Chapter Thirteen

33.9K 333 31
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Third Person's POV

"T-tama na K-kiel. B-bitiwan mo na k-ko. N-atatakot na a-ako s-sayo." Umiiyak na sabi ni Jelaena kay Kiel pero parang wala lang itong narinig at ipinagpatuloy ang paghalik at paglalagay ng marka sa leeg ng asawa.

Wala ibang laman ang isip nito ngayon kundi ang pasakitan ang akala niyang nagtaksil na asawa. Nagdidilim ang paningin niya sa hindi maipaliwanag na emosyong bumabalot sa kanya. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang parusahan ito dahil galit siya dito.

Dahil sinaktan siya nito ng sobra.

***

Ibang iba ang Kiel na kasama ngayon ni Jelaena. Para itong demonyo. Hindi niya ito maintindihan. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit at pagkasuklam. Anon a namang bang kasalanan ang nagawa niya para pasakitan siya nito? Bakit ni ayaw siya nitong paniwalaan at puro ang haka haka nito ang mas iniintindi nito.

Sobrang nagagalit at natatakot siya ngayon dito. Nagagalit siya dahil wala itong pakialam sa paliwanag niya. At kasabay ng galit niya ang sobrang pagkirot ng damdamin at pagsanib sa kalooban niya ng matinding takot. Sa ipinapakita at ipinaparamdam ng asawa niya, unti unti ding nakararamdam siya ang awa sa sarili.

Hindi ito ang Kiel na nakilala niya noon na kahit masungit ay maalalahanin pa rin at maalaga. Hindi ito magagawa ng Kiel na kanyang minahal ng sobra.

***

Ilang saglit pa ay naramdaman ni Kiel na hindi na nagpupumiglas pa ang asawa. Habang patuloy siya sa pagbibigay ng mararahas na halik sa balikat at dibdin ng asawa ay saka lang niya naramdaman ang tila panginginig ng asawa.

Napatigil siya saglit at tiningnan si Jelaena sa mata. Bakas sa mata nito ang takot, lungkot, galit at pagkadismaya sa kanya. Halo halong emosyon ang nakikita niya ngayon sa mata ng asawang na nakapagpagulo tuloy sa kanyang isipan.

Nang sandaling iyon ay parang biglang nagbalik na ulit ang kanyang wisyo. Parang may pumukpok sa ulo niya kaya bigla ay para na siyang natauhan. Para siyang binuhusan ng isang timba ng tubig pagkakita sa sitwasyon nila. Agad siyang umalis sa ibabaw ng asawa at lumayo ng kaunti. Nagulat pa siya sa sarili niya dahil sa kanyang mga ginawa. Hindi niya sinasdya ang nangyari at nadala lang siya sa mga nakita niya kanina.

"Shit! Im sorry." Hinging paumanhin nito kasabay ng paghawak nito sa kamay ng asawa. Napapitlag naman si Jelaena sa ginawa nito at agad na inalis ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Para itong napaso sa paghawak ng asawa sa kanya kaya agad nitong inialis iyon.

Sa takot na maulit ang nangyari kanina ay agad siyang lumayo kay Kiel at sumiksik sa may bandang headboard ng kama. Hindi siya makapaniwala na kaya iyong gawin sa kanya ng asawa. Nakaramdam ulit siya ng matingding kaba sa pagpasok sa isip niya ng mga eksena kanina. Unti unti ay naglabasan na naman ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

Napasabunot naman si Kiel sa sariling buhok. Bakit niya ba naisip na gawin iyon sa kanyang asawa? Alam niya sa sarili niya na galit siya sa asawa niya pero alam rin niyang mali ang kanyang ginawa. Kasalanan iyon. Pakiramdam tuloy niya sa sarili ay masahol pa siya sa isang kriminal.

"I-i h-hate y-you" nangangatal na sabi ni Jelaena na nakatingin sa ibang dako ng kwarto.

Sa hindi malamang dahilan ay parang may tumusok na maliliit na karayom sa puso ni Kiel ng makita ang sitwasyon ng kanyang asawa at dahil na rin sa sinabi nito. Hindi nito maintindihan ang naramdamang pagsikip ng dibdib pagkasabi ng asawa niya nun.

Humahagulgol pa ng iyak ang asawa at tila natatakot na malapatan man lang ng kahit ano ang katawan nitong nakasiksik ulit sa dulo. Namura tuloy niya ang sarili sa ginawang kapangahasan sa asawa.

"Jelaena" mahinang banggit nito. Hindi niya alam ang gagawin niya ng mga oras na iyon.

Lalapitan niya ba ito o aalis nalang sa kwarto? Pero mas pinili na lang niya ang una pero mas lumakas naman ang iyak ng asawa at lalong pang nagsumiksik sa dulo ng kama habang hinihila at ipinantatakip sa katawan niya ang kumot kaya natigilan siya sa paglapit sa asawa at malungkot nalang na pinagmasdan ito. Nagsisisi tuloy siya sa ginawa niya.

"Umalis k-ka na." Banggit nito habang umiiyak pa rin.

Hindi pa rin gumalaw sa kinauupuan nito si Kiel at malungkot na tumingin sa asawa. Umiling lang ito kay Jelaena tanda ng hindi nito pag-alis ng kwarto kasama ang asawa. Ayaw niyang iwan ang asawa lalo na sa kondisyon nito ngayon at dahil alam din niyang kasalanan niya ang nangyari dito. Gusto niyang pakalmahin ito.

"Umalis ka na sabi dito eh! Ayaw kitang makita." Sigaw nito sa asawa.

"I'm s-sorry. I didn't m-mean to do it." Hinging patawad ulit nito sa asawa. Kababakasan ang mukha nito ng sobrang pag-aalala at lungkot. Kahit gusting gusto niyang lapitan ang asawa ay pinigil niya ang sarili niya dahil baka lalo itong magwala.

"I said go away!! I hate you!" halos maputol ang mga ugat sa leeg na sabi ni Jelaena habang nangignginig pa rin ang mga tuhod nito.

Sobrang galit ang nararamdaman ni Kiel sa sarili niya ngayon. Bakit ba ganun nalang ang reaksyon nito? Pilit niya isinisiksik sa utak niya na tama lang ang ginawa niya, dapat lang sa asawa niya iyon dahil may iba na naman siyang nakitang lalaking kasama nito. Tama lang pasakitan niya ang asawa ng madala ito at para na rin ipaghiganti ang sarili niya dito ng iwan siya nito noon at sumama sa iba.

Pero sa kabilang banda ng utak niya ay may nagsasabing sobra ang ginawa niya at wala iyong kapatawaran na dahilan kaya siya nakararamdam ng pagkalito sa sarili. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

Sa huli ay wala na rin siyang nagawa. Nanlulumong tumayo na si Kiel at isinuot ang damit niya na napulot niya sa gilid ng kama. Matapos niyang maisuot ang damit ay nagpasyahan nalang niyang umalis sa muna kwarto. Kailangan niyang intindihin ang asawa. Kailangan nito ng oras.

Kailangan niya muna itong hayaan ng kahit paaano ay kumalma ito at maka-usap niya ng maayos bukas.

*********************************************************************

Sui Generis' Note:

Whoo! Sumakit ulo ko sa paggawa ng POV. Pasensiya naman po kung maiksi ang ud ko.

His Determined WifeWhere stories live. Discover now