Day2: (part1) "Her Boyfriend"

2.3K 69 29
                                    

 Day2 (part1): "Her Boyfriend"

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you!

Tinatamad akong pumasok pero hindi ko alam ang dahilan ko kung baket papunta pa rin ang mga paa ko sa school. Nakakatamad. Panigurado ay patsitsismisan na naman ng mga tsismosa at tsismoso ang mga pasa ko sa mukha! Fuck those old ugly men! Sila ang sumira ng maganda kong mukha.
Papasok pa lang ako ng gate pero heto’t naririnig ko na ang mga bulungan nila, parang mga bubuyog. Nakakairita talaga, kapag ganitong sikat ka hindi ka talaga lulubayan ng tsismis!
“Tingnan mo si Lelou oh, may mga pasa sa mukha. Ano kaya nangyari sa kanya?” girl1
“Nako. Hindi mo ba alam na nakipag away daw ‘yan kase binastos ‘yung girlfriend niya.” Girl2
“Kilala niyo ba ‘yung girlfriend daw ni Lelou?” girl3
“Yun ba ‘yung kasama niya kagabi? May bagong girlfriend na ba siya?” girl4
“Eh di ba niloko siya nung ex niya kaya siya nagbago at naging basagulero?” girl5
“Oo. Kaya ang sabi nila panakip butas lang daw ‘yung bago niyang girlfriend ngayon.” girl6
Fuck! Ang bilis talaga kumalat ng balita parang virus. Paano naman nila nalaman agad ang pakikipag away ko kagabi? At baket sinasabi nilang girlfriend ko ‘yung luka-lukang babaeng ‘yun? Shit!
“Sino kaya ‘yung babae?” girl1
“Taga ibang school daw eh, hindi daw dito nag aaral sa atin.” girl2
"Maganda kaya siya?" girl3
Humarap ako sa mga tsismosang nag bubulungan sa likod ko. Bulong nga ba iyon? O sadyang pinaririnig lang nila sa akin ang mga usapan nila.
“What’s your fucking problem? Will you stop talking about my private life or I will kick all of you out in this school NOW?’’ nanggagalaiti kong banta sa kanila. Kayang kaya ko ‘yung gawin dahil sa si Papa ang may ari ng school na ito kaya hindi ako nakikick out kahit anong kalokohan ang gawin ko.
“Ah. eh. Lelouch, sorry.” sabay sabay nilang sabi sa akin habang nakayuko.
“Promise, hindi ka na namin p-pag uusapan.” girl1
“Don’t call me, Lelouch. We’re not fucking close, I don’t even fucking know you.” nairita na talaga ko.
“A-ah, s-sorry.” sabi nito na mangiyak ngiyak na. Pinagtitinginan naman kaming lahat ng mga estudyante, another usapin na naman ito.
“I don’t need your fucking sorry, I want all of you get lost! NOW!” pagkasigaw ko nun ay nagmamadali silang tumakbo palayo sa akin. Wala akong pakialam kung sabihin man nilang masama ako. Tanggap ko na at matagal ko ng alam iyon.
Nang dahil ulit sa luka-lukang babaeng iyon ay nasira na naman ang araw ko. Kahit wala naman siya dito ay siya pa rin ang bida sa mga usapin, nagsabay sabay pa ang problemang dumadating sa’kin. She’s a cursed.
Lalo tuloy akong tinamad pumasok sa klase, lalabas na lang ako makapagpahangin ng mawala ang pagkabadtrip ko. Ayokong magtagal sa eskwelahang ito.
“Lelou!” hindi pa ko nakakalayo ay may tumatawag sa akin.
FUCK! Anong ginagawa niya dito? Kahit hindi pa ko lumilingon sa direksyon niya, alam ko na kung sino ang tumawag sa akin. Nakakabadtrip talaga, araw ko ba 'to?
“Lelou!” nagwave pa siya sa akin na akala mo ay isang anghel. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari.
“Why are you here?” galit kong tanong.
“Babe naman.” akma siyang kakapit sa braso ko pero lumayo na agad ako.
“Don’t call me babe, and don’t you ever touch me again baka mahawa pa ko ng karumihan mo.” sabi ko.
“How, how can you say that to me?” nangingilid ang luha sa mga mata niya. Paawa-effect. “Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako napapatawad huh? It’s been a month.”
“Yeah, it’s been a month Scarlett. So move on! Hindi mo na ko makukuha sa paiiyak iyak mo.” tatalikod na sana ko ng bigla niya kong hinila at niyakap. Shit!
“Please, babe. Kalimutan na natin iyon. Ikaw lang talaga ang mahal ko. Hindi ko na uulitin iyon, bumalik ka lang sa akin oh.” hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin habang tinatanggal ko naman ang braso niya.
“Stop this, Scarlett!” sigaw ko pero hindi pa rin siya bumibitaw. Bakit ba parang linta kung yumakap ang mga babae? Arg!
“Give me another chance, Lelou. Please!” nagmamakaawa niyang sabi sa akin habang nakayakap pa rin. Bahagya ko siyang tinulak para kumalas na siya sa akin.
“A bitch like you don’t deserve a second chance.” pagkatapos nun ay tinalikuran ko na siya pero hinablot niya ang braso ko. “What the---“ naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita.
“Bibitawan mo ba siya o babaliin ko itong braso mo? Mamili ka, madali kasi akong kausap.” guess who? Si Luka-luka ‘yun, hawak niya ng madiin ang braso ni Scarlett, mukhang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Matapang pala ang luka.
“Bitawan mo nga ko! Aw.” Agad naman akong binitawan ni Scarlett at humawak sa braso niya na namumula. “Oh my god, tingnan mo ang ginawa mo sa braso ko? Namumula!” maarte nitong sabi.
“It’s your fault, nakakakilala kasi ng SLUT ang maganda kong kamay. So tsupi. Alis na!” taas-kilay niyang sagot, may pagka maldita din pala ang isang ito. Hindi na ko kikibo, sila na lang ang mag tuos d’yang dalawa. Bahala sila.
“Ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba sa akala mo? Baket ka nakikialam sa away namin huh?” inis na tanong ni Scarlett dito sabay tingin mula ulo hanggang paa kay Yassie.
“Alam mo ang ex ay ex, ang girlfriend ay girlfriend kaya pwede ba kung may kahihiyan ka pa, leave my boyfriend now.” hanga na talaga ko sa tapang ng babaeng ito pero teka lang, boyfriend daw? Sino? Ako ba? Boyfriend niya daw ako? Anong pinagsasabi nito? May sayad ba siya?
“Boyfriend?” hindi makapaniwalang tanong ni Scarlett sa kanya. “Girlfriend mo ba siya huh, Lelou?” baling naman niya sa akin. Shit! What i’m gonna say?! Arrg! Ang babae talagang ito, pahamak! “Ano, Lelou? Answer me now! Girlfriend mo ba ang babaeng ito?” tanong niya ulit.
“A-ah. Y-yes?” Nagstutter ako. Hindi ko nga alam kung nasagot ko ba ng maayos, para kasing patanong pa ‘yung sagot ko. Shit. Ano ba itong sinabi ko? Nakita ko ang gulat sa mukha niya, nangingilid din ang luha sa mga mata niya bago siya tumakbo palayo sa amin.
Naiwan na lang kami ng luka lukang babaeng ito, at ang mga tsismosang estudyante na nakikiusisa sa amin. What a life? Ang daming tengang naglalakihan para makinig.
“Yehey! Oh di ba nilubayan ka din nung babaeng iyun.” ngiting ngiting sabi niya sa akin. "Galing ko no? Hanga ka na ba sa akin?"
“WHAT ARE YOU DOING HERE?” sigaw ko sa kanya sabay hatak, kailangan makalayo agad kami bago pa lumabas lahat ng estudyante sa school at pagtsismisan kami.
Baket ba sa tuwing may problema dumadating siya para tulungan ako?  Tulungan nga ba? O lalong palakihin lang ang gulo?
“Uy, dahan---dahan naman, nasasaktan na ko. At tska ahmmm nakaka—pagod na.” napaubo siya, binitawan ko na siya ng makalayo na kami sa school.
“What do you think of yourself? A hero? Baket bigla ka na lang sumusulpot kapag may problema ko?” tanong ko.
“Para tulungan ka, pero actually timing lang ang dating ko. Hinahanap kasi kita eh!” ngumiti na naman siya. Nakakairita! Hindi dahil sa pangit ang ngiti niya kundi dahil kapag nakikita ko ang ngiti niyang iyon nawawala na ang pagkainis ko sa luka lukang ito. Napailing ako.
Tumalikod na ko sa kanya at nagsimulang maglakad, uuwi na lang ako dahil wala na talaga ko sa mood dahil sa pangyayaring iyon. Itutulog ko na lang ang pagkainis ko.
“Saan ka pupunta?” sabay hawak niya sa braso ko at pinihit ako paharap sa kanya. “Yung usapan natin Mister. Seven days ho na magkasama tayo baka po nakakalimutan ninyo. Day 2 na ho natin ngayon pero wala pang nangyayari.” sunod-sunod na sabi niya.
“I don’t care about your seven days. Hindi mo ko utusan para mapasunod sa iyo.” Hinila ko ang braso ko sa kanya at naglakad ng muli pero as usual makulit siyang humarang sa daraanan ko with matching unat ng kamay niya pasideward, kala mo nakikipagpatintero. Parang bata!
“Hindi pwede iyon! May usapan na tayo eh, pumayag ka. Kaya...kaya kailangan samahan mo ako. Kailangan magkasama tayo sa loob ng pitong araw.” sigaw niya tsaka huminga ng malalim. “Wala naman bawian oh...” naging mahinahon ang boses niya at nakikiusap ang mata niya. Shit!
“So ano na? Magtititigan na lang ba tayo?” tanong ko sa kanya. “Saan na tayo pupunta?” pagkasabi ko nun ay unti-unting bumalik ang saya sa mata niya at ngumiti na naman.
“Punta tayo sa park! Date tayo.” sabi niyang hindi maalis ang ngiti sa labi. Tuwang tuwa.
“Park? Are you fucking serious? Bata ka ba at sa park tayo pupunta?" gulat kong tanong. "And date? Hell no! Hindi ako makikipagdate sa iyo. As you wish, Miss.”
“Eeh.” reklamo niya, nakapout pa ‘yung lips niya. Akala naman niya cute, eh ang ganda kaya. Este HINDI MAGANDA. “Sige na sa park na tayo oh. Please. Please.” pagmamakaawa niya sa akin. “At tsaka may pangalan ako, Yassie! Don’t forget that name, okay?”
“Okay.’’ Tapos ay tinalikuran ko na siya.
“Yehey! Magdedate kami sa park!” sigaw niya. Mukha talagang timang itong babaeng ito. Saan bang lugar galing ito, ibabalik ko na as soon as possible!
“Teka ‘wag ka nga sumigaw nakakahiya ka!” huminto ako at humarap sa kanya. “At pwede ba hindi nga sinabi date ‘yun eh, wag ka mangarap ng gising oy.” pinitik ko ang noo niya ng bahagya.
“Yipee! Magdedate kami ni Lelou.” patuloy lang siya sa pagsasalita, naglakad na siya at nilagpasan lang ako. Babaeng ito talaga! Sarap kitilin ng buhay! “Date with Lelou. Date, date, date, date.”
“Hindi nga iyon date!” nakakarindi. Paulit ulit siya, parang sirang plaka. “Sasamahan lang kita.” sabi ko pa.
“Lalalalalalala~ Date!” Arg! Luka luka siya! Badtrip!

-
Will post another chapter tomorrow!
Thank you for reading! 🤗😘❤

Ate Dara 🌸

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang