APW : 010

4.9K 93 1
                                    

A Prince Wife
#010

××

" Ang aga aga nakasimangot !" Sabi saakin ni Jas na ngayon ay nag mamake up sa bathroom , nakaawang nang kaonti ang bathroom kaya naman kita ko siya ..

" Nga pala , baka mamayang gabi kasama ko si Ana , Pumunta siya dito para lang sa opening mo " masayang sabi niya , napangiti naman ako nang marinig ang pangalan nang isa sa mga bestfriend ko noong colleges ako sa UK ..

" S-Sinong kasama ?" Nag aalanganing tanong ko kay Jas , tumigil siya sa pag popowder at tumikhim ..

Hindi niya ako kinibo ..

Binaba ko nalang ang tingin ko ,

Titig nalang ako sa maliit na attache case ko kung saan nakalagay ang chef suit ko , ngayon na ang first opening nang Amour et restaurant familial , yan yung pangalan nang restau. Ko dito french translation.

Napahinga ako nang malalim, hindi naman sa kinakabahan ako i already did this many times kapag may grand opening ang Restau.

Ang kinakatakot ko ay yung gustong pag usapan namin ni P.A .. hindi ko maiwasan hindi magsisi sa mga sinabi ko sa kanya , it was a wrong move ..

" Hey ? Ready ? Kinakabahan ka ata ?" Napatingin ako kay Jas na nakatayo na sa harapan ko ,ngumiti ako nang mapait sa kanya ,

" Im fine .. tara ?" Yaya ko nalang sa kanya at tumango na siya saakin , nag half day siya sa trabaho kaya naman ngayong 8:00 to 12:30 kasama ko siya sa restau. At sa hapon naman im on my owned ..

Naglakad na kami palabas nang unit ko at nag swipe nalang para sa checkout , sumakay na kami sa elevator at talak lang nang talak si Jas pero hindi ko na siya naintindihan nang makita kong may lumabas na kulutong sa katapat kong pinto ,

Lumingon siya sa gawi namin , nang tumama ang mata ko sa mata niya bigla nalang kumidlat na animo'y nag kukuryetehan kaming dalawa !

This P.A !!!! Ugh! Im so mad na gustong gusto ko siyang sipain sa muka ! Pinagbabantaan niya ako , dinadamay niya ang company na tinatayo nang pamilya ni Dad !

" Uhmm . A-Are you coming Prince ?" Rinig kong sabi ni Jas sa tabi ko ,nahalata na siguro niya ang lightning thunders between us ! Hindi niya tinanggal ang titig niya saakin at ganun din ako ,

Kung nakamamatay lang ang pagtitig parehas na kaming nakabaon sa lupa!

" Yes !" Simpleng sagot niya kay Jas , iniswipe niya ang card niya at saka humarap na nang maayos sa gawi namin ,

Tinaas ko ang kamay ko at nag cross arm , tumaas pa ang kilay ko nang mag cross arm din siya !!

" Good Morning, Leondale !" Matigas na sabi niya at hindi parin umaalis sa kinatatayuan niya , ano ? Pag aantayin niya kami ? Ang kapal nang muka !

Ngumisi ako sa kanya at mas lalong tinalasan ang titig ko ,

" Good Morning, Smith!" Sagot ko sa matigas rin na boses , threatening me huh ? Siguro kung ano man ang balak mo mamayang gabi ay wala akong choice kundi ang pumayag, i can't put the risk of our company ! Pero dahil hindi pa naman gabi ,

The Prince Wife : Her StoryWhere stories live. Discover now