kasi may kailangan po akong ipabigay." Magalang na sagot ni Relaira kay Kuya Amiel.

"Kung may ipabibigay ka man ay pakiiwan na lang diyan sa lapag at maaari na kayong makaalis." Seryosong sagot naman ni Ate Alex.

"Wala pa po ba sila? Mahala po kasi ito eh. Hindi po pwedeng ipagkatiwala kahit kanino, maliban lamang po sakaniya." Pagsagot naman ni Arohi at medyo inis na rin ang tono nito.

"Nag iingat lamang po kami mga Ma'am. Iyon po kasi ang kabilin bilinan ni Ma'am Jewel saamin. Pasensya na po, pero huwag po kayo mag aalala dahil makakarating po iyang package niyo sakanila." Magalang na sagot ni Kuya Amiel.

Napaikot ng mata si Arohi sa sinagot nung dalawa kong tauhan kaya bagsak balikat silang umalis at iniwan yung maliit na kahon sa tapat nung pintuan namin.

Agad akong kinuha ang phone ko at nagtext kay Ate Alex na sunugin yung kahon at huwag na huwag na bubuksan dahil kapahamakan ang dala noon.

Nakita ko kasi ang laman sa loob at isa iyong potion na kulay itim na delikado sa aming apat lalo na kapag kami mismo ang nagbukas noong kahon.

Nabasa ko kasi sa libro na ang mga ganung uri ng potion ay nakakasama lalo na kapag ang nagbukas ay taga Crystal World.

Pwedeng ikamatay namin iyon kapag hindi naagapan.

At sa pagkakatanda ko ay forte ng mga taga UnderGround World ang mga magic spells and potions.

At ang tanging paraan para hindi kami maapektuhan sa lason ng itim na potion ay ipasunog sa mga mortal na tao ang potion dahil hindi sila maapektuhan ng lason noon.

Nakita kong kinuha ni Ate Alex ang phone niya at binasa na niya siguro ang sinend kong message.

Nanlaki ang mga mata niya at nagpalinga linga marahil hinahanap ako dahil alam ko yung tungkol sa kahon.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon