Chapter 45: The Annual Maze Runner (Day 1)

7.4K 225 25
                                    

Chapter 45: The Annual Maze Runner (Day 1)

Kate's POV

Nagtipon tipon ang lahat ng mga estudyante sa Open Field habang magkakasama na ang lahat ng magkakagrupo.

Gusto ni HeadMaster na maging komportable kami sa kasama namin kaya kami na raw mismo ang namili.

"Ehem, Attention." Striktong sabi ni HeadMaster Macrus.

"Our Annual Maze Runner will end as soon as may nakalabas sa maze ng buo at kumpleto." Seryoso nitong panimula.

"What do I mean sa buo at kumpleto?" Nakangisi nitong sabi habang nililibot ang paningin sa buong open field.

"Once you've enter sa Maze na yan, there's a possibility na maaari kayong mamatay." Malamig nitong dagdag.

Napasinghap ang ilang mga estudyante dahil sa narinig nila.

"So sa mga gustong mag back out, mayroon pa kayong pagkakataon. I will give you 1 minute para umalis dito sa open field. The Annual Maze Runner for this year is confidential and exclusively para sa mga estudyante na kayang patunayan na may kakaiba silang talino, lakas at abilidad." Malamig nitong sagot.

Maraming estudyante ang biglang nag teleport papaalis sa open field, mayroon pa namang iilan na natitira at isa na kami doon.

Napatango tango na lang si HeadMaster sa nakita.

"So here is the real deal, as what I have said last time ay mayroong plot twist ang Annual Maze Runner natin for this year. Bukod sa be the last group standing, gusto kong hanapin at dalhin niyo saakin ang apat na samurai na nakatarak sa mga naglalakihang mga puno." Mahaba nitong paliwanag.

"For the group na hindi mananalo ay may prize pa rin kayo, pero remember dapat ay kumpleto kayo at buhay." Dugtong nito.

Kinumpas ni HeadMaster ang kanyang kamay at dumilim ang buong kapaligiran.

Nagpalingon lingon ako at pilit ko na inaaninag ang mga kaibigan ko hanggang sa unti unting kumalat ang liwanag.

Inobserbahan ko ang buong kapaligiran at agad akong nakaramdam ng kaba.

This place seems so peaceful pero maraming nakatagong panganib sa loob nito.

"Goodluck students, I'm wishing all of you to be safe." Nakangiting sambit ni HeadMaster bago ito naglaho sa harap namin.

Nanguna ako sa paglalakad, dahan dahan at tahimik lang dahil hindi namin alam ang panganib na naghihintay saamin sa lugar na ito.

"Sandali." Mahina kong sabi sa mga kaibigan ko.

Napatigil sila sa paglalakad at nagtatakang tumingin sa akin.

"May naririnig akong kaluskos sa may bandang kaliwa natin. Pakinggan niyo ng maigi habang naglalakad tayo." Pagsagot ko sakanila gamit ang aking isip.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at habang tumatagal ay nagiging agresibo na ang mga kaluskos na naririnig namin.

Naglakas loob ako na lapitan kung saan nanggagaling ang ingay.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon