09075555555
You, bitch!! Kung iniisip
mo na mahal ka pa rin ni
Tyron hanggang ngayon,
nag-iiliusyon ka, hija!Bumalik lang siya para
gantihan ka!Kapag nagsawa na siya
sa iyo, babalik na siya, or
rather--kami, ng New York
para magpakasal.Actually, that was my idea.
You see? Ganoon kalakas
ang influence ko sa kanya?Three months lang, Anicka!
Three months ko lang
siyang ipahihiram sa iyo!Pagkatapos ng tatlong
buwang kasunduan n'yo,
babawiin ko na siya sa iyo!Nagulat ka bakit ko alam
ang tungkol d'on? I told
you, akin siya!Bakit ayaw mong
sumagot?!Sorry, I won't stoop
down to your level!Huh?! Stoop down?
Bakit, sino ka ba? Isang
hamak na tindera ng
school supplies?
Kilala mo ba kung sino
ang kausap mo?Hey!
Sumagot ka!
DAMN YOU!
BASTA ITO ANG
TATANDAAN MO, AKIN
SI TYRON! AT HINDI
AKO PAPAYAG NA
IPAGPALIT NIYA AKO
SA KATULAD MO LANG!NANLALATANG napabuntong-hininga na lamang si Anicka.
Pagkagaling niya sa bangko ay bumalik na siya kaagad sa tindahan at nagkulong sa opisina ni Tyron. Alam niyang hindi ito darating kaya't patag ang kalooban niyang magkulong doon.
Mula noong araw na nadulas ito ng pagsasabing mahal siya nito, ay hindi na ito nagpakita sa kanya.
Alam niyang iniiwasan siya nito.
Maaaring nasabi lamang nito iyon dahil madala ito sa katatapos lamang na pagtatalik. Walang ibig sabihin iyon para dito. Patunay na roon ang nadatnan niyang eksena sa bahay nito kanina.
Sa katunayan, ay maaari namang hindi na siya ang magdala dito ng mga papel na iyon. Maaari naman niyang iutos na lamang iyon sa iba. Ngunit mas pinili niyang siya na lamang ang magdala, sapagkat nais niya itong makita. Kung alam niya lamang na ganoon ang daratnan niya, iniutos na lamang sana niya iyon sa iba.
Ang nagpapa-isip sa kanya ay ang sinabi nito. Na aayusin lamang daw nito iyon at mag-uusap sila. Tungkol saan kaya ang pag-uusapan nila? Tungkol ba dito at kay Rachel? Tungkol sa set-up nilang tatlo?
Dumagdag pa ang text ni Rachel. Ano kaya ang sinabi ni Tyron dito para magalit ito ng gan'on? At alam nito ang tungkol sa three months nilang usapan ni Tyron. Pinag-uusapan ba siya ng mga ito kapag nakatalikod siya?
Pinagtatawanan kaya?
Tanggap niya naman na, na hindi na siya nito mahal, eh. Na nandito lamang ito upang paghigantihan siya. Hindi nga ba at paulit-ulit nito iyong ipinamumukha sa kanya?
Ang sakit lang palang makumpirma iyon mismo sa babaeng mahal nito sa kasalukuyan.
Nasa ganoon siyang malalim na pag-iisip nang muli ay tumunog ang cellphone niya.
TYRON
I changed my mind.
Dadaanan kita sa
WAAK. Mag-dinner muna
tayo bago kita ihatid sa
bahay mo.Mahal...
Anicka...
Okay.
INABALA na lamang niya ang sarili sa trabaho upang hindi maisip si Tyron.
Saktong alas singko nang bumukas ang pinto ng opisina at iluwa ang taong kanina niya pa pilit na iwinawaglit sa isipan.
"Ready?" agad na tanong nito sa kanya.
"Ahh... s-sige." atubili niyang sagot ngunit agad na siyang tumayo sa kinauupuan.
Pumasok ito at isinara ang pinto sa likod nito. Paglapit niya rito ay agad siyang sinalubong nito ng mainit na halik sa labi.
Masuyo ang halik na iyon. Tila may kasamang respeto at... pagmamahal?
Imposible.
Baka masyado lamang niya itong na-miss. Maya-maya ay binitiwan na siya nito ngunit idinikit naman ang noo sa kanya.
"I missed you..." madamdaming anas nito.
Really? Habang nasa kandungan ka ni Rachel?
Nais sana niyang isagot, ngunit minabuting hindi na lang. Alam niyang mag-aaway lang sila at hindi naman siya mananalo.
Hindi nga ba't ipinamukha na nito iyon sa kanya? Na wala silang relasyon, kaya't hindi siya maaaring magselos kay Rachel.
"H-halika na... gagabihin tayong masyado." aniya upang makaiwas dito.
"Okay, let's go." sabi naman nitong hinawakan pa ang kamay niya.
Pilit niya iyong binabawi dahil ayaw niyang mag-isip na naman ang mga makakakita sa kanila. Ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang kapit sa kamay niya.
Ramdam niya ang tingin ng mga kasamang hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin umuuwi, sa kamay nilang magkahawak.
Paglabas nila ay ipinag-bukas pa siya nito ng pinto ng sasakyan at inalalayang papasok, bago ito lumigid at sumakay sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
General Fiction"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...