CHAPTER 26: CONFESSIONS

7.4K 109 3
                                    

CHAPTER 26: CONFESSIONS

 

“I’m so sorry kung meron man akong hindi nasabing maganda. I lied. Sa totoo lang, hindi naman talaga iyon ang dahilan ko…” Sabi niya at bumitiw siya sa akin at tinitigan akong mabuti. Feeling ko biglang huminto yung oras at parang kami lang ang naririto sa kalsada.

 

“Ang totoo niyan, nagseselos ako…”

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko?! Si…si Elijah n-nagseselos? Pilit kong inaalam sa pamamagitan ng mata niya kung nagbibiro lang ba siya o ano pero wala eh. Walang bakas ng halong biro o pagsisinungaling sa mga mata niya. Kitang kita ko sa mga mata niya na sincere siya sa mga sinabi niya.

“I know, mukha akong sira sa sinabi ko. But I really mean it. Nagseselos ako sa kanya. Siguro kasi hindi ako sanay na may kausap kang ibang lalaki…siguro kasi hindi ako sanay na makita kang may kasamang iba…siguro kasi hindi ako sanay na makita kang may ka-close na ibang lalaki bukod sa akin…at siguro kasi…siguro hindi ako sanay na meron nang ibang nagpapasaya sa’yo bukod sa akin…

A small smile formed in my lips. Nakakatuwang marinig ang mga salitang binitawan niya and honestly speaking? It gives me unexplainable warmth in my heart pero…pero kahit ganoon ay bigla pa rin akong nakaramdam ng lungkot. Oo. Nagseselos nga siya. Nagseselos siya bilang bestfriend ko. Hindi siya sanay na makita ako na may kasamang ibang lalaki. Sabagay, naiintindihan ko naman siya. Sa tinagal tagal na naming magkasama, wala akong naging ibang ka-close na lalaki bukod sa kanya. I have male friends pero hindi ako nakikipagclose sa kanila at parang acquaintances lang ang turing ko sa kanila unlike Elijah. Siya lang ang lalaking bukod tanging close ko at kilalang kilala ako, of course, except for my dad. Ngumiti ako sa kanya at alam kong hindi iyon umabot sa mga mata ko at matapos nun ay niyakap ko siya.

“It’s okay, Elijah…” Okay nga lang ba? “Naiintindihan kita. And apology accepted.”

Naramdaman kong humigpit yung pagkakayakap niya sa akin at isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko.

“Alam kong selfish pakinggan pero hindi ko kayang makita kang merong nagpapasaya sa’yo bukod sa akin…ang gusto ko, ako lang.” Napangiti akong muli sa sinabi niya. Selfish nga kung iisipin ang sinabi niya pero hindi ba sweet pa ring pakinggan? At mas lalong sweet sana kung alam mong iisa kayo ng nararamdaman.

Hindi na ako nagkomento pa sa sinabi niya kahit gustong gusto ko. Bakit? Kasi sinusubukan kong ipaintindi sa sarili ko na huwag ng bigyang malisya ang mga salita at mga bagay na ginawa at gagawin pa lang niya dahil alam kong hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya niyang ioffer sa akin. Tinapik tapik ko ang likod niya at kumawala sa yakap niya. Ngumiti ako sa kanya habang siya naman ay seryosong nakatingin sa akin. “Halika na. Bumalik na tayo sa office. Tingnan mo oh? Pareho na tayong basang basa dahil sa ulan.”

Bumuntong hininga siya at matapos nun ay nagpakawala siya ng isang ngiti sa akin. Isang ngiting pakiramdam ko ay hindi rin umabot sa mga mata niya. Inilahad niya sa akin ang kanang kamay niya at tumingin sa akin. “Halika na?”

Nag-aalangan akong abutin iyon pero wala namang masama kung aabutin ko ang kamay niya diba? Hindi naman ako aasa sa ganitong paraan diba? Hindi naman ako aasa na katulad ng paglahad ng kamay niya sa kamay ko para hawakan iyon ay ganun din ang gagawin niya sa akin. Na hindi niya ako bibitiwan at iiwan kahit kailan. Dahil alam kong darating ang panahon na maghihiwalay din kami at may darating na ibang tao na higit na magpapasaya sa kanya kaysa sa akin. Masakit tanggapin pero iyon ang katotohanan.

Bruises and Scars (Completed) (To edit)Where stories live. Discover now