Chapter Twenty-four

18.9K 234 6
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

Jelaena's POV

Maaga kaming natapos mamili ni Alex for the outreach program namin pero 7:30 pm na rin siguro ng maisipan kong umuwi na sa amin. Naglakad lakad at namalagi pa muna kasi ako sa isang maliit na parke dito sa may subdibisyon namin habang pinapakalma ang sarili at ng makapag-isip isip na rin ako. Dito din kasi sa parke na ito ako madalas pumunta noon kapag gusto kong mapag-isa o di kaya ay may gusto ako isipin. Relaxing kasi ang ambiance dito at sariwa ang malalanghap mong hangin dahil sa mapuno ang bandang ito ng subdivision

At dahil siguro nakapag-isip na ako ng maayos ay medyo gumaan ang pakiramdam ko ay naisipan ko na rin umuwi. Nako baka naiinip na si Hubby sa paghihintay sakin, panigurado kasing nasa bahay na siya dahil maaga naman ang uwi nito tuwing sabado. Hindi ko rin kasi namalayang gabi na. Sabi niya pa naman niya ay dapat 7:00 pm ay nakauwi na ko pero kalahating minuto na akong late sa cur few ko kaya dali dali na akong lumakad.

Sa unti unti kong paglapit sa bahay namin ay nakaramdam ako ng saya. Saya dahil alam mong pag-uwi mo ng bahay ay naghihintay sa sayo ang taong mahal mo. Kaya tuloy para akong hinahabol ng kotse sa pagmamadali ko. Kanina lang nag-eemote ako tapos ngayon naman ay okay na ko. Nakapag-isip isip nalang siguro talaga ako ngayon. Nadala lang ako ng kapraningan ko kaya may mga bagay akong naisip na hindi naman dapat pa pinagtutuunan pa ng pansin sa relasyon namin ngayon ni Hubby. Okay na kami eh ako lang itong shu-shunga shunga pa at kung ano anong what if's ang inaalala.

Hindi ko rin alam kung nagkataon lang ba o sadyang pinapatamaan ako ng nabasa ko sa isang poster ng ads na nakadilit sa poste malapit sa inuupuan ko kanina sa parke. Ganito kasi yung nakalagay dun, 'Isang matibay na pundasyon sa pagsasama ang TIWALA'.

Take note naka CAPSLOCK pa talaga yung last word niyan. Isang advertisement for counselling yata yun for couples. Well, isa rin yan sa mga naging dahilan kung bakit ngayon ay okay na at gumaan ang pakairamdam ko bukod sa undying love ko for my Hubby. Ang tanga tanga mo kasi Jelaena! Kelan ka pa nawalan ng pag-asa? Kelan ka pa naging pessimistic na tao? At dahil diyan sa katangahan mong pagdududa ek ek nay an ay pati poste gusto ng ihampas sayo ang sagot! Ang sagot sa tanong mo! Para mawala ang pagdududa mo!

Mali naman talaga ako at inaamin ko iyon. Hindi dapat ako magduda at mawalan ng tiwala sa kanya . Mahal ko siya at ang mga ipinaparamdam niya ang nagsasabi na rin sa akin na mahalaga ako sa kanya, na hindi dapat ako magduda at pagkatiwalaan ko siya. Na baling araw ay magiging masaya ako sa piling niya, na magiging masaya ang bubuuin naming pamilya kasama ang isa't isa, na tatanda kaming magkasama at nagmamahalan.

Ang tanga ko! Siya na nga ang gumagawa ng effort na mapasaya ako tapos magdududa pa ako? Siguro nga nagpakaselfish lang ako ng mga sandaling yun. Sinong babae naman kasi ang ayaw ng assurance di ba? Natakot lang siguro ako na bumalik na naman siya sa dati ang staus namin na halos isumpa na niya ako. Ayaw ko na ulit kasing bumalik pa iyon. Kung magkataon kasi ay baka hindi ko na talaga kakayanin pa.

At dahil sa paulit ulit na pagpapaalala ko sa sarili ay hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng bahay namin. Agad na sumilay ang masayang ngiti sa labi ko. Ano kayang ginagawa ni Hubby?

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng mapansing kong naka-lock ito. Naitry ko ng paulit ulit buksan ang pinto ng bahay pero nakalock talaga ito. Eh? Nakauwi na ba sa trabaho o umalis si Hubby habang wala pa ako? Tiningnan ko ang cellphone ko kung may text o tawag siya pero wala naman. Nasaan na ba si Hubby? Bakit hindi niya ko tinawagan o tinext? Wala pa naman akong dalang susi kasi alam ko namang maabutan ko siya dito. Paano ako papasok ngayon sa loob?

Dahil sa nakatutok ang mata ko sa door knob na pilit kong binubuksan ay hindi ko napansin na may isang papel na nakadikit pala sa bandang itaas na parte ng pinto at may direksyon na kailangan ko yatang sundin. Hindi ko pa sana makikita iyon kung hindi lang ako tumingala. Nakakapagtaka naman. Sino naman kayang nagdikit noon sa pinto namin? Kusa na palang lumalakd ang paa ko at sinusunod yung sinabi ng nasa papel na nakadikit sa pinto. Nakalagay kasi doon na pumunta daw ako sa may fountain. Nandun kaya yung susi? Nagmadali na akong puntahan iyon at laking gulat ko kung ano ang natagpuan ko doon.

His Determined WifeWhere stories live. Discover now