Chapter 21.3

20.2K 450 4
                                    



NANGUNOT ang noo ni Tyron nang hindi na magreply ang kasintahan. Hindi nito sinagot ang I love you niya. Ngayon lamang nangyari iyon mula nang magkabalikan sila.

Isa pa uling tingin sa cellphone ang ginawa niya ngunit wala pa ring reply mula rito.

Nailing na lamang siya.

Baka talagang masama ang pakiramdam nito. Kailangang matapos agad ang meeting niya upang mapuntahan ang kasintahan. Labis siyang nag-aalala rito.

Agad niyang dinampot ang cellphone niya nang mag-vibrate iyon sa pag-aakalang si Anicka iyon.

ANGIE (work) calling...

Para lamang madismaya nang makita kung sino ang tumatawag.

"Yes, Angie...?" walang gana niyang sagot.

"Good morning, Sir.."

"Good morning... so, ano nang update ng pinapagawa ko sa'yo?" tanong agad niya.

"May naka-usap na po akong OB GYNE, Sir.."

"And...?" pakiramdam niya ay pigil niya ang hininga habang hinihintay ang sasabihin nito.

"According to her, may chance raw po talaga na malaman ang paternity ng baby kahit na nasa tiyan pa," panimula nito. "..there are two ways, Sir.. one is through Amniocentisis, the baby should be four months old sa tiyan ng mother para magawa ang procedure.. kukuha ng sample ng panubigan ng mother, at iyon ang gagamitin para i-compare sa blood sample ng father.." sandali muna itong tumigil upang marahil ay i-proseso sa utak niya ang mga sinabi nito. "..the other one is through CVS or Chorionic Villus Sampling, kukuha naman ng sample sa inunan ng baby, then, i-co-compare sa blood sample ng father.. ito po mas maagang pwedeng isagawa.. the baby should only have to be 11-13weeks.."

"Very good, Angie.. thank you." pakiramdam niya ay nagbabara ang lalamunan niya at hindi siya makahinga. Kung sa kaba o relief ay hindi niya matukoy. "I want you to have me scheduled for the procedure, ASAP."

"Y-you, Sir?" bakas ang gulat sa boses nito.

"Yes, me."

"Hrmp.. which one, Sir?" tanong nito nang makabawi.

"The CVS procedure.."

"Okay, Sir.. I'll get you an appointment."

"I want it, ASAP."

"Noted, Sir."

IYON LANG at pinutol niya na ang linya.

Kailangang malaman niya ang resulta ng gagawing test sa lalong madaling panahon.

Bago niya ipagtapat kay Anicka.

Gusto niyang sigurado na siya bago niya aminin dito ang totoo. Alam niyang masasaktan ito kung hindi papabor sa kanya ang resulta, pero nakahanda siyang harapin iyon. Ang importante ay hindi ito mawala sa kanya.

ANGIE (work)

Sir, I already got you
an appointment with a
Gynecologist tomorrow..

9 o'clock am. at St. Lukes

Just look for
Dra. Lara Legaspi

Thank you, Angie.


ANICKA'S POV

NANG pakiramdam ni Anicka ay naubos na ang luha niya sa kai-iyak ay bumangon na siya.

Nakapag-pasya na siya.

Kailangan na niyang lisanin ang masyon. Tama si Rachel. Kung totoo ngang pag-aari na ni Tyron ang mansyon ay mas may karapatan ang magiging anak nito kaysa sa kanya.

Agad siyang naglagay ng ilang damit at gamit sa maleta at itinago iyon sa ilalim ng kama pagkatapos.

Hindi niya pa alam kung saan siya pupunta. Isa lang ang alam niya. Kailangan niyang makalayo kay Tyron. Ayaw na niyang pahirapan pa ito sa pamimili sa pagitan niya at ng anak nito.

Pagkatapos mag-empake ay dumeretso siya sa kusina at nagluto ng maaari nilang kainin ni Tyron para sa hapunan.

Sa huling pagkakataon.

Gusto niyang maging eapesyal ang gabing ito para sa kanila.

Nang sa gayon ay may magandang ala-ala siyang babaunin sa kanyang pag-alis.

MAHAL

Mahal...

Yes, Mahal? Okay na ba
ang pakiramdam mo?

Medyo late na natapos ang
meeting ko, eh. Then, I had to
drop by sa office dahil kailangan
kong ipasa sa secretary ko iyong
mga signed documents. Hindi
kasi siya nakasama sa meeting,
may iba siyang inasikaso.

Sorry, Mahal kung hindi kita
agad napuntahan. Pero on
the way na ako papunta diyan.

Do you want something?

Nothing. Just you.

Of course, Mahal. I'm all
yours.

Always ready for he taking.

Puro ka kalokohan.

Hahaha.. wait for me there,
Mahal, malapit na 'ko.

I love you..


PINIGIL niya ang pag-alpas na naman ng mga nagbabantang luha sa kanyang mga mata.

Hindi na siya pwedeng umiyak. Paparating na si Tyron. Ayaw niyang makahalata ito at malaman ang binabalak niya.

Alam niyang pipigilan siya nito.

At iyon ang iniiwasan niya.

Nang marinig niya ang ugong ng sasakyan sa labas ay agad na inayos ni Anicka ang kanyang sarili. Tumingin muna siya sa salamin, at nang makitang wala nang kahit na anong bakas ng kanyang pag-iyak, ay pilit ang ngiting lumakad na siya papuntang pintuan upang salubungin ang kasintahan.

Pagpasok pa lamang nito ay agad na siya nitong niyakap at hinalikan sa labi.

"I missed you." anito nang maghiwalay ang mga labi nila at dinampian siya ng halik sa noo.

"I missed you, too. Halika, nagluto ako ng dinner natin." aniyang nagpa-una nang lumakad pabalik ng kusina habang hila-hila sa kamay ang kasintahn.

"What? I thought masama ang pakiramdam mo? Pwede namang nag-order na lang tayo ng pagkain." kunot-noong sabi nito habang nakasunod sa kanya.

"Gusto ko lang ipagluto ka ngayon..." aniyang tila may nakabikig sa lalamunan.

"Mahal, okay ka lang?"

"Oo naman, Mahal. Upo ka na, maghahain lang ako." aniya upang maka-iwas sa nanunuri nitong tingin.

Habang kumakain ay panay ang paglalambing nito sa kanya. Panay din ang salin nito ng pagkain sa plato niya. Nandoong subuan pa siya nito. O, agawin ang subo na nasa kutsara niya at isubo sa sarili nito.

Pigil na pigil niya ang maiyak sa ipinakikita nitong paglalambing.

Siguradong mami-miss niya ito.

Pagkatapos kumain ay hindi ito pumayag na siya pa ang magligpit at maghugas ng pinagkainan nila. Anito, ay siya na ang nagluto at naghain kaya't ito naman ang maghuhugas.

Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon