BONUS Chapter: TMH

26.1K 631 50
                                    

The Mafia Heiress

--

"Run! Faster Cleo!" Sigaw ni Cyfer. Ipinutok niya ang dalang baril pero agad na umiwas si Cleo sa parating na bala.

"Next, Ciera. Stop frowning! Run!" Sigaw ulit ni Cyfer.

Tumakbo si Ciera at nagtago sa likod ng puno. Inilabas niya ang dalang baril at gumawa ng moves niya. Umakyat siya sa mababang puno at doon nagtago. Marahang ini tugma ang baril sa saktong ulo ni Cyfer at pinaputukan.

Kumalat ang pulang likido sa mukha ni Cyfer.

"Damn! NATALO MO AKO, Paslit!" Reklamo niya sabay punas ng likido sa mukha.

Humagikhik si Cleo at Ciera palapit sa ama nilang inis na inis.

"You shot my face, kiddo!  You'll pay for it!" Hinabol ni Cyfer ang dalawa hanggang sa nahawakan niya ang dalawa at itinumba sa bermuda grass.

Kiniliti niya ang dalawa sa tagiliran hanggang sa tumawa ng malalakas ang mga bata.

"Stop it dad! Sss-top! Come on, Cleo. Knock him off! Knock daddy off. Hahaha" sigaw ng sigaw si Ciera habang si Cyfer ay walang tigil parin sa pangingiliti sa mga anak.

"Hahaha. Look! Mommy's talking to a guy over there!" Turo ni Cleo sa inang papalapit. May hawak itong snacks.

Binitawan ni Cyfer ang mga bata at nagmadaling tumayo.

Nilingon niya ang area na itinuro ng anak pero wala siyang nakitang tao.

"Where's that fckng bastard?"tanong ni Cyfer na nagpalinga-linga.

Mas lalong tumawa ang mga bata na hawak ang magkabilang kamay ng kanilang inang naiiling dahil sa inaakto ng asawa. The twins' giggled when their dad looked at them.

"Where's--ugh! I thought it was true. You-!" Sabi ni Cyfer habang tinuturo ang mga bata.

"No practice tomorrow." Pagpapatuloy niya na ikinapanlumo ng mga bata.

"But Dad, I want to know how to be a good fighter!" Reklamo ng anak na si Cleo.

"Enough kids! Eat your snacks first. I'll teach you tomorrow." Awat ni Key sa anak. Tuwang-tuwa ang mga bata sa ipinangako ng ina.

Anim na taong gulang na ang kambal nilang anak na sina Cleo at Ciera. Pero kung kumilos sa pakikipaglaban ay parang mga hasa na ang mga ito. Ayaw sana ni Carefeille na turuan ang mga anak sa pakikipaglaban pero naisip din niyang kailangan din matutong ipagtanggol ng mga bata ang mga sarili nila kung sakali.

Carefeille's now reigning the Mafia while managing the other businesses. Si Cyfer naman ay inaasikaso ang mga businesses niya rin dito sa Pilipinas. He owns bars, Restaurants, Hotels and Hospital. Busy man pero nagkakaroon parin sila ng oras para sa pamilya.

Cyfer became an overprotective Daddy as well as an overprotective husband too. Ayaw niya na may lumalapit na lalaki sa asawa niya except him and his Daddy, Lloyd.

"Ugh! Naisahan nila ako." Reklamo ni Cyfer. Natawa lang si Carefeille at hinawakan ang pisngi ng asawang nakasimangot.

"Hayaan mo na ang mga bata. They're just kidding." Sabi ng asawa bago halikan ang pisngi. Namula ang tainga ni Cyfer sa ginawa ni Carefeille.

"I love you baby and the kids, always remember that." Sabi ni Cyfer habang yakap ang asawa. They heard the kids giggled and the next thing they knew,

The kids are taking pictures of them.

Masaya silang naghabulan, nagtawanan at naglaro sa garden. Samantalang sa kabilang dako ay may dalawang pares ng mga mata ang naka abang at nanonood sa masayang pagbo-bonding ng pamilya.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon