TM-Teacher 11

26.1K 240 21
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








~Hangover and Over Again~











|Derry's POV|






Papalapit nang papalapit sa amin ang lalaking kaway ng kaway. Sa una di ko mamukhaan ang lalaki pero nang medyo malapit-lapit siya sa amin ay nakilala ko na siya. Siya si Gravis Montecillo, matalik kong kaibigan.






"Gravis?!" sabi ko.








Hindi na nagtaka si Abby sa akin kung bakit kilala ko ang lalaki.

"Hoy! Musta na? Akala ko di na kita makikita," sabi ni Gravis sa akin. Isa ito sa palaging bumibisita sa akin noong nakatira ako sa dorm ko. Napagdesisyon ko kasing maging independent noong nagistart na akong magcollege.

"Hmmm Gravis... bakit ka napabisita?" tanong ko sa kanya.

"Bro naman. Namiss ko mga gimik natin. Ano may sabit ka na kaya ayaw mo na makipagkita o si Abbigail Constantine ang problema?" sabi ni Gravis. Napailing na lang ako. Ginamit pa talaga niya si Abby sa kalokohan niya. Hindi na rin kasi siya sumama sa mga gimik namin. Noon naman palagi ko siyang kasama sa mga gimikan namin at inuman.

"Hoy-hoy. Ikaw lalaki ka kung may problema ka sa beshie ko. Magsabi ka hindi yung nagpaparinig ka diyan. At sa totoo lang ikaw ka pa nga tong nanakot. Akala mo kung sino 'to?" sabi ni Aryh.

Nilapitan ni Gravis si Abby. Agad naman akong sumunod sa kanya dahil baka may gawin pa siya sa babae.

"Bro, tama na 'yan. Hayaan muna sila," sabi ko sa kanila.

"Ano ba kailangan mo sa akin?" tanong ni Abby kay Gravis. Nagulat naman ako sa sinabi ni Abby. Naalala ko naman 'yung note na binigay ni Gravis kay Abigail. Anong kailangan niyang sabihin at idinawit pa ako. Tinitigan ko naman ng matalim si Gravis habang iniintay ang sagot niya.

"Uh- ako ba?! Wala naman. Gusto ko lang makita ang bumiha---" sabay takip ko sa bunganga ni Gravis. Naikwento ko pala sa mokong na ito ang lahat tungkol kay Abigail.

"Ah-eh... T-tutal na nandito na tayo. Let's party at punta tayo sa bar," sabi ko. Muli ko namang binitawan ang bibig ni Gravis at saka binigyan niya ako ng galit na galit na titig.

"GAME!" sabi agad ni Aryh.

"Hindi ako sasama, Aryh. Kayo na lang medyo masakit ang katawan ko at gusto kong magpahinga," sabi ni Abby. Hindi ko siya pinansin dahil baka sabihin niya na may binabalak ako sa kanya. Agad kong naramdaman na nagiinit ang tenga ko. Namumula na ito sa ganitong mga oras. Agad akong umiwas ng tingin kay Abigail.

To be honest, ginusto naman niya ang ginawa ko. At nagpakita din siya ng motibo ng araw na iyon. Hindi ko din kayang matiis ang sarili ko at sabik na sabik akong mahagkan siyang muli.

Teach Me, Teacher (Teach Me Series #1) (EDITING)Where stories live. Discover now