Chapter Twenty-one

22.6K 232 11
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

Jelaena's POV

Dali dali akong sumakay ng elevator para makarating agad sa second floor kung saan naroon ang lounge namin. Halos makipagsiksikan pa ako sa dami ng sumasakay ngayon sa dahil sa lunch time ngayon at maraming akyat-babang mga estudyante. Buti nalang talaga at hindi ganun kainit kaya naman kahit makisiksik ako ay ayos lang.

Nang marinig ko ang pagtunog ng elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako ay nagmadali na akong lumabas para hanapin si Hubby. Nagpalinga linga ako pero hindi ko siya makita sa dami ng estudyanteng kumpul-kumpol. Bakit sobrang naman atang dami ng tao ngayon dito? May artista yatang dumating? O sadyang busy lang talaga dahil sa mga requirements naming ngayon? Hindi ko nalang pinansin yung pinagkakaguluhan ng mga babae sa isang sulok dahil mas gusto kong mahanap na si Hubby. Mainipin pa naman yun kaya baka mainis na sakin yun kapag lalo ko pa siyang pinag-antay dito.

Nangha-haba na ang leeg ko sa pagsuyod sa mga tao ngayon dito sa lounge pero wala naman si Hubby. Puro mgastudyanteng nakatambay at kung anu ano lang ang ginagawa ang nadatnan ko dito. Niloloko lang ata ako ng asawa ko ng sabihin niyang nandito siya.

Nawawalan na sana ako ng pag-asa ng tumawag siya akin.

"Hello Hubby?" agad kong sagot.

"Heart where are you?" sabi niya. Halata sa boses nito ang inis.

"Nandito na ako sa lounge. Asan ka ba? Niloloko mo lang yata ako na nadito ka." Naka-pout kong sabi sa kausap ko sa kabilang linya kahit na alam ko namang hindi niya makikita iyon.

"I'm not. I'm here at the bench, left wing." Sabi niya. Buti nalang at naririnig ko pa rin ng maayos ang sinasabi niya kahit na maingay sa banda kung nasan siya ngayon. Hindi tuloy ako mapakali! Parang may mali doon ah.

"Okay, I'll be there." Sabi ko bago patayin ang telepono ko at nagmamadaling lumakad na.

"left wing, left wing.." paulit ulit kong banggit habang hinahanap ang bench daw kung nasaan si Hubby. Mas binilisan ko pa ang lakad ko para marating ko na agad kung nasan siya.

Isipin ko pa lang na makikita ko ulit siya ay parang nakalutang na naman ako. Bakit ba miss na miss ko na siya agad? Parang kaka-kita ko pa lang naman sa kanya kaninang umaga pero ang puso ko kanina pa gustong lumipad papunta sa kanya. Gusto ko na agad siyang makita at yakapin.

Ewan ko ba sa sarili ko, minsan hindi ko na rin maintindihan. Ganito yata talaga ang pakiramdam kapag sobrang inlove ka. Lalo pa ngayon na alam mong hindi ka na invisible pa sa paningin niya.

At nang makita ko na ang side na sinasabi nito ay agad nanlaki ang mata ko. May gulay! Bat ang daming tao!?

"Excuse me, excuse me po.." sabi ko habang pinapausog ang mga babaeng paharang harang sa daan.

"Padaan naman po.." Patuloy lang ako sa paglapit hanggang sa wakas ay may nakita akong lalaking nakatalikod na nakaupo ngayon sa tapat ko. Likod pa lang niya ay kilala ko na kaya naman napangiti agad ako. Kaya pala ang daming babae at bakla dito dahil may isang gwapong nilalang na nakaupo ngayon sa lounge namin at naghihintay.. ehem.. I mean naghihintay sa AKIN.

Pinagmasdan ko pa ito ng ilang segundo bago ko nilapitan. Hindi ito nakangiti at mataman lang na nakatitig sa cellphone niya pero ang lakas na ng dating nito na kahit ako ay gugustuhin ng yumakap ngayon din at sagasaan nalang itong mga paharang harang na babaeng pasulyap sulyap sa kanya. Bat ba kasi ang gwapo niya? Ang dami tuloy tumitingin sa kanya. Itatago ko nalang siya sa bahay namin sa susunod.

Dahan dahan akong umupo sa gilid niya at tinitigan siya habang siya nakatutok pa rin sa cellphone niya. Hindi niya yata napansin ang pagdating ko kaya naman sinilip ko yung tinitingnan niya at tila natunaw ang puso ko ng makitang litrato ko yung tinitingnan niya. Tumambling ulit tuloy ang puso ko!

"Baka matunaw naman ako Hubby." Nakangiti kong sabi. Napalingon naman siya sa akin at agad na sumilay ang ngiting siguradong makakapagpalaglag sa puso ng sinumang makakakita nito. Narinig ko pa ang tili ng mga babae sa background ko. Mainggit kayo! Sakin lang ang mga ngiting iyan!

"Ang ganda kasi ng asawa ko. Hindi ko mapigilang titigan." Sabi niya at tumayo na sa kinauupuan nito at ipinulupot ang kamay sa bewang ko. Ramdam ko namang agad na namula ang mga pisngi ko. Oo na ako na kinikilig! Ang ganda ko daw eh!

"Let's go." Sabi niya at masaya akong tumango. Humalik muna ito sa noo ko bago ako hinila inakay palabas. Sobrang lawak ng ngiti ko habang papalabas kami ng building ngayon. Wala akong pakialam kahit na yung mga babaeng kanina ay kilig na kilig ng makita ang asawa ko ay nakabusangot na mga mukha ngayon. Sorry nalang sila, dahil si Kiel Jacob Del Rosario ay asawa ko at akin lamang siya.

I'm so lucky to have this man beside me.

---------------

Alexander's POV

Para akong natuod dito sa kinalalagyan ko. Yung lakas ko sa paghabol kanina kay Lae, unti unting naglaho. Parang may kung anong pumipiga sa puso ko habang pinagmamasdan ko siya na masayang nakangiti at kahawak kamay ang asawa nito.

Hindi ko alam kung anong pwersa ang sumapi sa akin para sundan pa siya kahit na sa bandang huli ay alam ko namang masasaktan lang ako sa makikita ko. Masokista talaga ang gago kong puso. Shit!

Kung SANA ay para sa akin ang matamis na ngiting iyon. Bakit ba kasi hindi siya napunta sakin? Ako, kaya ko siyang alagaan. Kaya kong punuan lahat ng pagkukulang ng asawa niya. Pero wala eh, siya ang gusto at hindi ako. ANG SAKIT. Hindi ko alam pero naiinggit ako sa asawa niya. Napakaswerte nito kay Lae. Kung mas nakilala ko lang sana siya ng mas maaga. Kung mas nauna lang sana ako edi nagkaroon pa sana ako ng pag-asang mapansin niya. Gustong gusto ko siyang agawin dito pero sino naman ako para agawin sa babaeng mahal ko ang kasiyahan niya. Alam kong masaya siya pero hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng inggit at inis. Masisisi niyo ba ko? Tao lang din naman ako.

Nitong mga nakaraang linggo alam kong may nagbago sa kanya. Mas masayahin na siya at palangiti. Alam ko iyon dahil palagi niya ring naikukwento ang asawa niya. Kung gaano siya kasaya at kainlove sa asawa niya.

Pilit kong pinapakinggan ang bawat kwento niya kahit na unti unti niya akong pinapatay. Kaya ko namang magpanggap. Kaya ko hangga't nakikita ko siyang masaya. Bakit ba kasi siya pa? Bakit sa may asawa pa? Shit!

***********************

Ann's Note:

Medyo sabaw na UPDATE! Haha.

His Determined WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon