TYRON
Mahal...
Oh?
Bakit hindi ka na
sumagot?Sige, mamayang gabi.
Huh?
Huy, Mahal.
Bakit hindi ka na
sumagot?May ginagawa ako. At saka
bawal kaya ang cellphone
sa trabaho.Mahal kanina pa tayo
magka-text.Ano 'yung mamayang
gabi?Oo na nga.
You mean..?!
Oo nga... kulit.
Talaga?!
Haist! O, sige... mangulit
pa nang magbago ang isip koNAKALIPAS na ang pitong araw na sinabi ng doktor na hindi siya maaaring makipagtalik, o, kailangan niyang gumamit ng ibang contraception sa pakikipagtalik.
Sa totoo lang, ay ilang pagkakataon nang muntik na siyang bumigay sa mga panunukso ng nobyo, ngunit kapag naiisip niya na wala pang kasiguraduhan kung pakakasalan nga siya nito, ay pilit niyang tinatatagan ang sarili. Ayaw niyang maging bastardo ang anak niya. Oo nga't sinabi nitong mahal siya nito at hindi siya pababayaan, ngunit hindi pa rin assurance iyon para sa kanya.
Napatingin siya sa opisina nito nang bigla iyong bumukas at iluwa si Tyron na seryoso ang mukha at deretsong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Anicka, I have a meeting with Mr. Sandoval."
Napataas ang kilay niya sa kaseryosohan ng mukha nito. Kanina lang ay ang landi nito sa text.
"Okay, sir."
"And, you're coming with me." seryoso pa rin ito.
Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Let's go."
"P-pero, sir... may tinatapos--"
"Come on, this can't wait." at tumalikod na ito.
Naguguluhan man, ay agad siyang tumayo at sumaglit sa opisina nito upang kuhanin ang bag niya.
"Anong namgyari d'on? Kanina lang ang sweet, tapos paglabas, seryoso na?" nagtatakang salubong agad sa kanya ni Claire paglabas niyang muli ng opisina.
Alanganin niya lamang itong nginitian at nagmamadali nang lumabas upang sundan si Tyron.
Paglabas niya ay nakatayo ito sa tabi ng sasakyan nito. Agad siya nitong ipinagbukas ng pinto paglapit niya. Matapos ay mabilis naman itong lumigid sa kabila, pasakay naman sa driver's seat.
Habang nagmamaneho ay ngiting-ngiti na ito na ikinapag-salubong ng mga kilay niya.
"What's with that smug face?"
"Huh? Nothing..." kunwa'y inosenteng tanggi nito at pilit na sinusupil ang ngisi.
Naghihinalang nakatitig lamang siya rito.
"What?" natatawang tanong nito.
Nakahalukipkip kasi siya at nakatingin pa rin dito.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung saan papunta ang rutang dinadaanan nito.
"Mahal, wala kang ka-meeting 'no?"
"Meron. Pero hindi si Mr. Sandoval." anitong kumindat pa sa kanya.
"Mahaaaalll!!!" naiinis na nangingiting angil niya rito.
"Ano?! Bakit pa kasi kailangan pang maghintay ng mamayang gabi, kung pwede naman na tayong umalis d'on?" nakangisi pa rin ito.
"May trabaho ako. Kung ikaw parang naglalaro ka lang sa tindahan, ako hindi."
"Mahal, sinabi ko na sa iyo, hindi mo naman kailangang magtrabaho. Ako na lang ang bubuhay sa'yo."
"At sinabi ko na rin sa'yo... ayoko. Hindi mo ako responsibilidad." naiinis na sumandal na siya sa upuan. Deretso sa harap ang tingin.
"Mahal kita... at gusto kong ibigay sa iyo ang lahat."
"Hindi tayo mag-asawa." there, kahit papaano ay naiparating niya rito ang nasa isip niya.
Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang natigilan ito sa sinabi niya. Isang buntong-hininga lamang ang ginawa nito at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.
Lalong umantak ang kalooban niya. Mukhang hanggang dito na lamang talaga sila. Hanggang kama lang. Wala talaga itong balak na pakasalan siya.
DAHIL restday ay medyo tinanghali ng gising si Anicka. Balak niyang pumunta sa grocery upang bumili ng stocks.
Bago bumangon ay binisita niya muna ang cellphone niya kung may mensahe galing sa kasintahan. At tama nga siya.
TYRON
Good morning, Mahal.
Tulog ka pa?
Okay, baka tulog ka
pa nga.Text mo ako kapag
nagising ka na, ha.I love you.
Mahal...
At last, you're awake.
What are your plans for
today?Hmm... balak ko sanang
mag-grocery. Wala na
akong stocks.Sige, wait for me
there... sasamahan kita.No need... alam kong busy ka.
Pero mahal, gusto
kitang samahan.Huwag na nga... dito ka na
lang mag-lunch. Magluluto
ako.Sige na nga. I love you.
Mag-iingat ka.Opo. I love you, too.
ABALA si Anicka sa paggo-grocery nang may magsalita sa likod niya.
"Anicka..?"
Agad siyang lumingon at nanlaki ang mga mata, sabay ngiti, nang makilala kung sino ang tumawag sa kanya.
"Chelsea..?"
"Kumusta ka na, sis?" excited na lumapit ito sa kanya at agad siyang niyakap.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
General Fiction"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...