Bigo

23 2 0
                                    

Note: this poem contains some curses. You've been warned.

Walang ibang ginawa kundi umasa sa'yo.
Parang tanga lang na umaasang mamahalin mo.
Kaya ang kinalabasan 'eto ako,
Konting-konti nalang matututo nang sumuko.

Naniwala ako sa mga salitang binitawan mo
"Mahal kita at sa'yo lang ako."
Pero tangina ayun naloko ako,
Dahil matapos ang lahat ng 'yun ako'y iniwan mo.

Ako si tanga't nagpaloko naman sa'yo.
Akala ko kasi ako'y talagang mahal mo.
Ngunit nakita kong ikaw nga'y 'di naman seryoso
Sapagkat ako'y biglang binalewala mo.

Oo, isa akong tanga.
Ngunit ang paraan ng pagsabi mo'y talagang kapani-paniwala.
Pero pasensya na, ako'y pagod na
Sa araw-araw ba naman ako'y umasa.

Binigyan ng pagkakataong patunayang ika'y totoo,
Ngunit ako'y iyong binigo.
Kaya't eto ang aking kinahinatnan,
Nasasaktan at naiwang luhaan.

Life and What Comes With ItWhere stories live. Discover now