Epilogue

1.7K 85 83
                                    

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!

Dedicated to all the READERS!!!

Gosh! This is it. Sana magustuhan niyo yung ending, mga pare ko'y. Ang tagal kong pinag isipan ito dahil ito yung ayoko sa mga stories, 'yung ending. Hindi ko alam kung magugustuhan niyo ba, SANA! (cross fingers) Don't kill me kapag natapos niyo ng basahin ah. Please. Please. Sana po magustuhan niyo! Ilang gabi ko din itong pinag isipan.

But anyway, I'll take this chance to say thank you to all the readers of this story! Worth it ang pagod ko kakatype at sa pag iisip ng kwentong ito sa mga nagbabasa, nagvovote at nagcocomment! Super thank you po! I love you all, sana po patuloy niyo pa rin akong suportahan sa ibang stories ko and please don't forget this story of Lulu and Sisi. They'll definitely miss you all. So here it is...

"PLEASE DO READ UNTIL THE LAST PAGE"

Epilogue: "The Ending"

Life is about... finding and learning how to love and accept yourself.

"Good morning, Sisi! I have flowers for you. Gumamela as always, favorite natin ito 'di ba? Nung mga bata pa tayo at hanggang sa paglaki natin at sa pagtanda. Nagsasawa ka na ba dito? Please h'wag kang magsasawa huh?" lumapit ako sa kinaroroonan niya.

Life is about... finding and keeping someone who can love you most at your worst.

"How are you feeling today? Hope you feel much better than yesterday. Miss na miss na kita, do you miss me too?" napangiti ako. "Well, I bet a big yes, right?" napahinto ako at napatitig muli sa kanya.

Life is about... accepting and hoping things happen for the best.

"It's been six months and I think I'm going crazy without you. Ang hirap pala, it's too difficult, Sisi. I don't know if I can bear it anymore and I don't know what to do. Haist!" ngumiti ako, kahit pilit na ngiti. "But I just can't forget what you've promised to me, you'll be back right? And I'm here, I'm still waiting... I'm waiting for you, Sisi." Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko. I've been crying and crying hoping that everything will be alright soon.

But... a sad thing in Life is...it is so unfair...

"Naaalala mo pa ba lahat ng pinagsamahan natin? Lahat ng memories natin whether it's good or bad. It will always put a smile on my lips and put happiness on my heart. Your smile is my weakness and I miss it so much. I miss you, crazy girl."

Life is really unfair because sometimes, you meet someone who means so much to you, only to find out that in the end, you'll never be together...

"I-I love you and no matter what happen it can't change the fact that I'm so in love with you. So please, come back soon. I-I don't want to wait anymore, I-I don't want to cry more, I-I don't want your memories, I want y-you. I want you t-to come back so soon... I love you and I-I know you love me too. I'll never forget that. Never, Sisi. S-so please don't break your promise, c-come back to me," pinahid ko ang mga luha ko at ngumiti muli sa kanya.

I don't expect an answer from her. For 182 days, paulit-ulit ko itong sinasabi sa kanya. Araw-araw ko siyang pinupuntahan, araw-araw ko siyang dinadalan ng bulaklak, araw-araw ko siyang tinatabihan tapos kukwentuhan at araw-araw ko rin siyang ipinagdadasal. Araw-araw ko siyang hinihintay, araw-araw akong umaasa, at hindi ako magsasawa, hinding-hindi.

"Gising na... Gumising ka na, Sisi," bulong ko sa tainga niya. Sabi nila, kapag daw comatose ang isang tao nakakarinig pa rin daw ito kaya kahit ilang ulit ko pa sabihing mahal na mahal na mahal ko siya hindi ako mapapagod hanggang magsawa na siya sa boses ko at siya na ang magkusang gumising.

Anim na buwan na rin na ganito ang kalagayan niya pagkatapos ng operasyon. Araw-araw din nandito sila tita at tito, umaasang magigising siya ulit at babalik sa amin ng nakangiti.

Nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil until now she's with us. Kahit na ganyan ang kalagayan niya mayroon pa ring pag-asa na puwede naming kapitan para makasama siya ulit.

Hindi ko na naman napigilan ang mapaiyak. Bakit ganoon? Bakit pagdating sa kanya ang hina-hina ko? Siguro dahil...siya ang buhay ko at hindi ko kayang mawala siya. I'm scared, so scared. Ayokong magising na lang ng isang araw na hindi ko na siya makikita pa. Hindi ko makakaya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ‘yun. Tumingin ako muli sa kanyang maamong mukha, gusto ko nang masilayan ang kanyang ngiti. Gusto ko nang marinig ang cute niyang boses. Gustong-gusto ko na siyang makasama ulit.

"I love you." I said it again and kiss her forehead.

Napatingin ako nang magbukas ang pinto.
"Lelouch, pwede ka ng umalis saglit. Kami na muna ang magbabantay sa kanya," si Mrs. Sam iyon kasama ang kanyang asawa.

"Sige po," nagpaalam na ako sa kanila at umalis na.

Araw-araw akong pumupunta sa simbahan para ipagdasal si Sisi dahil alam kong kaya Niyang ibalik si Sisi sa amin. Hindi nawala sa puso ko ang paniniwala at ang pag-asang babalik siya. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng simbahan, lumuhod akong muli, at tumingala sa Kanya.

"Lord, maghihintay pa rin ako dahil, alam ko po babalik siya. Hindi ko lang alam kung kailan pero maghihintay pa rin po ako dahil mahal ko siya. Kaya ‘wag Niyo po muna siyang kukunin huh? Pahiram muna kami. Ipahiram Mo muna po siya sa amin...sa akin. Pangako. Mamahalin ko siya ng lubos, iingatan, aalagaan at hinding-hindi ko na siya sasaktan muli. Lord, marami pa po akong ipapakita sa kanya. Marami pa po kaming pupuntahang mga lugar na hindi pa niya napupuntahan. Ikakasal pa kami, magkakaanak pa po kami ng mga makukulit at nakakatuwang mga bata. Lord, gusto ko pong tumanda kasama niya, gusto ko po siya makasama habang buhay...kaya sa akin muna po siya pakiusap. Amen," mariin akong pumikit at saka tumayo.

Lumabas na ako at naglakad-lakad para tumingin ng mga bulaklak, ibibili ko ulit si Sisi. Napatigil ako nang mapatingin ako sa isang Wishing Well sa tapat ng simbahan. Lumapit ako doon. Kumuha ako ng barya at nag-wish at inihagis ‘yun.

Ang tanging hiniling ko lang...siya. Si Sisi.
Mahigit isang oras din bago ako nakabalik sa hospital. Dala-dala ko ang isang punpon ng gumamela na ibinigay sa akin ng mga bata sa park dahil dumaan na rin ako doon. Pasakay na ko ng elevator ng biglang mag-brown out.
Nabitawan ko ang mga bulaklak na dala ko, hindi ko alam kung anong irereak ko. Agad akong tumakbo papunta sa hagdan at dali-daling umakyat papunta sa 5th floor.

Si Sisi. Lord, please. ‘Wag, ‘wag naman po ngayon... Hindi ko makakaya, please.
Hindi ko alam ang gagawin ko, bawat hakbang ko ay parang isang oras ang tagal noon.

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Where stories live. Discover now