"SIGE. Gusto kong gawin na ninyo bukas. At gusto kong malinis ang trabaho. Ayokong mayroong makapag-uugnay sa akin sa gagawin n'yo. Maliwanag?
Mabuti..
Malinaw ang usapan, lulumpuhin n'yo lang, huwag n'yong papatayin," at tinapos na nito ang tawag.
Agad na pumatak ang mga luha niya nang maisip kung ano ang ipinagagawa ng ama.
Mabilis niyang itinulak ang pinto at pumasok sa silid.
"Papa, parang awa mo na... 'wag mong saktan si Tyron," tigmak ang mga luhang pagsusumamo niya sa ama. "Pangako, lalayuan ko na siya... makikipaghiwalay ako sa kanya... at hindi na kita susuwayin kahit na kailan... Maawa ka, Papa..." tumatangis pa ring lumuhod siya sa harapan ng ama.
"Tumayo ka riyan, Anicka! Hindi mo bagay ang magkaganyan nang dahil lamang sa isang lalaki!" tiim ang mga bagang na sabi ng ama niya.
Luhaang umiling-iling siya. "Maawa ka, Papa... susundin ko ang lahat ng gusto mo, huwag mo lang siyang saktan."
"Sige, pumapayag ako," taas ang noong wika nito, hindi tumitingin sa kanya. "Ngunit, mangako ka, Anicka... susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko sa iyo. At ayoko nang mababalitaan na may kaugnayan ka pa sa lalaking 'yon. Kapag sinuway mo ako ay ipapapatay ko ang lalaking kinalolokohan mo!"
Sunod-sunod siyang tumango. Tila nais niyang manlambot sa pagpapahinuhod ng ama. "Pangako, Papa... pangako."
GLAMOROUS GIRLS
Mga sis...
I need your help...
Bella
About what, sis?
Papa already knows
about Tyron...Brittany
What?! How did
it happen?Chelsea
Oh my God!
Bella
Ano ang maitutulong
namin?I want to break up
with Tyron...Bella
What? Are you sure
about that?I have to.
Nakita ni Papa ang mga text
niya sa phone ko.Wala akong maidahilan
Sasaktan niya si Tyron
kung hindi ko gagawin 'yon...Brittany
Mahirap nga 'yan...
kilala natin si Mayor,
alam nating magagawa
niya 'yon.I know.
I heard him. May inuutusan
na siya para gawin 'yon.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
General Fiction"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...