Chapter 2: ICA VECAR

3.8K 105 6
                                    




Ica

Isa isa kong binalasa sa kamay ko ang mga tarot cards na hawak ko at marahang inilapag sa lamesa ang mga ito. Isa isa ko ring binuklat ito at malalim na nag isip.

"Ano na, Ica? May nakikita ka na ba? Makakapangasawa na ba ako ng mayaman?" Excited na tanong ni Guada. Ang numero unong costumer ko sa panghuhula.

Nakapikit ako at pilit iniisip kung ano bang mas magandang sasabihin sa kanya.

"Naku, ate guada. Ngayon palang ay kalimutan mo na ang pangarap mong iyan." Panimula ko.

Biglang nanlumo ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"Bakit?" Nag aalalang tanong niya.

Napangiwi ako habang nakatitig pa rin sa cards na hawak ko.

"Ang sabi kasi sa cards ay wala kang makikilalang ganun."

Nakasimangot na inirapan niya ako bago bumuga ng hangin.

"Naman, Ica! Bakit tuwing magpapahula ako sayo. Laging puro negative ang naririnig kong kinalalabasan. Magaling ka ba talagang manghula?"

Agad akong napasimangot sa narinig. Kung kanina ay excited akong hulaan siya.

Ngayon ay hindi na.

"Ewan, bahala ka nga. Puro ka angal, kulang naman lagi iyong binabayad mo." Yamot kong sabi.

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Tse. Bahala ka rin! Fake na manghuhula." Sabi niya bago tumayo sa kinauupuan  at walang paalam na lumabas ng shop ko.

Napailing iling nalang ako habang nakatingin sa pintuang nilabasan niya. Ganyan naman ang trip niya kapag naiisipan niyang magpahula sa akin. Minsan pa nga ipinapatawag niya rin sa akin iyong kaluluwa ng namayapa niyang ama. Hindi pa natapos iyon, inuutang niya rin iyong mga paninda kung anting anting na pampaswerte sa buhay. Ang babae na yatang iyon ang kaisa isang costumer ko na mas mahirap pa sa daga.

Napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Napapikit ako sa inis nang biglang maalala na may klase pa pala ako. Dali dali akong nagtatakbo palabas. Sakto namang nakasalubong ko si Wako. Ang assistant madalas mapagkamalang white lady dahil lagi itong naka-puting bistida.

"Boss, papasok ka na?" Nakangiting tanong nito.

Tumango ako.

"Ikaw munang bahala sa shop, 'ah" Bilin ko.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil nagmamadali na ako tumakbo palayo.

Habang tinatahak ko ang daan palabas ng lugar namin ay hindi ko maiwasang mapahinto kapag naririnig kong tinatawag ng mga kapitbahay ko ang pangalan ko.

"Ica, magpapahula ako bukas, ah."

"Ica, iyong anak kung kakamamatay lang nung isang buwan. Pwede bang kausapin mo para sa akin?"

"Ica, iyong hinihingi ko saiyong anting anting. Mamaya kukunin ko na."

Ngiti at tango lang ang isinasagot ko sa kanila. Dito sa lugar namin ay daig ko pa ang isang artista, politiko, businessman o isang boss ng isang malaking clan dahil sobrang sikat ko. Oo, sikat ako. Sikat na sikat.

Ako lang naman si Ica Vecar ang napakagandang manghuhula, isipiritista at mangkukulam ng lugar na ito.Walang hindi nakakakilala sa akin. Kahit mga tambay sa kanto, basugalero, mamamatay tao, magnanakaw at kung sino sinu pang tao ay kilalalang kilala ako.

Warlord Kings: SALVATORRE (REVISING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora