The Mafia Heiress-->34

13.4K 384 9
                                    

Chapter Thirty-four

Broken
--

Sinimulan kong gulpihin ang isang nagtangkang hawakan ako. Umamba ako ng sipa sa pangalawang lalaki na papalapit sa akin. Nakaiwas siya roon pero nang umatake siya ng sipa ganoon din ang ginawa ko. Mabilis ang mga kilos ko hanggang sa mawalan sila ng malay lahat sa loob ng limang minuto. Anim silang lahat. Anim higit sa isang lalaki?

Pinagsamantalahan nila si Noli dahil sa akademiks lang siya marunong pero ang ipagtanggol ang sarili niya sa ganitong sitwasyon ay mahina siya. Hindi niya kaya.

Kinalas ko ang pagkakatali niya sa isang silya.

"Now LEAVE." Mahinang usal ko sa kanya. Sapat na upang marinig niya ang sinabi ko.

Nagmadali naman siyang umalis pero huminto siya at nakita kong nakatingin si Cyfer sa kanya.

Binalikan ko ang bag ko saka pinulot iyon. Bakas sa mukha ni Cyfer ang hindi parin makapaniwala at parang tuod na nanlalaki ang mga mata sa nakita.

"Now tell me what's on your mind Cyfer." I'm still using the coldness that I used to do since when I started to avoid Cyfer.

"Y-you beat them." Nauutal na sabi ni Cyfer.

Malungkot na ngiti ang ibinigay ko kay Cyfer.

"Now...kill me." Sabi ko. Biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat at pagtataka.

"What do you mean?"

"You're going to kill me right? Now...I'm giving you a chance to kill me Cyfer. Patayin mo ako. Yon naman talaga ang gusto mo kung bakit mo sinabi na mahal mo ako diba?" Hindi siya sumagot kaya't nagpatuloy ako.

"PDM. You're a son of Janelle Flores right?" Ngumiti ako ng mapakla.

"You can feel how much I love you, Care. Kaya't kung sasabihin kong mahal kita, totoo yon. Hindi ako nagsisinungaling. So tell me, is that the reason why you're acting cold towards me? And the worst part is, you think I'm going to kill you. How could you think like that when all I have to do is protect you?" Natigil ako sa sinabi niya.

"I think...we're not really meant for each other." Sabi ko. Biglang namula ang tenga niya. Is he mad?

"Damn! Care. How could you say that? Why are you giving me up that easy?! Alam mong mahal kita at alam kong mahal mo ako. Pero ang sasabihin mong hindi tayo para sa isa't isa? Parang sinaksak mo na ako dito oh! Ang sakit!" Turo niya sa puso niya banda. Tumungo ako at naramdaman kong huminga siya ng malalim.

"Care please...hayaan mo naman akong maging masaya sa piling mo. Kahit hindi mo ako matawag na boyfriend basta't hayaan mo lang akong mahalin ka kasi mas mahirap isipin na iniiwasan mo ako." Mahinahon na siya ngayon sa pagsasalita. Paano kita hahayaan Cyfer? Alam kong ang selfish ko pero...

"Kahit saang anggulo mo tingnan Cy...hindi talaga tayo pwede e. Kahit sabihin nating mahal natin ang isa't isa. Hindi talaga pwede Cy." Malungkot kong sabi. Hindi ko na napigilan ang luha ko at lumabas na talaga ng sunud-sunod.

"Please. Just let me handle the situation, Care. Please." Sabi niya pero agad ko siyang sinagot.

"Kahit anong gawin natin, Cy. Damay parin ako rito. Tayo." Humakbang ako paatras hanggang sa tumalikod na ako at naglakad palayo.

"Care please...please...I really love you...please."

Damn! He's begging. At kunting konti nalang ay bibigay ako sa pagmamakaawa niya.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa naabutan ko ang mga kaibigan ko na naglalakad palapit sa room.

"Key, what happened? Umiyak ka b---" nilagpasan ko sila at dumeretso sa parking lot. Nasa kotse na ako nang makita ko silang nag sisakayan na rin sa mga kotse nila. Pinaharurot ko ang kotse ko pauwi sa bahay.

The Mafia Heiress (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin