Prologue

8.5K 171 83
                                    

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM Publishing! Available in bookstores nationwide at only 100 php. GRAB YOU COPIES NOW! Thank you! ♥

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except in the case of a reviewer, who may quote brief passages embodied in critical articles or in a review.

SEVEN DAYS WITH MISS STALKER (COMPLETED)

PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM Publishing

Teen-Fiction, Young Adult, Comedy-Drama, General Fiction

My first time to write a story with boy's POV, kaya medyo may foul words kasi lalaki haha. HindI ko po kasi masyadong alam iyong feelings/expressions ng boys kaya basta intindihin niyo na lang po.

Paalala: Hindi ako magaling sa English. Pakiintindi na lang po ang mga sumusunod na kabanata na may linggwaheng hindi kaaya-aya sa mundo ng grammar!


Prologue

Nakatayo lang ako habang tinitingnan siya...Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko...Hindi ko magawang kumurap man lang kahit isang segundo...Para akong nadikit sa kinaroronan ko...Hindi ko man lang magawang ikilos ang katawan ko... Pero tanging pag-iyak lang ang nagagawa ko...

"Kyaaaah! Nandiyan na si Lelou! Ang cool niya!"

"Si Lelou ba? Iyong hot na guy sa Engineering Department?"

"Waaaah! Si Lelou iyong Campus Hearthrob!"

"Hindi ba siya 'yong Mr. Campus natin? Kyaaaah!"

"Ang dreamboy ko! Super hot niya, gash!"

"Ang cute niya, grabe!"

'Yan ang mga naririnig kong bulungan or should I say 'sigawan' nila dahil kahit pabulong nilang sabihin iyon sa mga kadaldalan nila ay naririnig ko pa rin. At nakakairita lang talaga!

I'm Lelouch Perez. No need to describe myself dahil sa tingin ko naman alam niyo na kung gaano ako kagwapo sa mga sinasabi pa lang ng mga istudyanteng babae rito sa school namin.

Hindi ko na lang sila pinapansin kahit minsan ay nakakairita na, sa tuwing dadaan ako puro ganyan na lang ang bulungan nila. Wala bang iba?

"Lelou!" tawag sa akin ng isang babae. Hindi pamilyar ang boses niya kaya naman hindi ako lumingon. Malamang niyan ay isa lang din siya sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa...

May tumama sa akin. Napaaray ako at napahawak sa ulo ko ng tamaan ako ng isang sapatos. Ang sakit lang! Geez! Galit akong humarap sa kanya.

"What the hell--" naputol ang sasabihin ko nang makita kung sino siya. Actually, hindi ko siya kilala sa pangalan, pero sa mukha, oo, dahil araw-araw ko siyang nakikita kahit hindi naman siya rito nag-aaral.

"Please don't break up with me," napataas ang kilay ko ng sabihin niya 'yon at makita ang luhang pumapatak sa mga mata niya. Best Actress! Ang galing niya!

"What? What the hell are you saying, Miss?" sigaw ko sa kanya.

"Miss? Iyan na lang ba ang tawag mo sa mahal mo? Babe, don't do this to me..." napapaligiran na kami ng maraming tao. Nakakahiya lang! Ano ba kasing sinasabi ng baliw na 'to?

Seven Days With Miss Stalker✔️COMPLETED (PUBLISHED under PSICOM Publishing)Where stories live. Discover now