Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

2. The Princes of Hell

727K 13.7K 470
                                    


"Zyra, bakit naman puro panlalaki 'yang pinamili mo?" Untag niya kay Zyra nang minsang magawi sila sa mall.

"Eh lalaki 'yang anak mo eh. Sigurado ako. Ang pangit mo eh. Sabi nila 'pag pangit ang nanay habang nagbubuntis lalaki daw 'yung baby."

Pinandilatan niya ito. "'Di ba pwedeng stress lang?" Depensa niya.

Umiling ito tapos tumawa ng malakas. "Oh, ano tinititigan mo ba si Lee Min Ho tuwing gabi?" Biglang tanong pa nito.

"Oo, minsan. Pero alam mo Zyra, kahit hudas, ahas, walang hiya at impakto ang tatay nitong baby ko siya pa rin ang pinakagwapong lalaki na nakita ko at siya lang ang gusto kong maging kamukha ng anak ko 'no."

"Wow, loyalista!" Untag nito. "Carlos Pratley? Pinakagwapo sa lahat? Magpa-schedule ka nga ng eye surgery Yvette. Oo, gwapo si Carlos like a normal 21st century businessman na may magandang katawan at porselanang balat pero hindi naman siya 'yung tipong nakakalusaw ng ulirat ano!" Reklamo pa ni Zyra habang inaalalayan siya papuntang food court ng mall upang makaupo.

"Ano siya Prince of Hell?" Madalas bukambibig nito.

Irap ang sagot niya. "Hello! Heto nga ang lumalaking ebidensya na nawalan ako ng ulirat, 'di ba? Masyado mong minamaliit ang hudas na 'yun eh nabundat ako no'n."

"Eh kasi naman bestfriend, ang baba ng taste mo. Carlos Pratley lang nahibang ka na? Eh pa'no pa kaya kapag nakita mo ang official na listahan ng mga lalaking pinagpapantasyahan ng halos lahat ng babae sa planet Earth?"

The Princes of Hell. Yeah, right. She heard her talk about that list many times so maybe it's time for her to listen to her bestfriend's fantasies. Pantanggal stress lang. "Ano na nga ulit 'yung Princes of Hell?" Tanong niya.

"The infamous lists of cold blooded yet sought after billionaire bachelors around the world." Kinikilig nitong pahayag. "Sikat sila worldwide for their ultra-thick bank accounts and demon-like attitude. Sabi nga sa kwento, kung gaano karami ang pera nila gano'n din kasama ang ugali ng bawat isa sa kanila."

"Anong nakapagtataka do'n? Eh, halos lahat ng mayayaman ay masasama ang ugali."

"Ay grabe siya. Hindi naman lahat. Anyway, they are not your usual 'masama ang ugali'. Higit pa doon! They have no mercy. They manipulate people. Nawawasak ang buhay ng sino mang hindi sumunod sa kanila. But you know what's amazing about these demons? Masama na nga silang tao pero mahal pa rin sila ng publiko."

Napailing siya. "Baliw na kasi ang mundo."

"Kasi nga, my dear preggy friend, mga gods of perfection sila. Hindi mo magagawang kamuhian kahit pilitin mo!"

Si Carlos Pratley ang pumasok sa isip niya. Meron nga talagang ganoong klaseng tao. Kung hindi niya ito nakilala, hindi siya maniniwala sa kaibigan niya.

"And guess what's latest about them? Kumakalat ang tsismis na na-iinlove din sila!" She explained further that the first and the second prince on the lists got married already and their vows of love were both truthful and pure.

Inisip niyang dapat kasali si Carlos Pratley sa listahan na 'yun. He certainly was evil, manipulative, cunning and very good looking. "So, how are you supposed to tame the hearts of those demons?" she couldn't believe she was having this conversation with Zyra now.

"Malay ko." Kibit-balikat nito while sipping her iced tea. "Next in line is Prince of Hell number 3, Phoenix Arthur Dizeriu, the rather riveting Mr. Mysterious on the lists! You see, siya ang nasa cover ng latest issue ng magazine."

Sumikdo ang dibdib niya sa pangalang 'yun.

"He's half-Australian and his business empire is based in Australia. Pero lately may tsismis na nandito siya sa bansa. But then, of course walang maglalabas ng balitang 'yun, walang magtatangka. Kasi papatay ng tao si Phoenix para sa private life niya. Sa lahat ng nasa lists, siya ang obsessed sa privacy kaya konti lang ang alam ng media sa kanya. Ang lahat ng balitang lumalabas tungkol sa kanya dapat aprobado ng kanyang opisina."

OA.

Pinilig ni Yvette ang ulo, wala nga pala siyang panahon sa mga ganoong bagay. Kasi may lumalaki siyang tiyan at may bahay siyang dapat bawiin.

She had enough of those cunning men with dangerous godly faces. She was a victim of one of them all right.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon