Chapter Fifteen

34.7K 342 45
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Jelaena's POV

Iyak lang ako ng iyak. Ano pa nga bang gagawin ko eh ito lang naman ang alam kong gawin kapag nasasaktan na ako. Hindi ko naman kayang lumaban dahil takot ako sa mga mangyayaring consequences kapag nagkataon. Ang tanga no? Ewan ko rin kung bakit ganito ako. Ngayon ko napatunayang nakakabobo nga talagang umibig.

Nasa ganung pa rin akong posisyon ng maramdaman kong may mga kamay na mahigpit na yumakap sakin. Napalingon ako at laking gulat ko kung kaninong kamay ang nakayakap sa akin ngayon. Akala ko lumabas na siya ng kwarto ko? Bakit nandito pa siya? Aalis na sana ako sa kinahihigaan ko pero lalo niya lang akong inilapit sa kanya. Lalo akong nagpumiglas sa pagkakahawak niya pero hindi niya pa rin ako binitiwan.

"Umalis ka na dito! Bitiwan mo na ko. Ano ba!" sigaw ko sa kanya pero parang wala naman itong naririnig. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Nang mapagod ako sa panlalaban sa kanya ay wala na rin akong nagawa pa. Babae lang ako at hamak na mas malakas siya kumpara sa akin. Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako kahit na may konting kaba pa rin sa dibdib ko dahil sa mga nagyari kagabi. Nakatalikod ako sa kanya ngayon kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi rin ako makatingin sa kanya dahil baka bigla na lang maglahong parang bula ang galit ko sa kanya at maisipan ko nalang siyang yakapin magdamag. Hindi ko alam kung ano bang iniisip at reaksyon niya ngayon. Basta ang alam ko ay yakap ako ngayon ng asawa ko na siyang dahilan kung bakit halos magwala ang puso ko.

Mga five minutes din ang naging pagitan ng katahimikan sa kwarto at hikbi ko lang ang maririnig nang bumulong siya sa tenga ko.

"I'm sorry." Yung lang ang sinabi niya pero halos matunaw na ang puso ko. Bakit? Bakit pagdating sa kanya ay ang bilis kong magpatawad? Iniharap niya ako sa kanya. He holds both of my cheeks with his hand and looks straight into my face na parang kinakabisado niya ang bawat parte ng mukha ko.

Hindi ko matignan ng matagal ang mukha niya. Natatakot ako. Nagbabalik kasi sa isipan ko yung itsura niya kagabi. Natatakot akong makita yung sobrang galit niya sa akin. Yung mata niyang parang gusto niya na akong patayin. Ayaw ko na ulit makita pa iyon. Ayaw kong makitang kinamumuhian ako ng taong mahal ko.

"Look at me" medyo husky niya sabi. Umiling nalang ako pumikit habang tila ayaw pa ring tumigil ng mata ko sa pagluha.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pagsambit niya sa pangalan ko pero wala na akong pakialam.

"I'm sorry Heart." Kasabay ng mga salitan iyon ang pagdampi ng labi niya sa mga mata ko. Napamulat ako sa gulat ng marinig ko ang mga salitang binigkas niya.

"I'm so sorry sweetheart. Forgive me Heart" He said while wiping my tears using his soft palm. Hindi ko tuloy napigilan at naiyak na naman ako. Nabigla kasi ako sa mga sinabi niya. The last time I heard him calling me Heart/sweetheart was when I left him before I made the biggest mistakes of my life.

Naaalala pa pala niya yun. HEART. That was our endearment way back since high school. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko at the same time ay parang may naglarong mga paru-paro sa tiyan ko. Tatlong salita lang naman yung huling sinabi niya pero para ng sasabog ang puso ko dahil sa dun.

"What happen last night will not going happen again and I promise to take care of you." After saying those heart-warming words, he gave me a small smile. Mataman muna niya akong tinitigan bago niya ako hinapit sa bewang at hinalikan sa noo. Tinitigan ko ang mata niya, hindi niya iyonkatulad nung kagabi. Parang puno na iyon ng pang-unawa at pagmamahal. Yung matang yon ang talagang sobrang nagustuhan ko sa kanya noon. Parang palaging nangungusap. Napapikit ako ng halikan niya ulit ang mga luha ko.

After the kiss, he hug me so tight. I feel home ng mas lalo niya akong hilahin at paunanin sa dibdib nya. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay halos naririnig ko na ang bilis ng tibok ng puso niya. O sakin ba yun?

Bakit ganun? Sinaktan niya ako pero heto ako at bumabalik pa rin sa kanya? Simpleng sorry niya lang ay parang nawalang parang bula ang lahat ng sama ng loob ko? Sa isang yakap niya lang ay tila na-erase na lahat ng kasalanan niya sa akin? Bakit mahal ko pa rin siya at hindi nababawasan iyon?

I didn't respond or say anything to him. I was speechless. After our entire year of marriage this will be the first time he shows his concerns to me. Aminin ko man o hindi but it really feels so upright after what he have said. The sensation inside his arms was really the finest. Inside his cuddle, I feel protected.

'bbbbrrrrrrrrrrrrrrrrrrr'

Ang ganda na sana ng eksena naming dalawa ng tumunog bigla ang tiyan ko. Warning na nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan. Narining ko siyang napatawa dahil doon kaya bigla ang-init ang pisngi ko. Nakakahiya ka Jelaena!

"Hungry?" Tanong niya. Umiling ako kahit obvious naman na nagrereklamo na ang tiyan ko. Gusto ko pa kasi siyang mayakap ng mas matagal.

"Let's just stay like this for ten more minutes then after that well eat our brunch ok?" sabi niya at tumango lang ako. So like what he said, we have just cuddled. No one dares to speak. Nakuntento na akong yakap niya ako.

After ten minutes ay kusa na siyang bumitaw at iniupo ako sa gilid ng kama ko. Tumayo siya sa harap ko at kinuha ang pagkaing inihanda niya. Nakatingin lang ako sa kanya ng itinapat niya sa bibig ko ang kutsarang may lamang kanin at ulam na inihanda niya. Nagtataka siyang napatingin lang sa akin.

"Why?" takang tanong ko sa kanya.

"Why what?" naguguluhang tanong niya.

"Why are you doing this?" tanong ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko kung bakit bigla ay naging ganito siya sa akin.

"Doing what?" inosente niya tanong sakin habang nakakunot pa ang dalawa niyang kilay. Nakakainis naman to! Bat hindi niya ako ma-gets.

"All of this. Bakit parang iba ka ngayon? Bakit ganito ang pakikitungo mo sakin?" sabi ko habang nakatitig sa kanya at matamang nakaabang sa isasagot niya. Kumunot na nanaman ang noo nito na parang naguguluhan bago sumagot sa akin.

"Because you're my wife?" sabi niya. Kita naman sa mukha ko ang nagdududang tingin sa kanya. Pero damn, kinilig ako sa sinabi niya.

"Oh common Jelaena just eat this. Nangangawit na ang kamay ko sa kakahintay sayo." Nakasimangot niyang sabi. Bakit pa kasi kailangan niya akong subuan, kaya ko namang mag-isang kumain.

"Wala naman akong sakit kaya hindi mo na kailangan pang gawin--." Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko at basta nalang niyang isinubo sa bibig ko yung hawak niya. Halos mabulunan naman ako sa ginawa niya.

"Ang sama mo!" sabi ko pagkalunok ng isinubo niya pero tawa lang ang sagot niya sa akin.

"Ang kulit mo kasi." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Hindi ko alam pero napatanga nalang ako sa kanya. Siya ba talaga ang kasam ko ngayon?

"Para kang ewan, isara mo nga yang bibig mo." sabi nito na natatawa. Agad namang namula ng mga pisngi ko sa hiya.

Alam niyo ba kung ano ang nasa isip ko ng mga sandaling ito?

Ang saya saya ko ngayon. Parang ang gaan ng pakiramdam ko. Parang lahat ng bagay magaan. Hindi ko alang kung bakit siya biglang naging ganito ang trato sakin pero sana ito ang maging start ng maganda naming pagsasama.

Sana hindi na matapos pa ang araw na ito. Na sana lagi kaming ganito.

*************************************************

Sui Generis' Note:

Subuan mo din ako fafa Kiel! Kbye~ Hahaha

His Determined WifeWhere stories live. Discover now