Infatuation.16

141K 4.1K 460
                                    

"Hindi ako makakauwi ngayong linggo, Nay. Sorry po."

Pinigilan ko ang paghikbi ko. Sa tuwing kausap ko si Nanay sa phone ay napapaiyak ako. Sa totoo lang kasi ay gustong-gusto ko nang umuwi sa bahay namin. Kung maaari lang ay doon na ulit ako, sigurado naman ako na hindi ako mapapahamak doon. Alam kong kapag nasa bahay ako, mas mapapanatag ang kalooban ko pero hindi naman ako makaalis dahil ayaw pumayag ni Lukas. He was very firm on putting me under his protection – sabi ko nga sa kanya, parehas lang kaming walang magagawa kapag dumating ang oras na bumalik muli ang taong gustong manakit sa akin. Sinabi ko na rin sa kanya na mas kailangan niyang bantayan si Sancho dahil mas kailangan siya nito. Lukas kept on insisting that he could do both, sa huli, sabi ko na lang na bahala siya sa buhay niya.

"Opo, Nay, mag-iingat po ako." Sabi ko, pinilit kong pasayahin ang sarili ko. Pilit kong sinasabi na matapang ako, kung si Jacinto Emilio nga ay hindi umubra sa akin iyon pa kayang tumulak sa akin sa hagadanan. Kaya lang sa huli naisip ko na iba talaga kasi kapag buhay na ang gustong kunin – hindi naman ako pinagtangkaang patayin ni Jacinto. Kahit inis na inis na siya sa akin ay hindi niya ako tinulak sa hagdan namin at tinutukan ng kutsilyo. Nang matapos ang tawag ay itinago ko ang I-phone ko sa bedside table ni Lukas. Tinotoo niya talaga ang sinabi niya na doon na dapat ako matulog sa kwarto niya. I sighed. Our nights were still the same, kahit nangangamoy danger sa loob ng mansyon, Lukas and I never missed a night together – except na lang kapag red days – at tuwing nangyayari iyon, frustrated na frustrated ang loko.

"Miss Apollo..." Lumingon ako at nakita ko si Sheena. Nakangiti siya sa akin, sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.

"Ano iyon?"

"Wala lang. Nami-miss kita eh." Humagikgik ito sabay upo sa tabi ko. "Anong pinakain mo kay Sir Luke at napaamo mo iyon ng ganoon? Alam mo ba? Kinikilig ako kapag nakikita ko kayo. He just seems so in love with you."

Napalingon ako agad kay Sheena.

"Paano mo nasabi?" Tanong ko. She rolled her eyes.

"Naku! Seven years old pa lang ako, nandito na ako sa masyon, alam na alam ko ang ugali ng magkapatid na iyan. Si Sir Luke, babaero siya, ang dami as in super dami niyang naging babae, pero noong minsang main-love siya, wala tahimik parang ngayon sa'yo, tahimik siya."

Na-in love si Lukas? Mas lalo akong naging interesado sa sinasabi ni Sheena. Humarap pa ako sa kanya.

"Nain-love na siya noon?" I cleared my throat. "K-kanino? Nasaan siya?"

"Wala na, may asawa na. Her name was Olivia best friend siya ni Jane. Nain-love si Sir Luke sa kanya noon. Ang saya nga nila noon, they were the perfect couple saka noong si Olivia at saka si Sir Luke, ang bait ni Sir kaya lang naghiwalay sila, ayun."

"Bakit sila naghiwalay?" Tanong ko kay Sheena. Minsan nakakatuwa ang pagiging madaldal ni Sheena, marami akong nalalamang impormasyon na alam kong hindi ko makukuha kay Lukas.

"Iyon ang di ko alam, ang narinig ko, nagkabistuhan daw, nahuli daw ni Sir Luke si Olivia na may iba sa kama. Pero alam mo, hindi ako naniniwala kasi parang wala sa ugali ni Olivia ang mag-sleep around."

I just nodded. Iniisip ko kung tatanungin ko si Lukas tungkol doon pero bakit ko siya tatanungin, wala naman akong karapatan, ni hindi ko nga alam kung ano kami. Hindi ko nga alam kung anong itatawag ko sa amin dalawa. Sinasabi sa akin ng ilan – pati si Nay Lydia at si Sheena na mahal daw ako ni Lukas, pero parang hindi ko naman kayang paniwalaan iyon, kahit pa nga gustong-gusto kong maniwala. Hindi ako pwedeng mag-assume hangga't hindi ko naririnig iyon mula sa kanya.

Biglang bumukas ang pinto, sabay kaming tumingin ni Sheena doon, pumasok si Lukas. Basang-basa siya ng pawis. He looked at Sheena tapos kumunot ang noo niya.

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon