Chapter 3: BESTFRIENDS?

2.9K 81 2
                                    



Exion


"Three months." Bigla kong sabi na nagpatigil sa kanyang sa pag sasalita.

Napakurap kurap pa ito.

"Huh?" Nagtatakang tanong niya.

Napabuga ako ng hangin bago ipinagsaklop ang dalawang kamay

"Hanggang tatlong buwan lang akong mananatili dito sa school ninyo." Pagkaklaro ko.

Napansin kong tila na dismaya siya sa narinig mula sa kin.

"Kung wala na kayong sasabihin. Lalabas na ako."

Hindi naman siya umimik. Tumango lang siya kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng kaniyang opisina. Nakahinga ako nang maluwag ngayong nasa labas na ako. Kanina pa ako bored na bored habang kausap ang principal na yun.

Bakit kasi kailangan pang dumiretso sa kanya?

Nawala doon ang atensyon nang mapansin  ang mga babaeng estudyanteng nasa malapit. Para silang nga tangang nakangiti sa akin. Obvious na nagpapansin sila.

Mukhang mali na mas pinili ko ang high school kaysa sa college school.

Para nga magawa ko ang special mission na ibinigay ni Lord ay kailangan kong magbalik sa pag aaral. Hindi naman required kung pang highschool or college ang papasukan basta ang nais lang niya ay maranasan naming mga Warlords na maging estudyante.

"Mga papansin." Mahinang bulong ko habang nakatitig pa din sa mga babaeng nandito sa tapat ko.

Hindi ko na sila pinansin pa. Dire-diresto lang akong dumaan sa gilid nila. Napapailing nalang ako nang makarinig ng mga nakakairitang tsismisan nila.

"Ang gwapo, 'no? Warlords daw ang isang iyan?"

"Kaya pala malakas ang dating!"

"Medyo nakakatakot lang siyang tumingin."

Naiirita ako kapag pinaguusapan ako ng ibang tao. Ayoko rin mga babaeng maingay. Nakakairita ang mga ganoong tao.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay marating ko na ang building kung nasaan ang mga classroom ng bawat section. Isa isa kong tinitigan ang mga numerong nakalagay sa bawat pinto ng mga silid. Pero halos ilang segundo na rin yata ang lumipas ay hindi ko parin nakikita ang classroom na magiging section ko. Hanggang sa kala-lakad ko ay naisipan kong umakyat sa second floor ng building.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan namg mapahinto dahil biglang may sumulpot na babae sa harapan ko na hindi ko alam kung may sapi ba o naka drugs. Mula sa taas kasi siya galing. Hindi sa langit, ah. Kung hindi sa second floor nitong building.

Sa madaling salita ay tumalon siya mula doon. Kung paano niya yun ginawa? Aba, malay ko.

"Hi, Classmate!" Masayang bati niya sa akin.

Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na kausapin siya. Nag patuloy lang ako paakyat sa hagdan patungo sa taas. Ngunit hindi pa ako nakalalayo ay muli kong narinig ang boses niya.

"62A-Blue!" Narinig kong sigaw niya dahilan para matigilan ako.

Nakataas ang isang kilay na nilingon ko siya.

"Iyon yung section mo, diba?" Bigla niyang tanong.

Sandali kong inalala yung section number na ibinigay sa akin nung principal kanina.

62A-Blue.

"Classmate tayo? Look." Sabi niya bago itinaas sa ere ang ID niyang nakasukbit sa leeg niya.

Warlord Kings: SALVATORRE (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon