Chapter Twenty-nine

14.9K 188 22
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Jelaena's POV

Alas diyes na pala ng gabi at hindi ko alam na nakatulog na ako kanina habang naglilinis ng kwarto naming ni Hubby. Dahil na rin siguro iyon sa sobrang pagod ko at sa mga nakaraang araw na hindi rin ako dalawin ng antok. Nagkapatong patong na ang utang ko sa pagtulog. Pero kahit pa sabihin nating nakatulog ako ng saglit ngayon ay nandun pa rin yung pag-iisip na sana ay hindi nalang pala ako nakatulog pa kung iyon lang ang mga mapapanagipan ko ng paulit ulit.

Habol pa rin ang hininga ko hanggang ngayon kahit na kanina pa ako tumayo mula sa kama. Masamang masama din ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Parang pilit na ipinupukpok ang ulo ko sa matigas na bagay at ayaw ko ng ganito. Ramdam ko ang matingding panginginig sa sobrang kaba at takot dahil sa mga napanaginipan ko. Isang panaginip. Panaginip na paulit ulit kong napapanaginipan. Eto na naman ba? Eto na ba at sinisingil na naman ako ng mga kasalanan ko noon?

Sa halos isang taon namin ni Hubby ay ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng mga ganoong panaginip. Simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas at makasama siya ay naging maayos na ang pakiramdam ko at nakakatulog na ako ng mahimbing na walang inaalala pang masasakit na pangyayari. Ang akala ko'y lampas na ako sa parteng iyon ng buhay ko pero heto at hinahabol na naman ako. Ayaw na naman akong patahimikin. Pilit na ipinapaalala sa akin ang mga oras na kung saan sobra akong nagkamali at nasaktan.

Bakit ganito ang nangyayari? Sobrang nasasaktan ako. Sobrang nagsisisi. Sobrang akong nanghihinayang sa lahat. Siguro nga ay hindi ko na iyon matatakasan pa dahil parte na ito ng buhay ko. Parte ng nakaraan ko.

Halos isang linggo na ring paulit ulit na napapaginipan ang mga iyon at wala akong mapagsabihan, hindi ito alam ni Jen at Alex kaya naman ayaw ko na silang idamay pa. Ayaw ko ring sabihin ito kay Hubby dahil natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako na kapag sabihin ko ang mga iyon sa kanya ay manariwa ang galit niya sa akin at iwan nalang ulit ako. At iyon ang dahilan kung bakit kailangan sarilinin ko nalang ito. Ayaw kong dumating sa punto na pagsisihan ko pa ito.

Dahil sa hindi ako mapakali kanina pa ay naisipan kong pumunta sa kusina at umiinom ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang baso pero pilit kong iwinaksi ang lahat ng mga naiisip ko.

Habang umiinom ay maramdaman kong may nagba-vibrate sa bulsa ko. Pagtingin ko ay cellphone ko pala iyon at tumatawag sa mga oras na ito ang asawa ko. Halos isang linggo na rin ng umalis siya at sobrang nami-miss ko na ang presensya niya lalo pa sa mga sandaling ganito na masama talaga ang pakiramdam ko. Isang buntong hininga muna ang pnakawalan ko bago sinagot ang tawag ni Hubby.

"Hello" bati ko sa mababang tono.

"Heart" masayang bungad ng kausap ko sa kabilang linya. Napatakip nalang ako ng bibig ng bigla ay parang gusto kong humagulgol ng marinig ang boses niya. Sobrang miss ko na kasi siya lalo pa ngayon na napakaraming gumugulo sa isip ko. Pinigilan kong mapa-iyak at kahit napipilitan ay pinasigla ko ang boses ko. Ayaw ko naman ng dahil sa akin ay mag-alala pa siya.

"Hubby" sabi ko sa pinasiglang tono.

"How's your day?" Masayang tanong nito.

"O-ok naman. Marami kaming ginawang activities sa school saka kanina nagshopping kami ni Jen." Sabi ko. Muntik pa akong masamid ng magsimula akong magsalita. Ang totoo kasi niyan ay hindi talaga ako nakapasok kanina at nagmukmok nalang ako dito sa bahay. Nagtext nalang ako kay Alex na sabihin sa mga prof naming na hindi ako makakapasok ngayon dahil sa masama ang pakiramdam ko. Hindi na rin ako nagpumilit na pumasok since alam ko naman na tutunganga din at ako dun dahil sa okupado ang mga isip ko. Ayaw kong mag-alala si Hubby kaya naman kahit na ayaw ko magsinungaling ay iyon ang pinakatamang gawin para sa akin.

His Determined WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon