Infatuation.03

151K 4.4K 845
                                    

"Ako ang apo, ako ang flesh and blood, ako ang nagdadala ng apelyido mo, but you're giving my money to this... this... I don't even know how to describe this low life!"

Tumaas ang kilay ko. Ako? Low life? Ang kapal ng mukha ng lalaking bakat naman ang birdie. Low life daw ako pero siya, brief lang ang suot. Sinong low life sa amin samantalang siya nga, kaunti lang ang damit. Ang pangit niya lang.

"You're not interested in my money so I looked for another heir, Lukas." Nagsalita na ang Doña, mahinahon pa rin siya, nakaakbay pa rin siya sa akin pero titig na titig siya sa lalaking bakat ng birdie. I made a face when I realized na tinitingnan ko ang birdie niya. Anong magagawa ko, curious ako. Sanay naman akong makakita ng ganoon, kasama kaya iyon s atrabaho ko, pero iyong mga nakikita ko, kundi sa may sakit, sa patay naman. Grabe, gusto kong makakita noong...

"Apollo, why don't you go with Robert, sasamahan ka niya sa magiging silid mo."

"Hindi siya aalis! Kung aalis man siya, she will go out of this house! This is my turf! At sampid lang siya dito!" Sigaw pa ng lalaking iyon. Ngumuso ako. "Don't you dare pout your lips, woman!"

"At sino ka para utusan ako? Gunggong! Manyakis ka! Magnanakaw ka ng kiss bakat pa iyang birdie mo!" Nangigil ako bigla. "Baka lamukusin ko iyan makita mo ang hinahanap mo!" Sigaw ko sa kanya. He seemed to be really shocked by the way I acted in front of him. Kung inaakala niya na matatakot ako sa kanya, pwes nagkakamali siya, hindi niya ako mai-intimidate! Anong akala niya, anak siya ng Diyos? Neknek niya!

"Please Robert, guide Apollo to her room. Pagpalitin siya ng damit." Binalingan ako ng Doña. "I'll see you in my office later. And you, Lukas, mag-ayos ka ng sarili mo. I don't appreciate it when you walk around the mansion looking like that, lalo na ngayon na nandito na si Apollo. Respect her." Sabi pa ng Doña. Binalingan ko si Lukas at saka ko inilabas ang dila ko.

"Pangit! Manyak!" Sigaw ko pa. Tuluyan na naming siyang iniwan ni Robert. Finally, nakita ko na rin ang grand staircase na kanina ko pa hinahanap. Umakyat kami doon ni Robert at saka tinungo ang daan papunta sa magiging silid ko raw. Makalipas ang ilang sandal ay huminto kami sa isang malaking pintuan. Hinawakan niya ang door knob.

"On your left, Miss Cai ay ang silid ng Doña, sa kabilang side naman ng hallway, ay ang silid ni Sir Lukas."

"Manyak iyon eh." Sabi k okay Robert. Hindi naman siya nagsalita. "Magpalit ka ng tuyong damit dahil kakausapin ka ng Doña. Pakibilisan." Finally, binuksan niya ang pinto, inaya niya akong pumasok. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko kung gaano kalaki ang silid na iyon.

"Wow!" Narinig kong lumapat ang pinto, nang lumingon ako ay nakita kong nakasara na ang pinto at wala na si Robert. Agad kong ibinaba ang shoulder bag ko at saka sumampa sa kama. Natutuwa ako! Ang ganda ng kwarto! Ang buong kwarto na iyon, mas malaki pa sa buong bahay namin.

Nagtatalon ako sa king sized bed na nasa gitna ng silid. Kung nandito lang ang kapatid ko, sigurado akong dalawa kaming gagawa nito. Habang tumatalon sa kasiyahan ay napansin ko naman ang isa pang pinto sa gilid ng kwarto. Bumaba ako sa kama at tinungo ang pinto, nang buksan ko iyon ay lalo lang lumaki ang mga mata ko.

Bathroom iyon pero pwedeng tumira ang isang buong pamilya.

"Wow!!!" I exclaimed. May built-in closet, may bath tub na pwedeng tulugan, may shower, tapos sa may gilid may toilet at sa harap ng toilet, may flat screen tv.

"Pwede akong dito matulog!" Natatawang sabi ko.


Naglisaw-lisaw pa ako sa loob nang silid hanggang sa maisip ko na kailangan ko nga palang magbihis dahil kakausapin daw ako ng Doña. Mabilis akong naligo at nagbihis, matapos iyon ay lumabas ako ng kwarto ko at saka ko nakita si Robert na nakatayo roon. I wondered kung gaano na siya katagal na nakatayo doon. Narinig niya kaya ang mga sigaw ko? I sighed again.

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon