CHAPTER 23: 'ECH HUN DECH GAER'

6.9K 112 3
                                    

CHAPTER 23: ‘ECH HUN DECH GAER’

 

“Hello?” Sagot ko nang marinig kong magring ang phone ko.

“Heather, kamusta ka na? We’re already here sa Palawan. Okay na ba ang pakiramdam mo?” Ramdam ko sa boses ni Elijah ang pag-aalala sa akin.

Yes. Tama kayo ng pagkakabasa. Unfortunately ay hindi ako nakasama sa kanila. Bigla kasi akong nagkasakit. Naipon siguro lahat ng pagod ko at puyat ng nagkasakit si Daddy kaya nanghina ang katawan ko. Noong una nga ay ayaw rin umalis ni Elijah para daw maalagaan niya ako. Gustong gusto kong pumayag na manatili siya sa tabi ko para hindi sila magkasama ni Vera doon pero hindi naman ako ganoon ka-selfish. I know it’s for company’s sake at kahit ayaw ko ang ideyang silang dalawa lamang doon ay hinayaan ko na lang. After all, wala naman akong karapatang magselos.

“I’m okay. Don’t worry too much about me. Simpleng lagnat lang naman ito.” Sagot ko sa kanya.

“Anong simpleng lagnat lang? I almost died sa sobrang takot when I saw you passed out. Have you seen the doctor?” Natatawa ako but still I find it sweet sa reaksyon ni Elijah. He’s really concerned about my condition.

“Yes, sir. Sabi niya over fatigue lang daw and I need to have full rest and take my med para mabilis akong gumaling. Kaya huwag ka ng mag-alala sa akin, okay?” I answered.

“Just make sure na gagawin mo ang mga sinabi ng doctor, okay? Huwag matigas ang ulo. Uminom ka ng gamot sa oras and you don’t have to come to the office. Magpagaling ka. I’ll try to be home as soon as possible para maalagaan kita.” Awww…Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa sobrang kasweetan ni Elijah. Siya na. Siya na talaga.

“Opo na po. End mo na yung call. I know marami ka pang gagawin diyan. Ingat ka.” Sabi ko sa kanya.

“Sige. Magpagaling ka…Take care…Bye…” Sagot niya.

Bye—“

“Heather!” Nagulat ako ng bigla siya ulit magsalita. Ie-end ko pa naman na sana yung call.

“Yes?” Tanong ko.

“Ech hun dech gaer…” Sabi niya sabay end ng call.

Napakunot yung noo ko. Adik yun. Babaan daw ba ako ng phone. Pero teka— Ano daw? Anong sinabi niya? Ech hun—ano nga ulit yun? Ano bang pinagsasabi nun? Napakibit balikat na lang ulit ako at nahiga sa kama.

Hindi ko namalayan at nakatulog ako ulit. Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Naupo ako at nakita ko si Monique na nasa kwarto ko at prenteng prente na nakaupo habang busy sa cellphone niya. Ni hindi nga ako napansin na gising na ako eh.

“Huy! Anong ginagawa mo dito?” Sabi ko para maagaw ang atensyon niya. Halatang nagulat pa siya ng tumingin sa akin at nabitawan niya pa yung cellphone niya. Mabuti na lang at carpeted ang sahig kaya hindi ako mag-aalalang masira yun.

“Eeeee! Nakakainis ka naman Heather eh! Bakit ka ba nanggugulat?” Sabi niya sabay pout matapos pulutin ang cellphone niya.

Bruises and Scars (Completed) (To edit)Where stories live. Discover now