APW : 017

4.2K 78 6
                                    

A Prince Wife

#017

×××

Habang nasa sasakyan ako hindi ko na naisipang itext pa si Bryan, duda kasi ako sa number na binigay nila .. tapos ito pang driver sa harapan na patingin tingin saakin , tapos sa card na hawak ko ..

Yung tipong parang nag aantay siyang galawin ko yung cellphone ko ? So the best option ay wag nalang -_- pero wala din namang mangyayaring masama kung sakaling itext ko siya o tawagan ko diba ? Ughh ..

Napapikit ako at kinagat ang labi ko saka tumingin nalang sa labas , saan naman kaya nila ako dadalhin ? Well sinabi naman na nilang kay Prince Stephen, pero i wonder kung anong kailangan niya saakin ?

Habang nag iisip ako hindi ko namalayan na nakarating na kami sa isang malaking bahay , kulay puti siya at may malawak na lawn ..

Pinagbuksan nila ako at nag vow nanaman saka ni lead nang isa sa bodyguards ata na nasa labas ang daan papasok kaya naman sumunod ako ..

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan hindi mapa wow nang pasukin namin ang mansyon , ang laki at ang daming antique furnitures ..

" This way Miss .." sabi ni kuyang guard sa harapan ko sabay turo sa malaking gold door ..

Lumunok ako bago naglakad papalapit sa pinto , agad naman niya iyong binuksan kaya tumuloy ako , pagkapasok ko lumantad saakin ang kwartong punong puno nang mga libro ..

As in hanggang sa pinaka taas nang kisame may mga libro sa gilid, pumasok ako at naiwan na sa labas yung guard pero hindi ko siya pinansin dahil namangha talaga ako ..

Even though wala naman akong hilig sa libro -_- ang ganda lang talaga niya sa mata .. gosh, mas maganda pa sa library sa oxford ..

" Do you like it ?" Halos mapatalon ako nang may biglang magsalita kaya naman pag lingon ko sa likod ko nakita ko doon ang nakangiting si Stephen,

Napatitig pa ako sa kanya dahil yung ayos niya .. naka prince suit siya , a-ang gwapo , naka puting coat at may iilang nakasabit sa gilid,

" P-Prince S-Stephen! "Utal na wika ko at hindi parin nakagalaw sa kinatatayuan ko ..

Nang mapansin niya ang pagkatuliro ko siya na mismo ang lumapit saakin kaya naman napaurong ako pero masyadong malaki ang hakbang niya kaya bago ko pa iurong ang isa ko pang paa nahawakan na agad niya ang kamay ko ..

" Jax , we need to talk !" Seryosong wika niya saakin , napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko ..

*Gulp*

Bakit ba ako ninenerbyos ?? Kalma Jax !! Hindi ka niya kakainin .. dahil kung oo ang swerte mo naman ..

Marahan akong tumango bilang pagpayag sa pakikipag usap sa kanya , ngumiti nanaman siya at hinila ako papunta sa gitna nang maala library na kwartong to ,

May katamtamang sala set doon sa gitna , pinaupo niya ako sa solo chair tapos dumiretso siya sa harap ko ,

Napahawak agad ako sa tuhod ko at tinignan lang ang mga kilos niya , nakangiti siya habang nakatingin saakin ..

The Prince Wife : Her StoryWhere stories live. Discover now