Day7: "Be Happy"

1.4K 64 40
                                    

Day7: "Be Happy"

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!

It's 6 am and until now I'm still awake just staring at her. I can't take my eyes off her. Hindi kasi siya nakakasawang pagmasdan, hinding-hindi naman ako magsasawa talaga.

Napabuntong hininga ako, I don't know it can be so hard like this, parang ngayon pa lang hindi ko na ata makakaya, but this is the time so I wake her up.

"Good morning, beautiful! Feel okay?" tanong ko sabay ngiti sa kanya. Pinangako ko kanina sa sarili ko na hinding-hindi ako magpapakita ng emosyon sa kanya.

Tumango lang siya at ngumiti. Hindi ko napigilang yakapin siya, niyakap ko siya ng sobrang higpit. I just want to hold her and never let her go, kung pwede lang sana... Pinigilan kong umiyak, ayokong makita niyang umiiyak ako ngayon dahil kailangan niya ng lakas ko sa ngayon.

"Baby?" sabay kaming napatingin sa bumukas na pintuan. Si Mrs. Sam kasama ang kanyang asawa. "Are you ready, baby? T-tinatawag ka na ng doctor." Pinipilit nitong mapanatiling buo ang boses, namamaga pa ang mga mata nito na halatang kakagaling lang sa iyak.

"Opo, ready na po ako, mama, papa," sagot ni Yassie. Lumapit naman ang mga ito sa kinaroroonan namin.

"Be strong, baby. We know you can do it," sabi ng Papa niya at niyakap siya nito. "Papasyal pa tayo di ba? P-pupunta pa tayo sa beach na gusto mo, at kahit saan mo pa gustong pumunta. P-angako, anak," napaiyak na ito gano'n din si Yassie.

"Opo, P-papa. I will. M-mahal na mahal ko po kayo ni M-mama. S-salamat po sa lahat ng paghihirap at p-pagsasakripisyo niyo. Sorry po dahil nagkaroon kayo ng sakiting anak."

"Shhh.. ‘W-wag mong sasabihin ‘yan, baby. W-we will do anything for you dahil anak ka namin. We love you, b-baby, don't forget that h-huh?" napahagulgol na si Mrs. Sam at niyakap din ang anak.

"I love you too, mama at papa," yumakap na rin ito.

Hindi ko na nakayanan kaya lumabas na ako ng kwarto. Doon tumulo ang mga luhang kanina ko pa sana gustong ilabas. Bakit ang hirap? Bakit ang sakit? Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko. I can't breathe...

Para akong sigarilyo na unti unting nauupos... Para akong kandila na unti unting natutunaw... Napakasakit na makita mo ang mahal mo sa ganoong kalagayan. Napakasakit na malaman mo ang mahal mo ang nasa ganoong sitwasyon. Pinahid ko ang mga luha ko at muling pumasok sa loob.

Inilabas na namin si Yassie sa kwarto nya at hinatid namin siya sa O.R. Hindi ko maipaliwanag ‘yung nararamdaman ko ng mga sandaling ‘yun, tumutulo ng kusa ang mga luha ko but I make it sure that she won't see me so weak like this.

"Y-yassie..." nararamdaman ko ang panginginig ko habang inaabot ko ang kamay niya. "Fight, okay?" it took me millions of strength to say those words without breaking my voice. "I'm here, we're here for you so...please, don't break your p-promise," I leaned down and kissed her hand, kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.

Minsan traydor talaga ang mga luha, pumapatak na lang sila bigla kahit hindi mo inuutos. Pero nanatili lang akong nakayuko at hawak-hawak nang mahigpit ang kamay niya. I can't let her see me cry now. Hindi puwede.

"I-I will...but n-no matter what happen... Please, b-be happy for me," pinipilit niyang iangat ang mukha ko at tumingin ako sa kanya but I still hold on tight to her hand and don't let her to see me cry. "L-lulu..." I know, she's waiting for me to answer. "P-romise me, you'll be h-happy."

Tumango lang ako at niyakap siya ng nakatago pa rin ang aking mukha. How can she be so cruel? She's asking me to be happy what ever happens, that's freaking hard. I can't be happy without her. I just can't...

"I love you..." she said.

"I-I love you more..." sagot ko. Napapikit ako, hindi pa rin humihinto ang pagtulo ng luha ko, at kahit hindi ko siya tingnan ng mga oras na ‘yon alam kong umiiyak din siya katulad ko. Ang hirap.

"Wait for me and be happy." Those are the last words she said bago siya pumasok sa O.R.

Ngumiti pa siya sa akin at kumaway sa amin nila tita at tito. She seems so strong, and I hope I can be like her. I need to be strong for her.
I love her so much, I will wait for her to come back. I promise!

Dalawang oras na kaming naghihintay sa labas ng O.R. Dalawang oras na rin akong parang pinapatay sa sobrang pag-aalala. Walang tigil sa pag-iyak si Mrs. Sam, at damang-dama ko kung ano ang nararamdaman nila sa aming paghihintay.

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, hindi ko na alam kung kaya ko pang umupo doon at maghintay na lang sa sasabihin ng doktor.

Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ganito? Ang hirap huminga. Na-realize ko, I can't breathe without her. I just can't breathe even though i need to 'cause she's my life.

Napatingin ako sa pintuan ng O.R at nakita ko ang mukha ni Sisi na nakatingin sa akin. Nag-flashback lahat ng mga masasayang araw namin na magkasama kami sa hospital. No'ng una ko siyang nakita sa school. No'ng una ko siyang kinausap. No'ng binato niya ako ng sapatos sa harap ng maraming estudyante at nag-iskandalo doon.

‘Yung sandaling inaya niya kong sumama sa kanya ng pitong araw. ‘Yung una naming araw na magkasama sa park. ‘Yung unang-unang beses na nakita ko siyang ngumiti. ‘Yung nakita ko siyang makipaglaro sa mga bata.

‘Yung ipinagtanggol niya ako sa mga adik kahit patpatin siya. ‘Yung sinabi niyang boyfriend niya ako at inaway niya si Scarlett para tigilan na ako. ‘Yung araw na sabay kaming nagpaulan. ‘Yung araw na nagkasakit siya ng dahil sa paghihintay sa akin.

‘Yung nalaman ko na ang tunay niyang pagkatao. ‘Yung nalaman ko na kung bakit niya ko sinundan for one year at hindi siya nagpakilala. ‘Yung nalaman ko ang kondisyon niya. ‘Yung araw na pumayag siyang magpa-heart transplant. ‘Yung araw na masaya kaming bumalik sa park. ‘Yung nanood kami ng sine. ‘Yung inaya ko siya sa likod ng hospital at inaya ko siyang sumayaw. At ‘yung sabay kaming humiling sa shooting star.

‘Yun ‘yung mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan. ‘Yun ‘yung mga araw na kumukumpleto sa buhay ko. ‘Yun ‘yung mga araw na bumubuo sa pagkatao ko. ‘Yun ‘yung mga araw na alam kong mahal na mahal ko siya. ‘Yun ‘yung mga araw na alam kong hindi ko na kaya pang mabuhay kung wala siya.

Napayuko ako at muling napatingin sa pintuan, nandoon pa rin ang mukha niya. Nakangiti sa akin. Luka-luka talaga siya kahit kailan!

Sisi. Please, hold on. Hold on for me, please! I love you...

Tumakbo ako at huminto sa isang lugar. Sa ngayon ito lang muna ang alam kong magagawa ko para sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad papasok doon.

Ni hindi ko maibuka ang aking bibig. Ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Namalayan ko na lang na pumapatak na naman ang mga luha ko sa aking pisngi habang nakaangat ang tingin at nakakatitig sa Kanya. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.
Limang minuto rin akong nakatayo doon ng hindi gumagalaw. At sa wakas nahanap ko na ang mga salitang gusto kong sabihin sa Kanya.

"H-hindi ko po ito ma-madalas gawin..." napangisi ako ng mapakla. Ngayon na lang ata ulit. "A-alam ko pong, hi-hindi ako mabuting tao... at h-hindi ako karapat-dapat ngayon sa harapan Ninyo," nanginginig ako. "A-alam ko pong napakarami kong n-nagawang kasalanan at hindi sapat ang pagpunta ko dito p-para patawarin Ninyo ako," lumuhod ako ng dahan-dahan.

"A-alam ko pong hindi sapat ang pa-pagluhod ko ngayon sa harapan Ninyo pero po...nakikiusap po ako sa Inyo ngayon," dahan-dahan akong lumapit sa altar habang nakaluhod. "Na-nakikiusap po ako," sabay-sabay na tumulo ang mga luha ko pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa Kanya. Gusto kong maramdaman Niyang sincere ako. Gusto kong maramdaman Niyang totoo ang lahat ng sinasabi ko. "I-iligtas Ninyo po siya. Pa-pakiusap po. Kayo na lang po ang alam kong makakagawa noon. Pa-pakiusap po," patuloy ako sa paglapit sa altar ng dahan-dahan. "Ma-mabuti po siyang tao. Ma-marami pa po siyang gustong gawin. Hindi pa po siya handang mawala. Hindi pa po," napahagulgol na ako.

Hindi ko mapigilan ang umiyak sa harapan Niya. I never cry like this before, I never let anyone see me crying so hard but I just want to cry on Him 'cause I feel like everything will be alright.

Napahawak ako sa sahig ng dalawang kamay still kneeling down on Him. Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko.

"Pa-pakiusap po. Bu-buhayin Ninyo po siya. Gagawin ko po ang lahat. Iligtas Ninyo lang po siya. Ka-kahit ano po ang kapalit. Ka-kahit buhay ko po ang kapalit. I-I'll do anything for her. Please po. Sa-sagipin Ninyo lang po siya.. Kailangan niya po ng tulong Ninyo ngayon. Kailagan po niyang mabuhay. Lord... Pakiusap po. Help her. Pakiusap," napapikit na ako dahil hilam na hilam na ang mata ko sa luhang lumalabas ng kusa doon. Hindi ko na rin alam kung ilang baso na ba ng luha ang naiyak ko.
"Pakiusap. P-pakiusap. P-akiusap. Pakiusap. Pakiusap. P-pakiusap. P-akiusap. Pakiusap. Pakiusap. P-pakiusap. P-akiusap. Pakiusap. Pakiusap... P-pakiusap. P-akiusap. Pakiusap po, Lord..." sigaw ko.

I don't know how many times, I said that word. And I don't care kung maubusan man ako ng tubig sa katawan. All I care is her.

I just want to save her... I want her to live... Dahil mahal na mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal.

Pinahid ko ang mga luha ko at napaangat muli ang tingin ko sa Kanya. "Mahal na mahal na mahal ko po siya. At...at handa po akong gawin lahat...lahat-lahat po para sa kanya. Ka-kayo na po ang...ang ba-hala sa kanya," pinigilan ko ang pag-iyak ko at ngumiti sa Kanya. "Alam ko po na gagawin Ninyo kung ano ang makakabuti para sa lahat. Salamat po."

May tiwala ako kay Sisi. Alam kong makakaya niya. At higit sa lahat, may tiwala na ako sa Kanya.

-
Teka, naiyak ako habang binabasa. Ngayon ko na lang kasi ulit nabasa ito. 😭 I'll be posting the Epilogue tomorrow. Thank you for reading po, please don't forget to vote and leave comments. Thank you! ❤

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Where stories live. Discover now