Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

4. Meeting with the Big Boss

640K 14K 470
                                    


Halos lahat ng mga mata sa loob ng magarang conference room na kanyang napasukan ay nakatingin sa kanya. Those were the eyes of the company's highest officials. Napalunok si Yvette dahil siguradong nagkamali siya ng pintuang pinasok.

"Ms. dela Merced to the next room please." Aniyang secretary na sumunod sa kanya. Kagat-labi siyang humingi ng paumanhin sa mga taong naistorbo. Tumalikod na siya nang may lalaking nagsalita.

"Meeting adjourned. Directors, I'll see you tomorrow. Papasukin na si Ms. dela Merced."

Isa-isang nagmartsa palabas ng malaking kwarto ang mga ito na hindi inaalis ang mapanuring tingin sa kanya. Pero hindi ito alintana ni Yvette. Natuon ang atensyon niya sa boses na iyon.

That voice! That goddamn impossibly sexy ice-cold voice!

It was that same breath icy chills that froze her bones. Hinding-hindi niya 'yun makakalimutan. Kuyom ang mga palad niya nang umikot paharap sa kanya ang swivel chair na kinauupuan nito.

"We meet again... Yvette."

The scumbag!

"It's you!" namumutla niyang turan. Hindi makapaniwalang pagkatapos ng ilang buwan ay may balak pa pala itong makipagkita sa kanya. "Who are you? What do you need from me?" 'yun ang unang gusto niyang malaman.

Batid niyang lahat ng empleyadong nakasalubong niya ay pina-alalahanan siyang mag-ingat sa taong ito dahil masama itong magalit kaya pilit niyang tinatagan ang loob.

Matalim na ngisi ang binigay nito sa kanya. "Stop the drama. You know exactly who I am and what you are here for."

"Hindi kita kilala. You're not even whom I thought you were!"

Nagsalubong ang kilay nito. "So, what you're saying is that you let me fuck you that night and you didn't even bother to check who the hell I was?"

"I thought you were Carlos Pratley for heaven's sake!" Namula ang buong pisngi ni Yvette. "Look, I don't have to explain anything to you. Wala na akong kahit na anong kaugnayan sa Pratley, Inc., at wala na din akong balak na ituloy pa ang loan application ko dito. All I need is the Cassiopeia, pero hindi ba't binenta niyo na ito? Kaya, bakit mo pa ako kailangang ipatawag?"

"You were in the house of a man you didn't even meet?" Tila wala itong balak na pakawalan ang ideyang iyon.

"And you trespassed an exclusive dinner date, took advantage of an unsuspecting woman who thought you were someone else."

"Carlos Pratley is one of my people. I own that mansion. I thought you were a gift or something. A whore who—"

"I am not a whore!"

Umikot ang mga mata nito. "Well, you traded sex for a dirty old house."

"I did not! My intentions were pure. I only wanted to negotiate about buying back my dirty old house at a reasonable price and that I need some more time before the company sells it away."

Bilang tugon, nilapag nito sa harapan niya ang isang brown envelope na alam niyang naglalaman ng mga dokumento. "You think I believe that crap? Okay, let's cut this short then. I'm giving you my end of the bargain. You can have your Cassiopeia back and my company will grant you the loan that you need no interest charged at all. You don't have to say thank you. I enjoyed fucking you anyway, so, I think you deserve a bonus."

Parang tinapakan ang buong pagkatao ni Yvette sa sinabing iyon ng lalaki. Gusto niyang maiyak ngunit mas nangibabaw ang galit dahil sa paghamak nito sa pagkatao niya. Hindi niya inabot ang envelope sa halip ay matalim na tumingin dito. Wala siyang pakialam kung anong klaseng tao ito at kung ano ang pwede nitong gawin sa kanya.

"Hindi ako basahan na pagkatapos mong gamitin ay babastusin mo ng ganito."

"For someone who asked for payment before sex, you really are talking a lot."

"I'm not a slut. Hindi mo ako kilala, wala kang karapatang husgahan ako!"

"You know people are judged by their actions."

"One mistake doesn't define someone's personality, Mr. Whoever-The-Fuck-You-Are."

Kumuyom ang kamay nito na tila ba noon lang nakarinig ng mura mula sa isang babae. "Just sign the goddamn papers and get lost!"

"No. I came here to tell you that I don't need the papers anymore. That night was a mistake. I abhor every minute I spent with you. You disgust me like a shit on a platter. I'm going to earn Cassiopeia back. I'm buying it from you even if you triple the price, I don't care." Nagtutubig ang mga mata ni Yvette sa galit. "Isa pa, I don't need your freaking money. I can get investors for my shop. I don't need anything from you!"

Namula si Phoenix sa pagkapikon sa sinabi niya. "Really? Are you not going to backstab me and come with a lawsuit claiming I raped you just to get more money? That's what you sluts do."

Kuyom na ang mga kamay ni Yvette. "You raped me, technically. Hindi naman ikaw ang ka-date ko, pinaniwala mo akong ikaw si Carlos Pratley!"

"Why don't you just tell the truth and accept the payment?" He coldly told her.

"Asshole!" Naibulalas niya. "Nananahimik ako! Wala akong balak na magpakita pa sa'yo! Sayuhin mo 'yang pera mo. Hindi ako makapaniwalang pumatol ako sa 'yo. Nakakadiri 'yang ugali mo!"

Ngunit hindi natinag ang lalaki.

The man she met at the mansion was passionate and sweet talking and kind. Ibang-iba sa ugaling pinapakita ng lalaking kaharap niya ngayon. Totoo ngang nalinlang lamang siya ng gabing iyon. Kapag ang leon ay naghahanap ng mabibiktima, madalas umaasta itong tupa.

Matalim pa rin ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nakipagsukatan siya ng tingin dito bago siya tuluyang tumalikod. Malapit na siya sa pinto nang makaramdam siya ng sobrang pagkahilo. Pakiramdam niya ay umikot ang mundo at biglang dumilim ang paningin niya. Hindi na niya alam ang sumunod na pangyayari, tuluyan na siyang nilukob ng kawalan.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon