037

1.1K 97 18
                                    

06:23 pm

Pogi: SAMANTHA CARVETH NG BOHAIIII KOOOOOO!1!!11!!!!

Sam: Putang. Ina.

Pogi: Hello rin sayo! Hahahaha

Pogi: May itatanong ako

Sam: Ge.

Pogi: Anong ginawa niyo sa english kanina?

Sam: Are you seriously asking me that.

Pogi: Hala sa tingin mo ba nagjojoke ako?

Sam: Tulog kasi ako.

Pogi: BAD GIRL KA TALAGA HAHAHAHA

Sam: Bakit. Ano bang nangyari.

Pogi: Nagpa-Q & A si ma'am.

Sam: O tapos.

Pogi: Mga if questions. Tas yung napunta sa kaklase ko yung tumatak sa utak ko hindi yung natanong sakin

Sam: Sinong kaklase?

Pogi: Uyy!! Curious ka nanaman pero wala ka talagang makukuhang sagot sakin :))

Sam: Tch. Go on.

Pogi: Ang tanong sakanya, kung magugunaw na ang mundo bukas sinong isang tao ang gusto niyang makasama.

Pogi: Para sakin ang cliché ng tanong.

Sam: Wow ha.

Pogi: E totoo naman. Dapat kasi ginawa ni ma'am na tatlong tao para maiba diba

Sam: K.

Pogi: Ang sagot ng kaklase ko boyfriend niya raw

Pogi: Tas tumawa yung iba pero ako hindi

Pogi: Sabi ko hindi muna ako tatawa hangga't di ko pa naririnig side niya kaya naghintay ako

Pogi: Ang sabi niya, boyfriend niya ang gusto niyang makasama kasi hindi niya ito nagawang makasama nang matagal. Ayun pala sumalangit na.

Pogi: Natahimik tuloy lahat nung maupo siya.

Pogi: Kaya napaisip din ako, ano ang isasagot ko sa sarili kong tanong na: kung magugunaw na ang mundo bukas sinong tatlong tao ang gusto kong makasama?

Pogi: Ang sagot ko rito ay, ang biological mom and dad ko, at ikaw.

Sam: Luh. Bat ako nasali.

Sam: Bakit hindi nalang yung mommy ni Makee na umampon sayo o kaya naman si Makee.

Pogi: Alam ko hahaha baka mamaya sinasabihan mo na akong walang utang na loob diyan

Pogi: Nagawa ko na kasing magpasalamat nang maraming beses kay mama (mommy ni Mack) ganun din kay Makee

Pogi: Kaya kung bukas magugunaw na ang mundo, gusto ko namang ang mga biological parents ko ang makasama ko. Para malaman ko kung bakit ba nila ako iniwan sa ampunan

Pogi: Tyaka magpapasalamat na rin ako sakanila kasi maganda ang genes nila kaya pogi ako

Sam: Aba.

Pogi: Hehehe

Pogi: Tapos siyempre, ikaw.

Pogi: Kung bukas magugunaw na ang mundo, gusto kong makasama ka... Kasi gusto kitang pasalamatan...

Pogi: Kasi ikaw, Samantha Carveth, ang rason kung bakit ako nakakangiti ng tatlong beses sa isang araw.

Sam: Dapat na ba akong matouch.

Pogi: Bahala ka :)))))

Hide and SeekWhere stories live. Discover now