Chapter 30: First Mission

8.7K 293 6
                                    

Chapter 30: First Mission

Jewel's POV

Habang nagkaklase saamin si Ms. Sunako Yamasaki ay biglang tumunog ang intercom sa classroom namin.

"Announcement, everyone. Can I get the attention of Ms. Hernandez, Ms. Martin, Ms. Lopez, and Ms. Scott. This is urgent, so please come to my office now." Paguutos ni HeadMaster Mr. Macrus.

"Okay girls, you are now excuse to my subject. You may now go." Seryosong sabi ni Ms. Yamasaki.

Tinanguan namin ito at sabay sabay na kaming lumabas sa classroom namin.

"Sa tingin niyo bakit tayo pinatawag?" Pagtatanong ni Kate.

"Kinakabahan ako." Pagsabat ni Rain.

"Chill lang tayo, baka may ipapagawa lang saatin since nalaman niyang mataas ang nakuha nating grades kay Ms. Yamasaki sa last duel natin." Pagsagot ko.

"I have this feeling na may ipapagawa nga siya." Tumatangong saad ni Skye.

Pagkarating namin sa tapat ng opisina nito ay kusang bumukas ang kulay ginto nitong pintuan bago pa man kami kumatok.

Sabay sabay kaming nag-bow kay Mr. Macrus bilang paggalang.

"Okay girls, please have a seat." Seryoso nitong sabi sabay mosyon ng kaniyang kamay sa upuan na nasa harap niya.

Umupo kami ng maayos at mataman kong tinitigan si Mr. Macrus.

Pakiramdam ko talaga ay may ipapagawa siya and my gut feel never failed me.

"Alam kong masyado pang maaga para sa ganito pero you need to undergo missions. Base sa sinabi saakin ni Ms. Yamasaki, you are all capable to fight for yourselves kahit wala kayong ability." Nakangiti nitong sabi.

"Your first mission would be on Mortal World. You need to find Yohan and Johan Cambria, They are twins and they possess necromancy. Familiar naman kayo sa ability na necromancy, am I right?" Pagtatanong nito.

"Opo, sir." Sabay sabay naming sagot.

"Kailangan nilang mapunta dito sa Crystal World bago tayo maunahan ng mga taga UnderGround World. Those twins are powerful at bilang lang sa daliri ang may ganung ability, kaya they need to be here para mas matrain natin sila at magamit nila ang ability nila in a good way." Pagpapaliwanag ni Mr. Macrus.

"Nabalitaan ko kasi na hindi nila makontrol ang kanilang kapangyarihan kaya we need to fetch them as soon as possible. Nasa inyo ang oras, basta ang mahalaga ay madala niyo siya dito asap. Here's their picture." Dagdag nito habang kinukuha niya sa cabinet ang picture nung dalawang tao na susunduin namin.

As soon as nakita namin ang picture ay napanganga kami dahil kilala namin sila and naging schoolmates namin sila sa Gem Academy.

"Mr. Macrus." Pagkuha ko sa atensyon niya.

"We can bring them here. Kilalang kilala namin ang dalawang yan at naging schoolmates namin yan sa Gem Academy, right girls?" Paliwanag ko sabay tingin sa mga kaibigan.

"Tama po si Jewel, Mr. Macrus. Kilala namin sila and somehow naging friends din namin silang kambal." Pag sang ayon ni Kate.

"Alright, if that's the case ay mapapabilis ang misyon niyo. Inayos na namin ang mga papers niyo at magpapanggap kayong estudyante sa Gem Academy. Sana maiuwi niyo sila dito dahil nag aantay ang tunay nilang mga magulang." Sagot ni Mr. Macrus.

"Habang nasa mission kayo ay excuse kayo sa lahat ng subject, and right after pagkauwi niyo na kasama silang dalawa ay you can have a rest for atleast one week. Sana makauwi kayo agad dahil may magaganap na event next month." Nakangiting sagot nito.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon