Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

7. Guarded

640K 14.3K 250
                                    


"Why the heck are they all staring at us?" Phoenix muttered when he parked his black Ferrari in front of Yvette's house.

"Hindi ba sanay ka naman na lagi kang center of attention? Ipanalangin mong hindi ka kilala ng mga 'yan dahil baka bukas lang headline na sa dyaryo ang pagpunta mo dito, Phoenix Arthur Dizeriu." Sarkastiko niyang sabi.

He gave her a condescending look.

"Masyadong agaw atensyon ang Ferrari sa Pilipinas, Mr. Dizeriu." Mahinang komento ni Zyra na nasa tabi niya.

Nagmadaling bumaba ng kotse si Yvette para makatakas na sa halimaw. Alam niyang hindi nito magagawang bumaba ng sasakyan dahil sagad sa buto nito ang pagka-privacy freak na kahit tutukan ito ng kanyon ay hindi lalabas ng kotse.

Napansin niyang halos magkumpulan na ang mga tsismosa niyang kapitbahay na hindi magkandaugaga sa pagsipat sa kanya at sa sasakyang naghatid sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkahilo dahil doon. Hindi niya inaasahan ang biglang pagbaba ni Phoenix mula sa sasakyan. Napako ang atensyon ng mga tao dito na mas lalong kinalala ng mga bulong-bulungan.

"Let's get you inside." Dinig niyang sabi ni Phoenix.

"Ayoko!" Protesta niya. "Kaya na namin, umalis ka na. Shooo!"

Kumunot lang ang noo nito. Imbes na umalis ay walang babala siyang binuhat papasok ng bahay. Bagay na nagpasikdo ng husto sa puso niya. Pilit niyang nilabanan ang kiliting bumalot sa dibdib niya. Alam niyang balatkayo lamang nito ang lahat at hindi siya pahuhulog na muli sa bitag nito. "Hindi ka talaga marunong makinig sa sinasabi ng iba 'no?"

"Hindi. Dahil sanay ako na ako lang ang nasusunod at nagagalit ako kapag sinusuway ako!" Naumid siya sa asik nito.

"Hindi mo ako pwedeng diktahan."

"Truth is, I can."

"Damn you!"




Ilang minuto pang nanatili si Phoenix upang busisiin ang buong kabahayan. Tinanggal niya ang mga pagkain sa kusina na hindi nararapat at makakasira sa kalusugan ng bata. Inutusan niya si Zyra na maglagay ng mga rubber bath mat sa banyo para iwas aksidente. Hindi siya sang-ayon na sa maliit na bahay na ito nakatira ang anak niya, pero hangga't nasa sinapupunan pa ito ni Yvette, wala siyang magagawa kung 'di sundin ang gusto nito.

Nang balikan niya si Yvette sa living room ay nakatulog na ito sa sofa. Matalim ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Phoenix. The she-devil looked so fragile and innocent while asleep. Parang isang mabait na tupa na hindi kayang gumawa ng anumang kasalanan.

But looks can absolutely be deceiving. Take it from him because he had learned his lessons the hard way. He trusted her beautiful face, let her see through his emotions and let her awaken primal feelings he had buried deep inside his heart for a very long time. Only to find out that like every single gold digger in town, she looked at him like a freakin' walking bank account too. That was exactly the reason why he hated her with absolute fury. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing naalala kung paano siya nito tinratong pang one-night stand lang para mabawi ang bahay na gustong-gusto nito. Naapakan nito ng husto ang ego niya.

Ngayon hindi niya sigurado kung sinadya ba nitong mabuntis. Hindi basta-basta nabubuntis ang mga kagaya nitong expertong gold digger. Malamang ay may mas malalim pa itong plano maliban sa Cassiopeia. Anuman iyon, sinisigurado niyang nakabantay ang mga mata niya sa bawat kilos nito.

Dumako ang tingin ni Phoenix sa umbok na nasa tiyan ni Yvette. He fought the urge to come closer and touch her baby bump.

Suddenly, Yvette moved, hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya. He froze. Tumingin siya sa mukha ni Yvette. Mapayapa at malalim na ang tulog nito. He tried to withdraw his hand pero mahigpit ang hawak nito, hindi niya nagawang bawiin ang kamay.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon