The Mafia Heiress--> 40

18.4K 441 12
                                    

Chapter Forty

Conscious
--

Carefeille's Pov

"Dad hindi ko kakayanin kapag nawala siya Dad." Ilang araw na ba ako nandito sa hospital? 6 days? Seven? Hindi ko alam. Lagi akong tulala pero minsan ay kinakausap kong mag isa si Cyfer.

Pagkatapos mabaril ni Janelle si Cyfer ay nabaliw na ng tuluyan si Janelle. Kaya't imbis na sa kulungan siya napunta ay sa mental na siya dinala.

Kahapon lang nagpunta ulit dito sa ospital si Cedric. Ikwenento niya lahat ng mga ginawa ni Cy three years ago. He sacrificed a lot for me, for the both of us.

Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko! Why do I always fail in love? Pero parte naman iyon ng pagmamahal. Hindi maiiwasang magkamali at masaktan kasi nga nagmamahal ka. Pero bakit ganoon? Bakit sobra naman yata to? Ang sakit-sakit e!

"Nakaya niyang mag hintay ng tatlong taon kahit hindi ka niya nakakausap anak. Maybe you should also wait for about how long he will be ready to wake up." Iniwan na muna ako ni Dad para mag-isip. Nasa labas muna ang iba. Ang mga kaibigan ko pati sina Mommy at Daddy. Tapos after thirty minutes ay nagsipasukan na silang lahat.

Dumaan pa ang mga araw at mag iisang buwan na bukas. Bukas ang birthday ni Cyfer. Sana. Kung magigising lang siya.

Natamaan ang parte malapit sa puso niya kaya't hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising.

"Cy...naririnig mo ba ako? Ako to, si Care. Ewan ko nga kung bakit Care pa ang napili mong itawag sa akin. Siguro nga, kasi gusto mo akong alagaan. Gumising ka na kasi para ako naman ang alagaan mo. Nami-miss na kita e. Patatagalin mo na naman ba? Matagal mo pa ako kakausapin niyan?" Tanong ko. Huminga ako ng malalim. Nasasaktan na naman kasi ako e. Naiiyak na naman. Ganito pala kapag nagmamahal?

"Biglaang umuwi galing honeymoon yung dalawa. Nag-aalala din sila sa'yo. Gumising ka na oh." Niyuyugyog ko ang kamay niya ng mahina.

"Birthday mo na bukas. Anong gusto mong gift ko para sa'yo? Siguro...date. Okay, date tayo bukas pero sa isang kondisyon. Gumising ka na. Paano tayo mag di-date kung hindi ka gigising? Eh nag mukha na akong tanga noon." Natawa ako sa naisip ko. Damn! Date na hindi gising ang ka date? Crazy!

Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Alam mo, kahit ang putla mo na, gwapo ka parin. Kaya't ito muna ang gift ko sa'yo habang di ka pa nagigising..." ngumiti ako at huminga ng malalim.

Happy birthday to you...
Happy birthday to you...
Happy birthday,
Happy birthday,
Happy birthday to you

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko tapos ipinagdikit ko ang mga labi namin. Ang init parin ng hininga niya pati ang labi niya kaya't aalisin ko na sana ang mukha ko nang may humawak sa batok ko at gumalaw ang labi niya. Gulat akong nakatingin sa mga mata niyang nakamulat na ngiting-ngiti.

"Best gift I've ever received." Bulong niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makakilos.

"May utang kang date natin bukas." Dugtong niya pa. Hindi parin ako makapaniwalang gising na siya. Ang lalaking mahal ko...

Nauna pang tumulo ang luha ko pero nang halikan niya ang mga luha ko sa pisngi ay natauhan ako.

"Cyfer..." niyakap  ko siya bigla kaya't napa ngiwi siya.

"Aw...easy, Care...I missed you too" napabitaw ako.

"S-sorry. May masakit pa ba sa'yo? T-teka tatawag ako ng doctor." Nagmamadaling sabi ko. Pero pinigilan niya ako ng akmang aalis ako.

The Mafia Heiress (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें