046

1K 84 15
                                    

06:07 pm

Vaughn: Hyung

Vaughn: Nakauwi ka na ba

Spencer: Oo

Spencer: Buti nalang wala sila auntie at hindi nila makikita tong black eye ko

Spencer: Tangina ang lakas sumuntok ni Sam e

Makee: Bat mo ba kasi hinabol?

Spencer: Isa ka pa pakyu

Makee: Hindi kita sinuntok aba!

Spencer: Ewan bwisit. Brb nga muna

Makee: Lah meron ba yun

Makee: Ano ba kasi talagang nangyari?

Vaughn: Di ko na nga siya natanong eh dinala ko nalang agad siya sa clinic

Vaughn: Tumba siya kay Sam eh pfft

Vaughn: Nasan pala si Samuel?

Samuel: Eto, nakaupo lang sa couch at nag iisip kung pano ba mapapatawa si Samantha.

Makee: Hyung! Ang tagal mong umuwi ah? Ano pa bang ginawa mo?

Samuel: E kasi

Samuel: Nagsearch na ako't lahat lahat kay pareng google ng iba't ibang jokes na sasabihin ko kahit magmukha akong tanga sa harap niya mapatawa lang siya, pero diba yun naman talaga ang aim ko?

Samuel: Tas kanina nung pauwi sinabayan ko siyang maglakad. Humigop pa ako ng helium sa lobo para lang mapaliit tong boses ko sa pag asang matatawa siya pero sinamaan lang niya ako ng tingin

Spencer: Buti di ka sinapak

Samuel: Hindi naman. Siguro nananapak lang si Sam ng mga panget HAHAHA

Spencer: Nakuha mo pang magjoke kang tangina ka. Paano pala kung nabulag ako?! Edi di ko na makikita si Nica ko?!

Vaughn: Don't think about the negatives, hyung. Maiistress ka niyan eh.

Samuel: Oo nga tyaka may awa naman pala si Samantha, hindi ka pa tinuluyan

Vaughn: Kakalito naman parehas kayong Sam ;_;

Makee: Ganito nalang, dahil matalino ako, ako nalang ang magbibigay ng nicknames nila

Vaughn: Hanep

Makee: Sammie kay Samantha, Sammy naman kay hyung. Oh ayan ha

Vaughn: Ge

Samuel: Pero Spencer hyung, bat mo ba kasi hinabol si Samantha?

Spencer: BUTI NAGTANONG KA

Spencer: Ito kasing dalawang ugok e, kung saan saan nakatingin kaya di nila nakita ang nakita ko

Spencer: Hindi kasi ako sigurado kaya nilapitan ko si Sammie, pero habang papalapit na ako sakanya bigla nalang din siyang lumakad paalis

Spencer: Kaya hinila ko braso niya

Spencer: Napakasama ng tingin niya sakin mga beh buti hindi pa ako patay

Spencer: May tinanong ako sakanya pero poker face lang siya kaya ayun, paulit ulit ko siyang pinilit magsalita hanggang sa tumalikod na siya pero hinabol ko siya ulit kaya sinapak niya ako

Samuel: Ano bang tinanong mo?

Makee: Ano nga ba?

Vaughn: Wag ka ngang pathrill!

Spencer: Ano kasi... ngumiti siya.

Makee: TANGINA

Makee: !!!!!

Vaughn: WEH?!?!!!

Spencer: Kung sana tinulungan niyo akong bantayan siya diba?! Para hindi na siya makatanggi pa kasi may witnesses akong panlaban!

Makee: Sure ka ba hyung???

Vaughn: Baka namalikmata ka lang ha?!?!!

Spencer: 169%!!!! Siguradong sigurado ako sa nakita ko! Hindi nga siya tumawa, pero ngumiti naman siya, kaya kung mapapaamin natin siya- edi Samuel, may chance ka na!!!

Samuel: Fuck nagbunga yung pagpapahiya ko sa sarili ko

Hide and SeekOnde histórias criam vida. Descubra agora