079

1.1K 77 20
                                    

01:32 am

Pogi: Hi Sam :)

Pogi: Naunblock na pala to ni Olivia haha

Pogi: Wag kang magagalit sakanya kung pinakialaman niya yung phone mo, pabor ko kasi yun sa kanya eh.

Pogi: Yung last pala nating convo rito eh yung galit na galit ka sakin dahil nalaman mong ako yung nanreject sayo 3 years ago

Pogi: Hindi ko talaga maalala yun pero inako ko nalang kasi ayokong nagagalit ka sakin kasi mabigat sa loob

Pogi: Pero siguro nakalimutan ko lang o ano haha ewan ang gulo e

Pogi: Alam kong puro aral ka ngayon, pero sana mabasa mo tong mga sasabihin ko

Pogi: Wala na si Brianna..

Pogi: Nung isang araw lang. Hindi na kasi talaga kaya ng katawan niya yung cancer.

Pogi: Pwedeng secret lang? Ayaw kasi ipaalam ni Mr. Sommerville

Pogi: Sobrang naaawa ako kay Mr. Sommerville ngayon kasi byudo na nga siya, nawala pa ang kaisa isahang anak niya

Pogi: Si Mr. Sommerville, principal at may ari ng school kung saan tayo pumapasok

Pogi: Para makagawa ng school dapat mayaman ka, kailangan marami kang resources, minsan yung maimpluwensiya, etc.

Pogi: Pero ibang Mr. Sommerville yung nakita kong humarap sakin para pakiusapan akong samahan si Brianna 3 years ago

Pogi: Yung mukha niya, sobrang... sobrang nakakaawa. Ramdam ko talaga yung pagmamahal niya kay Brianna.

Pogi: Inggit na inggit ako kay Brianna kasi may tatay siya na ganun magmahal sakanya

Pogi: Pero habang tumatagal, mas narerealize kong maswerte pa rin pala ako. Kasi wala akong sakit at kaya kong gawin lahat ng mga gusto kong gawin, pero si Brianna hindi na dahil sa sakit niya.

Pogi: Yung pagsama ko kay Brianna lagi, maliit na bagay lang yun kasi mas malakas ako sa kanya

Pogi: Sam, napakabait ni Brianna. Kaya ako nagulat din sa mga nagawa niya sayo... sabi niya sakin galit daw siya sayo kasi ikaw ang nagustuhan ko at hindi siya

Pogi: Siyempre nainis ako sa sarili ko

Pogi: Pero nangyari na e

Pogi: Kasalanan ko pala talaga. May mga panahon kasing nakakalimutan ko nang samahan si Brianna tas lumalala yung sakit niya... Ano kasi. Kasama kita nung mga panahong yun.

Pogi: Pero hindi kita sinisisi ha.

Pogi: Pinagulo ko yung sitwasyon. Dapat sinabi ko na sayo kung anong meron kami habang maaga palang para hindi na naging ganito

Pogi:  Si Brianna, gusto lang niyang makasama ako kasi isa raw ako sa mga rason para hindi niya sukuan ang sarili niya

Pogi: Kasi bukod sa papa niya, hindi ko rin siya sinusukuan. Kahit ba minsan hindi ko maintindihan kung bakit siya nagiging maldita

Pogi: Ayun nga dahil pala sayo yun

Pogi: Humihingi siya ng tawad sayo

Pogi: Sa lahat ng nagawa niya pati na sa lahat ng sinabi niya sayo sa last convo niyo

Pogi: Sincere siya, sobra.

Pogi: Kaya sana mapatawad mo siya..

Pogi: Humihingi rin ako ng tawad tungkol dun kay Tucker. Ako naman talaga dapat ang sisihin kasi isa ako sa dahilan kung bakit nagawa yun ni Brianna sakanya

Pogi: At ako rin sana, mapatawad mo... bago ako umalis :)

Hide and SeekOù les histoires vivent. Découvrez maintenant