033

1.2K 110 33
                                    

06:11 pm

Pogi: Kilala mo ba si Sunako Nakahara?

Sam: Oh. Paano mo nakilala ang role model ko.

Pogi: Role model?!

Pogi: Nangongolekta ka rin ba ng mga kalansay tapos nagdudugo rin ba ilong mo kapag nakakita ka ng magaganda o pogi?!

Sam: Gago hindi no.

Sam: Paborito ko si Sunako kasi may pagkakahawig kami ng pinagdaanan sa buhay.

Sam: Gusto mo bang malaman kung bakit ako ganito.

Pogi: What do you mean by 'ganito'?

Sam: Kung bat ako cold and such.

Pogi: Wait, so hindi ka pala inborn na emo?

Sam: Hindi.

Pogi: Anong nangyari?

Sam: May isang taong nakapagpabago sa akin. Gaya ni Sunako.

Sam: Nung first year ako nagconfess ako sa isang lalaki. Hindi ko alam kung anong pangalan at kung anong year niya, ang alam ko lang nun ay gusto ko talaga siya.

Pogi: Shet taksil ka Sam wag kang uuwi sa bahay ha </3

Pogi: Joke lang

Pogi: Tapos??????

Sam: Tinawanan niya lang ako at sinabihan ng panget.

Pogi: ABA!

Pogi: WALA SIYANG KARAPATANG SABIHAN KA NUN!!!!!

Pogi: SAM NAMAN BAT KASI PABIGLA-BIGLA KA TAPOS HINDI MO PA ALAM ANG PANGALAN NIYA DI KO TULOY SIYA MABUBUGBOG NGAYON

Pogi: At kundi siguro dahil sa kanya, baka hindi ka emo ngayon at lagi ka pa ring ngumingiti!!!!!

Sam: Hayaan mo na yun.

Pogi: Eh Sam natatandaan mo naman ang mukha niya diba??? Idescribe mo nalang tas ipapadrawing ko dun sa police station nang mabugbog ko ano

Sam: Hayaan mo na nga lang.

Sam: Umalis na yun sa school kasi matagal ko na rin siyang di nakikita e.

Sam: Pero may magandang bagay rin namang nangyari dahil sa panrereject niya sakin.

Pogi: Ang makilala mo ako??? Hehehe

Sam: Wag kang masyadong assuming nakakamatay.

Pogi: Sabi ko nga hindi ako e.

Pogi: Pero ano ba yun?

Sam: Nahirapan akong magtiwala.

Pogi: Eh? Maganda pa ba yun?

Sam: Oo. Kasi mas nalaman ko kung sino ba talaga yung totoong tao at plastik. Masasabi kong naging eksperto ako sa pagkilatis ng mga tao sa paligid ko pagkatapos nun.

Pogi: Huh?

Sam: Pinipili ko yung mga taong papakitaan ko ng ngiti at emosyon ko, kasi ayokong sa maling tao ko maibigay yun.

Pogi: Ibig sabihin?

Sam: For example, close kita, nginingitian kita at pinapakita ko sayo ang mga emosyon ko, ibig sabihin parang binibigyan na rin kita ng pagkakataong saktan ako kasi nagtitiwala ako sayo.

Sam: Na hindi ko basta-bastang ibinibigay sa ibang tao bukod dun sa magsyota at mga kapatid ko, kasi nga hindi ako madaling magtiwala, kaya ibig sabihin, kahit ano pang masasakit na salita ang ibato o gawin sakin ng mga tao sa paligid ko, hindi ako maaapektuhan kasi hindi ko naman sila pinagkakatiwalaan. Walang masisira kaya hindi ko sila poproblemahin.

Sam: Gets mo na ba. Nakakapagod magtype ha.

Pogi: Ahhh.

Pogi: Eh Sam, ikaw na nga rin ang nagsabi na napagod ka sa pagtatype. Pinagtiyatiyagaan mong magtype para lang maintindihan ko, so ibig sabihin ba nito pinagkakatiwalaan mo na ako?

Sam: Two words for you, S. Huwag assuming. Nagtiyatiyaga akong magpaliwanag sayo para hindi ka na mangulit pa.

Pogi: Ohhhhh.

Pogi: Okay :))

Pogi: Pero alam mo darating din tayo diyan :D

Pogi: Tyaka alam mo, nagpapasalamat na rin ako dun sa gagong lalaking nanreject sayo four years ago

Sam: Bakit.

Pogi: Kasi inalis niya yung ngiti sa mukha mo, kaya ngayon, sisiguraduhin kong ako ang makakapagpabalik nun sa labi mo :))

Hide and SeekWhere stories live. Discover now