Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

11. In The Lion's Den

618K 13.6K 257
                                    


"Anong ginawa mo? Bakit inannounced mo sa lahat na ikaw ang ama ng baby ko?!" Bulalas ni Yvette kay Phoenix nang mahimasmasan siya sa mga pangyayari. Nasa loob siya ng kotse nito patungo sa kung saang hindi niya alam.

"Hindi kita maintindihan eh. Napakatapang mo sa 'kin pero pagdating do'n sa mga tsismosa mong kapitbahay bumabahag ang buntot mo!"

"Because I was trying to build a good relationship with them. Tapos, anong ginawa mo? Inaway mo silang lahat!"

"They fucking deserved it!" Bulyaw nito. "Pasalamat nga sila 'yun lang ang ginawa ko because believe me I can be a lot worst than that. Kaya kong burahin sa mapa 'yang lintik na lugar mo na 'yan!!!"

"Wag mo akong itulad sa 'yo na walang kaibigan. Gusto ko ng buhay na normal. Ayoko na marami ang nagagalit sa akin!"

"Gusto mong makipag-kaibigan sa mga mabababang-uri ng mga taong 'yon?" Asik nito.

"May choice ba ako? Kailangan kong makibagay! Hindi ako katulad mo na siyang pinapakibagayan at niluluhuran."

Umikot lang ang mga mata nito.

"Saan mo ako dadalhin?" Untag niya nang namalayang malayo na sila sa siyudad sa bilis ng pagmamaneho nito. May mga nakikita na siyang puno sa daan, ibig sabihin ay nasa kalapit probinsya na sila.

"Sa lugar kung saan hindi mo kailangang makibagay. Sa bahay ko!"

Nanlaki ang mga mata niya. Seryoso ba ito sa sinasabi nito? "No!" Naalarma siya.

Ngunit diretso lamang ang mga mata nito sa kalye. Nag-panic na siya. Ito na ang bagay na kinatatakutan niya.

"May sarili na akong buhay bago ka pa man sumulpot at guluhin ito. Ngayong maayos na ulit ang lahat wala kang karapatang wasakin na naman ito. Hindi porke't ikaw ang ama ng anak ko ay may karapatan ka nang panghimasukan ang mga desisyon ko. Buhay ko 'to at hindi ka kasali dito—" Natahimik siya nang biglang ihinto ni Phoenix ang kotse.

Napalunok siya nang mapagtanto ang mga sinabi dahil nakatitig ito sa kanya ngayon. Did she just tell him he was her baby's father? Uh oh, guess she did.

"You just confirmed it." Usal nito.

Napadiretso siya ng upo. "Malalaman mo din lang eventually. I might as well accept the fact na kahit magtago kami ng anak ko, mahahanap mo kami. Makapangyarihan kang tao, alam kong wala akong laban sa 'yo." Tumingin siya sa mga mata nito. Baka sakaling maawa ito sa kanya at pabayaan siya.

"Kaya sumunod ka na lang."

Nadismaya siya.

"Ayokong maging tau-tauhan mo. Pabayaan mo akong gawin ang gusto ko!" Halos mangiyak-ngiyak na siya dito.

Umirap lamang ito na para bang ayaw siyang tingnan.

"Please..."

"Don't push it, Yvette!" Singhal nito. "Damn it! Ngayon pang kumpirmado nang anak ko 'yan! Hindi kita pababayaang mawala sa paningin ko!!!"

"I can perfectly take care of the baby, okay?"

"I don't trust you with my child, not after what happened tonight." Seryoso ito at matalim ang tingin sa kanya. Gusto niyang masindak sa bagsik na nababanaag niya sa mga mata nito.

"Hindi na mauulit 'yun."

"Shit! Uulitin ko kung hindi mo naintindihan, I don't trust you anymore. Pinagbigyan kita alam mo 'yan. Pero ikaw ang sumira sa tiwala ko kaya ako naman ang sundin mo ngayon."

"Katawan ko 'to! Buhay ko 'to baka nakakalimutan mo!" Ganti niya.

"Anak ko ang nasa loob ng tiyan mo. Hintayin mong makalabas 'yan at bahala ka na sa buhay mo!" 'yun lang at pinaandar na muli nito ang sasakyan. Napatingin sa malayo si Yvette. Pilit na tinago ang mga butil ng luhang umalpas sa mga mata niya. Crystal clear. He only cared for the baby. Hindi niya alam kung bakit sinusundot ang puso niya sa tuwing babanggitin nito iyon.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon