Day4: "Heart Aches"

1.5K 71 26
                                    

Day4: "Heart Aches"

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!

Pagkagising ko ay wala na siya sa higaan. Hinanap ko siya sa may sala, sa c.r, sa labas pero wala pa din siya. Di kaya umalis na siya? Eh bakit naman hindi man lang niya ko ginising? Hindi man lang siya nagpaalam bago umalis. Hay! Walang utang na loob!

“Ni hindi man lang nag paalam sa akin na aalis na siya, samantalang magdamag ko siyang binantayan. Napuyat pa nga ako eh tapos aalis siya agad! Haist! Kainis!” napahawak ako sa noo ko. Bakit siya ganun?

Nagpunta na ko sa sa kusina dahil nag aalboroto na ang tiyan ko sa gutom. Napagdesisyunan ko ng huwag na lang pumasok ngayong araw dahil hindi na din naman ako aabot sa first subject ko at tinatamad na din ako. Hindi ko alam kung bakit pero nawalan ako ng ganang pumasok pa.

Tumaas ang kilay ko ng may makita akong nakahandang pagkain sa lamesa. Tinikman ko ang soup na gawa niya at tsaka kinain ang toasted bread na nandoon na may palamang itlog at ketchup. No wonder kaya siya luka luka dahil pang luka luka din ang pagkaing kinakain niya.

Napailing na lang ako. Napansin ko ang note na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko yun at agad na binasa.

Thank you, Lelou. Thank you for taking care of me.
                                                    Yassie <3

Sanay naman pala siya mag ‘thank you’, pero hindi nga lang siya sanay magpaalam. Napangiti na lang ako bigla, bakit ba? Eh sa trip kong ngumiti eh. Nangingialam ka?

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko pero maya maya ay may tumawag. Hindi naman ‘yung galing sa cellphone ko kaya hinanap ko ‘yun at nakita sa sofa sa sala. Kay yassie siguro ito.
Mommy calling………..

“Yassie, baby? Where are you? Hinihintay kita, bakit ang tagal mo naman?” nag aalalang tanong nito agad. Alam kaya nila na dito sa akin natulog si Yassie?

“A-ahm, hindi po kasi ito si Yassie.” sagot ko naman.

“Oh, I’m sorry! Is this Lelouch?” tanong ulit nito na ikinagulat ko, how did she know? Siguro sinabi ni Yassie. Ano pa nga ba?

“A-ah opo. Naiwan po kasi niya ‘yung cellphone niya. Siguro po ay pauwi na po siya, wala na po kasi siya dito.” Paliwanag ko.

“I’m just worried kanina pa kasi siya nagtext na pauwi na daw siya pero hanggang ngayon kasi ay wala pa siya dito.” Sabi naman nito.

“Ganoon po ba? Don’t worry, hahanapin ko na lang po siya.” Prisinta ko.

“Okay, ihjo. Thank you! Just text me if you find her…” pakiusap nito.

“Sige po.” and I press the end call button.
Nasaan naman kaya ang luka lukang babae na ‘yon? Hindi ba niya alam na may nag aalala sa kanya. Tsk! Umakyat na ko sa taas para gumayak.

Nagbibihis ako ng may mapansin akong kumikinang na bagay sa higaan. Natatakpan iyon ng kumot kaya hindi ko agad napansin kung ano ‘yun. Kinuha ko ‘yun at,

“Kwintas?” napakunot ang noo ko ng mabasa ang pangalang nakalagay bilang pendant sa kwintas na yun.

Hello! I’m sisi! Bakit mag isa ka lang dito? Tanong sa akin ng isang batang babae, nakasuot siya ng damit na katulad sa akin. Damit ng mga pasyente sa ospital na ‘yun.

Tumingin lang ako sa kanya at agad kong ibinalik ang tingin ko sa mga bulaklak na pinagmamasdan ko.

“Naiinip ka na siguro doon sa loob no? Kaya ka lumabas dito. Ako din eh, naiinip na din ako doon… Gusto ko na nga umuwi sa bahay namin pero sabi kasi ni Doc, bawal pa daw akong umuwi. Eh ikaw, kelan ka uuwi?” pangungulit nito sa akin kahit hindi ko naman siya pinapansin, sabay ngiti sa akin ng humarap ako sa kanya.

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Where stories live. Discover now