Chapter 4: MY DEVIL BESTFRIEND

2.9K 65 7
                                    



Ica



"Shit! Ikaw na naman?!" Galit na sigaw niya sa akin.

"Hi, bestfriend!" Masayang bati ko sa kanya.

Kitang kita ko kung paano siya mag pigil ng galit sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Ngunit napanguso ako nang umatras siya palayo sa akin.

"What are you doing here? Sinundan mo ba ako?" Naguguluhang tanong niya.

"Oo." Mabilis na sagot ko.

Napansin kung napapikit siya ng mariin na tila asar na asar na sa akin.

"Bestfriend, huwag ka na magalit. Sinundan kita dahil feeling ko mapapahamak ka sa lugar na ito. Kaya nga nandito ako para iligtas ka."

Mula kanina ko pa siya sinunsundan. May pakiramdam kasi ako na kakailanganin niya ang tulong ko.

"Wow. Ano yun, nabasa mo ba sa mga cards mo na mapapahamak ako? So, ano ka? Manghuhula o mangkukulam?" Sarkastikong tanong nito.

Malapad naman akong napangiti.

"Pareho."

Napasimangot siya. Obvious na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"I can't believe na may taong tulad mo."

Napalakpak ako sa galakan.

"Oo, marami kami. More than fifteen yata kaming manghuhula dito sa Leggieri City."

Dito sa lugar namin ay ako ang numero unong pinaka sikat na manghuhula, salamangkera at mangkukulam. Mga extra lang yung labing apat. Paano ko nasabing extra? Mga bad kasi sila. Hindi ko sila kasundo.

"Fu--! Bahala ka sa buhay mo!" Iritadong sbi niya at padabog na naglakad palayo sa akin.

Dahil gusto ko pa siyang makausap ay naisipan kpng sundan siya.

"Bestfriend! Sandali lang!" Tawag ko sa kanya.

Dahil binilisan ko ang pag takbo ay kaagad ko siyang na abutan. Natigilan ako nang bigla siyang huminto sa paglakad at magkasalubong ang kilay na nilingon ako.

"Listenz wala akong time na makipag usap saiyo. Kaya pwede ba, don't talk to me!" Bulyaw niya at muling naglakad paalis.

Huminga ako nang malalim bago ko naisipang tawagin siyang muli.

"Bestfriend! Exion!" Malakas na tawag ko.

Napangiti ako ng malapad nang huminto siya at nakasimangot na nilingon akong muli.

"I told you, hindi tayo magkaibigan. Assumengera ka talaga, 'no?" Iling iling na sabi niya.

Napanguso ako

"Pero gusto kitang maging kaibigan."

Tumawa siya ng nakakaloko bago ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Kaibigan? Seriously? Hindi mo nga ako kilala.Wala sa bokubolaryo ko ang makipag kaibigan."

Napadabog ako sa inis.

"Pero gusto nga kita maging kaibigan!" Pgpupumilit ko.

Nakangiwi siyang umiling.

"Pumili ka ng kakaibiganin mo, huwag ako. Dahil hindi kapapasa bilang kaibigan ko!"

Pagkasabi nun ay mabilis niya akong tinalikuran at naglakad na paalis. Napabuga nalang ako ng hangin habang sinusundan siya ng tingin na papalayo na.

"Ah, basta. Sa ayaw at sa gusto mo magiging best of friends tayo." Mahina kong bulong sa sarili.

Warlord Kings: SALVATORRE (REVISING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin