CHAPTER 1: ENVY AND HATRED

5K 87 0
                                    



Exion


Eight years old ako noong una akong makaramdam ng kakaibang inggit sa kambal kong si Enzio. Simula nang magkaisip ako ay napupuna ko ng iba ang trato ni Daddy sa kanya kumpara sa akin.

Mas espesyal sa kakambal ko.

Lagi niyang isinasama ito sa mga pagpupulong na pinupuntahan niya. Ipinapakilala niya pa ito sa mga mayayamang kaibigan niya. Bukod pa doon personal niyang tinutukan ang pag aaral ni Enzio. Habang ako, kahit pag lingon man lang sa akin ay hindi niya magawa.

Noon ko nga naisip na mas mahal niya si Enzio kaysa sa akin.

Hanggang sa tumuntong na kami sa edad na labing isang taong gulang. Isang araw, narinig ko mula sa bibig niya ang ganito.

"Ayusin mo ang pag aaral mo, Enzio. Ikaw ang susunod sa yapak ko bilang main boss ng ating Famiglia!"

Naikuyom ko ang kamao ko noon dahil sa galit. Bata palang ako ay isa na sa pangarap ko ang maging boss ng famiglia group namin. Pangarap kong tularan si Daddy sa pagiging successful niya sa pagpapatakbo nitp kaya hindi ko matanggap na si Enzio ang napipisil niyang papalit sa pwesto niya. Hindi hamak naman na mas bagay sa akin ang posisyon na iyon dahil nasa akin ang mga katangian ng isang magaling na boss balang araw.

Hindi na ako nakatiis noon. Mabilis kong kinompronta si Daddy tungkol dito.

"Bakit si Enzio? Bakit siya?" Malungkot na tanong ko.

Mas lalo akong nalungkot sa naging sagot niya.

"Really? Tinatanong mo pa talaga iyan! Siya ang panganay na anak ko. Bukod pa doon mas nakikita kung mas maasahan siya kasya sa----"

Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.

"Kaysa sa akin? Iyon ba ang gusto ninyong sabihin? Purkit ba panganay siya? Ang babaw ng dahilan ninyo!" Nagpupuyos sa galit na sabi ko.

"Oo, mas angat kaysa saiyo." Tipid niyang sagot.

Halos maramdam kong kumirot ang puso ko dahil a narinig mula sa kanya.

"Pero, anak ninyo rin ako. Dapat i consider ninyo rin ako. Mas matalino at mas magaling ako kaysa kay, Enzio!" Giit ko.

"Exion!" Sigaw niya.

Kita ko sa mukha niya ang pagpipigil ng galit sa akin. Pero hindi ako nagpatinag.

"Lagi kayong ganyan. Lagi siya ang inuuna ninyo. Bakit? Kasi mas mahal ninyo siya kaysa akin!" Naiiyak kong sabi.

"Pantay-pantay ang pagmamahal ko sa inyong tatlo. Lalo na sa inyong dalawa ng kambal mo!"

Mabilis akong umiling.

"No, hindi ako naniniwala. Kung mahal ninyo ako. Bakit ayaw ninyong sa akin mapunta ang posisyon ninyo? Kaya kong palaguin ang kayamanan ng pamilya natin!"

Warlord Kings: SALVATORRE (REVISING)Where stories live. Discover now