APW : 004

6.4K 118 1
                                    

A Prince Wife
#004

××

" Weh ???Bobita ka talaga cous !" Sabi saakin ni Jas , andito kami ngayon sa Le Verde Restaurant sa Paris , malapit lang ito sa condo na tinitirhan namin ..

Pumalumbaba ako habang nakatingin sa spaghetti na kinakain ko , kinuwento ko kay Jas yung tungkol kay Prince Stephen,

Hindi naman siya mukang nagulat kaya naman tumingin ako sa kanya na lamon lang nang lamon,

" Alam mo bang andito sila? " takang tanong ko sa kanya , huminto siya at tinignan ako sabay balik sa pagkain niya ..

" Oo *munch* Nasa article nang headlines sa Tv yun eh , *munch* may business daw silang aayusin dito *munch* " tumango tango ako sa sinabi niya ,feeling ko na out of place na ko ..

Gaano ba ako kawalang kwenta at pati manuod nang balita hindi ko na magawa ..

" Kakainin mo pa ba yan ? Lalamig na yan akin nalang !" Biglang sabi ni Jas at akmang kukunin ang plato ko pero hinampas ko na agad ang kamay niya. ..

" Manners cous !! Ano ba yan ? Pinapairal mo yang pagka filipino mo !" Saway ko sa kanya , ngumuso siya saakin at tinirikan ako nang mata ,

" Dami mo alam tsss !! WAITER !!" Tapos nag tawag nanaman siya nang waiter at umorder nanaman ,

Napahinga nalang ako nang malalim at saka dahan dahan kong kinain ang pagkain , nguya lang ako nang nguya ,

Masarap ang pagkain nila dito , pero hindi naman ibig sabihin nun magnanakaw ako nang recipe nila .. sadyang gutom lang kami at kailangan naming kumain -_-

" So , Kelan mo pupuntahan yung restau mo sa city ? " Biglang tanong saakin ni Jas , under renovation pa kasi yun last 5 months , at ngayong patapos na siya pumunta na kami dito para isettle yun ,

" The day after tomorrow! " sagot ko kaya tumango tango siya saakin ,

" Okay , Bukas na ako mag sstart , sama ka muna saakin ?" Tanong niya ,agad akong umiling !!

" No,maglilibot nalang ako , o kaya naman mag fofood trip , ano naman gagawin ko sa company niyo ? Tutunganga !" Sagot ko dahil yun ang totoo , hindi naman kami makakapag chismisan kasi magiging busy siya CEO siya -_-

Para lang akong bata doon kung sakaling sumama ako ,

" Ok , whatever !! Text kalang pag naligaw ka !" Sagot niya saakin ..

" Uso naman GPS !" Sagot ko at saka inantay nalang siya matapos kumain , maya maya pa ay umalis na kami sa restau at bumalik na sa condo ..

Masyadong malamig ang klima ngayon sa paris kaya nakakawalang gana ding gumala gala ,

Halos parang bagyo nga yung snow dito , winter ata ngayon ..

Nang makarating kami sa loob nang condo ay agad akong iniwan ni Jas ,

" Una kana Jax , May kukunin lang ako sa receptionist. Punta ka maya sa unit ko ah? Movie marathon tayo !" Sabi niya at kumaway kaway na , tumango ako at saka pinag dikit ang palad ko at hinipan iyon ..

The Prince Wife : Her StoryWhere stories live. Discover now