The Mafia Heiress →9

18.4K 433 8
                                    

Chapter Nine

Mafia Assassin

--

I boarded a flight to China kinabukasan after my mom called.

Mahalaga ang kahit na isang Assassin, sniper or reaper o kahit guards lang. Pinahahalagahan namin ang mga tauhan namin at pinoprotektahan ang bawat isa.

Tapos ngayon ay binihag nila at pinapahirapan ang singkwenta ka tao na mga tauhan namin?! that's assault!

Halos hindi ako makatulog sa sinabi ni mom. Siguro pati sila ay manghihina rin kung ganoon. At kailangan kong gumawa ng paraan para  makuha sila habang hindi pa sila pinapatay ng mga walang pusong Sapphiro Demon Mafia na iyan.

“Mom. Nasa airport na po ako. I am going to hail a cab nalang. No need to pick me up here.” Sabi ko tapos ibinaba ang tawag.

Dumeretso ako sa main headquarter ng Mafia namin.

Nagsiyuko ang bawat madadaanan kong tao. Kahit hindi ako nalalagi dito ay kilala na nila ako bilang isang Mafia heiress.

Pumasok ako sa isang room kung saan naroroon si Mommy.

“Mom.” Lumingon siya sa akin pagkatapos ay tumayo siya.

“Glad you're here anak. We need your help. I'm sorry for dragging you on to this. We just have nothing to run to.”

“No mom. Let me handle this. Hayaan mo akong bawiin ang mga tauhan natin sa mga dumukot sa kanila. Ano po ba ang dahilan nila kaya dinukot at pinahirapan nila ang mga tao natin?” Naguguluhan kasi ako eh. Hindi naman basta-basta lang sila manunnukot ng tao di ba?

“Gusto nilang bawasan ang mga tao natin upang mas maging malakas sila. Kung tutuusin, kahit maubos pa nila ang mga tauhan natin ay hindi parin sila makakalamang sa atin. Ang akin lang naman ay masakit sa akin ang pahirapan pa sila. Mahalaga na sa atin ang kahit na isa sa mga tauhan natin.”

“Trust me about this mom. Kakalbuhin ko iyang King nila at baka nawawala na sa katinuan dahil sa katandaan.” Sabi ko habang patuloy na nagngingitngit. Natawa si Dad na biglang sumulpot sa likuran ko.

“Dad! na miss ko po kayo!”masayang sabi ko tapos niyakap siya.

“Bakit ako hindi mo niyakap pagkarating mo lang? tapos agad takbo noong si Dad mo na ang dumating. Selos ako doon baby huh?”

Natawa ako sa inasta ni Mommy.

“Si mom talaga. Na miss na nga rin kita e. Syempre kayo ni Dad. Tsaka mom, I said don't call me baby cause I am not a baby anymore!” Sabi ko habang irita sa 'baby' na tawag ni mom sa akin.

“Tss. Baby ka parin  naman namin e---”

“Mom! stop that baby thingy. I am going to think a good plan na. I'm going mom, dad. Bye!” I kissed both of them on their cheeks then left the room.

I used my car na nasa garage then drove it fast. Pagkarating ko sa pupuntahan ko ay pinatay ko ang makina.

Lumabas ako at sinalubong ng limang gwardiya.

Nagsiyuko sila at bumati.

“Princess Carefeille. Xia wu hao!”

“Princess Carefeille. Xia wu hao!”

“Princess Carefeille. Xia wu hao!”

“Princess Carefeille. Xia wu hao!”

“Princess Carefeille. Xia wu hao!”

Tumango lang ako at dumeretso sa isang room.

“P-princess Carefeille. Xia wu hao!” nakayukong bati sa akin ni Gerfill. Siya ang pansamantalang nakahawak ng Blue Dragon Gang. Kasi, pinagtutuunan muna ni mom sa ngayon ang BDM(Blue Dragon Mafia) na kasalukuyang may problema.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now