Hanggang Tingin Nalang Ba?

15 1 0
                                    

Makukuntento nalang ba
Sa pagtingin at paglinga linga?
Hindi na ba gugustuhin pa
Na mapalapit sa taong sinisinta?

Sapat na ba itong nararamdaman
Upang sabihing gusto nga kitang tunay?
Bakit ba ika'y nagustuhan?
Ikaw ba'y may kabaitang taglay?

Umiiwas ng tingin pag nagkakasalubong,
Nanghihinayang naman kapag kahit mga mata't di nagsalubong.
Ito pa lamang ay pagkagusto
Ngunit mukhang agarang mabubuko.

Gusto kita o mahal nga kita.
Pasensya na, medyo magulo pa.
Mahirap tanggapin, lalo na't isatinig,
Pero puso ko'y ito ang ipinapahiwatig.

Sabi ng karamihan,
Ang pagmamahal ay napakasarap na maramdaman.
Sana'y ito'y totoo nga,
Nang hindi ako maiwang ngumangawa.

Hindi sanay sa salitang ginamit sa pagsulat
Ngunit mga mata'y aking imumulat.
Ginamit ang salitang hindi nakasanayan
Upang nararamdaman ko'y lubos na maintindihan.

Dito ko na tatapusin
Ang magulong paghahayag ng damdamin.
Sana'y labis mong naunawaan,
Ang nilalaman ng puso kong kahit ako'y 'di maintindihan.

Life and What Comes With ItWhere stories live. Discover now