Chapter 3.1

28.9K 635 4
                                    


ALBERT

Good mornig, baby.
Ano'ng ginagawa mo?

Good morning. Heto, nag-aayos
papunta sa work.

Ha? Work agad? Okay
ka na ba?

I should be. Isang linggo na
akong hindi pumapasok dahil
sa burol ni Papa, kung hindi pa ako
papasok, baka wala na akong
trabahong balikan.

Pero baby, kailangan mo
pa ng konting pahinga.

Okay lang ako, hindi ko
pwedeng pabayaan ang trabaho
ko. Hindi ko pwedeng pabayaan
ang tabaho ko.

Kung pinakakasalan mo na
ba kasi ako, e di wala ka
nang problema.

Albert, napag-usapan na natin 'yan.

Alam ko, kaya lang bakit mo
pa kailangang pahirapan
ang sarili mo? Nakahanda
naman akong alagaan ka.

Please, saka na natin
pag-usapan 'yan.

Sige na nga. sunduin na lang
kita diyan, hatid kita sa work mo.

May trabahon ka rin, 'di ba?

Baby, ako ang amo ng sarili
ko. Kahit ma-late ako,
walang sisita sa akin.

That's bad for the business.

Basta para sa iyo, handa
akong maging bad.

Asus, bumanat ka na naman!😊

At least, napangiti kita.

Sige na, anong oras na,
baka ma-late pa ako.

Okay. wait mo lang ako,
susunduin kita.

Okay, thank you!

You're welcome, baby.



PAGBABA ni Anicka sa sasakyan ni Albert ay napatingin siya sa kainan sa tapat.

Nangunot ang noo niya nang makita niyang sarado ito.

"Bakit kaya?" sa isip-isp niya.

Ngayon lang nangyaring sarado ito ng hindi naman holiday.

Sa araw-araw, mula nang mapasok siya sa tindahan ng school supplies na iyon, ay lagi siyang tumatanaw sa kainan sa tapat, kung mayroon din lang siyang pagkakataon.

Masaya na siya sa pagtanaw doon.

Ngunit kasabay ng saya na iyon, ay ang lungkot, kapag naiisip niya kung sino ang may-ari ng kainan na iyon.

Naiiling na pumasok na lamang siya ng tindahan, matapos magpaalam at magpasalamat kay Albert.

"Susunduin kita mamaya, ha!" pahabol na sigaw ng binata na tinanguan niya na lamang kahit nakatalikod na.

Hindi na siya nakipag-talo dahil magpipilit din naman ito.

Kung tutuusin ay gwapo naman si Albert. Lahat na yata ng maaaring hanapin ng isang babae sa isang lalaki ay narito na.

Gwapo.

Matipuno.

Mabait.

Matalino.

Maalaga.

Mayaman.

Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya ito matutunang mahalin.

High school pa lamang sila ay nanliligaw na ito sa kanya. Ngunit wala talaga siyang makapang espesyal na damdamin para sa binata, maliban sa pagtinging kaibigan.

Minsan ay hinayaan niya itong halikan siya, gusto niyang malaman kung may mararamdaman man lamang ba siya kahit na kaunti, ngunit wala talaga.

Hindi na niya hinayaang maulit pa ang pangyayaring iyon.

Tinapat na niya ito na wala talaga siyang maramdaman para dito.

Ngunit mapilit pa rin ito.

Hindi raw ito susuko hangga't hindi pa siya nag-aasawa.

Napailing na lamang siya sa tinatakbo ng ala-ala.

Mukhang kay Albert din ang bagsak niya.

Naalala niya ang napag-usapan nila. Na kung hindi siya nakahanap ng pambayad sa utang ng ama, ay tatanggapin niya ang alok nitong tulong at magpapakasal siya rito.

Mas mamatamisin niyang mapunta kay Albert, kaysa gawing kabit ng Mr. Montelibano na iyon.

Iniisip pa lamang niya ay kinikilabutan na siya.

Siguro, kung magpapakasal siya kay Albert ay matututunan niya rin itong mahalin.

Sa naisip ay isang imahe ang pumasok sa isip niya.

Ipinilig niya ang ulo at pabuntong-hiningang dumeretso na sa pwesto niya.

Ayaw na niyang isipin pa ang nakaraan. Sa dami ng problema niya ay wala na siyang panahong mag-isip pa ng iba pang bagay.

HINDI magkanda-ugaga si Aling Trining sa pag-aasikaso ng mga pagkaing nakahain sa mesa. Gusto niyang makasigurong perpekto at maayos ang lahat.

Espesyal ang araw na ito.

Ngayon ang dating ni Tyron.

Makalipas ang ilang taon ay ngayon lamang sila muling magkikita ng anak.

Madalas silang magka-usap nito sa skype at messenger, nagpaturo pa siyang gumamit ng advance na teknolohiya upang makita ang anak, pero iba pa rin sa personal.

Sabik na sabik na siyang mayakap ito.

Kasama sana siya sa pagsundo rito, ngunit ayon dito, ay mapapagod lamang daw siya, eh, sigurado namang sa kanya ito uuwi, kaya't tiyak na magkikita rin sila.

Bandang huli, ay napahinuhod din siya at naisip na personal na lamang na pangasiwaan ang pagluluto para dito.

Iniluto nila ang lahat ng paborito nito. Inimbita niya pa ang mga taga-luto niya sa kainan upang tulungan siya sa pagluluto.

Maya-maya pa ay narinig na niya ang tunog ng sasakyan sa labas.

Dali-dali niyang iniwan ang ginagawa at sinalubong ang anak.

Pagkakita rito ay naiiyak na sinugod niya ito ng yakap na ginantihan din nito ng mahigpit ding yakap.


Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon