Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

3. Twist of Fate

659K 14.1K 290
                                    


"You have a very fine selection of collector's items here in your gallery. Nagustuhan ko lahat, magaling kang pumili Ms. Dela Merced at alam kong malayo ang mararating mo sa negosyong ito."

Malawak ang ngiti ni Yvette para sa kliyente niya na pwedeng magbigay ng loan na hinihintay niya para sa gallery.

"Galing ang mga 'yan sa mga suki kong mga local artists na talaga namang magagaling, karamihan sa kanila mga taga liblib na probinsya."

"Wala akong duda na madali mong nabebenta ang mga items mo dito. Pero expansion is not that easy, marami kang bagay na dapat asikasuhin at personal na bigyan ng atensyon. Wala akong doubt sa kakayahan mong mas palaguin pa ang negosyo mo and obviously you have established a long list of clients already, dito palang sa maliit na shop mo. Pero sa kalagayan mo ngayon baka hindi mo pa kakayanin ang expansion. Kapag nasimulan na ang project dapat tuloy-tuloy na iyon. Kailangan mong magdagdag ng mas maraming stocks sa display, kailangan mo ng mas maraming buyers. Sa madaling salita, para maprotektahan ang investment ko, kailangan mo ding magdoble kayod. I suggest that we wait until you have the baby."

"Pero Mr. Sandoval, buntis lang ako. Wala ho akong sakit—"

"Ang sabi mo nga wala kang asawa, wala kang makakatulong dito. Ipagpaliban muna natin, anyway kapag nanganak ka na bukas ang opisina ko para sayo. I'm a businessman Ms. Dela Merced, I don't take unnecessary risk on my investments. Magkita nalang tayo sa opisina ko pagkapanganak mo."



Matagal nang nakaalis ang kliyente ngunit umiiyak pa rin si Yvette. Ilan pa bang bisita sa shop ang darating at sasabihing maganda at promising ang negosyo niya pero hindi nila magagawang mamuhunan dahil bukod sa wala siyang collateral ay buntis pa siya at walang ama ang anak niya? Oras ang hinahabol niya dito. Maglilimang buwan palang ang tiyan niya, hindi niya pwedeng antayin ang paglabas ng bata dahil baka tuluyan nang mawala ang Cassiopeia sa kanya. Anytime pwedeng ipagiba ng may-ari ang bahay at wala na siyang magagawa.

"Yvette!"

Humahangos si Zyra.

"Panoorin mo 'to!" sabay takbo sa tv sa loob ng gallery.

"Bakit? Anong meron Zy?"

"Ang impaktong hudas! Si Carlos Pratley ikakasal na daw!"

The news was about him and his marriage. The Carlos Pratley on tv was a plain businessman in an executive suit with a boyish grin on his face—like Zyra used to describe him. Katabi nito ang isang blond Australian socialite na pakakasalan nito.

"Napakahudas talaga ng walang hiyang 'yan! Nakuha pa niyang mag-announce ng kasal eh hindi pa kayo nag-uusap!"

Yvette stood frozen. Pakiramdam niya biglang gumaan ang ulo niya. Nagkagulo ang buong sistema niya halos hindi siya makahinga.

"Yvette, are you okay?" Si Zyra. "Namumutla ka na diyan."

"Zy..." Napatutop si Yvette habang hawak niya ng isang kamay ang tiyan. "Hindi siya si Carlos Pratley. Hindi siya 'yun."

"Anong ibig mong sabihing hindi siya 'yun? Siya si Carlos Pratley. Siya ang lalaking nagpapadala sa 'yo ng mga bulaklak noon, siya ang nagyaya ng date at siya ang impaktong nanloko sa 'yo!"

Sunod-sunod ang iling niya sa pahayag ng kaibigan. "Hindi siya ang lalaking inabutan ko sa mansyon. Hindi siya ang ama ng anak ko!"

Napatanga si Zyra. "Ano? Nagbibiro ka ba?" Biglang bulalas ng kaibigan niya.

"Sana nga nagbibiro lang ako."

Pareho silang nanghina sa rebelasyong iyon. She shut her eyes as full-blown horror and disbelief succumbed her. She made love to a complete stranger na ni pangalan ay hindi niya alam. How can she be so foolish not to ask for his name before giving herself to him? Tinanong nito ang pangalan niya, tinanong din nito ang tungkol sa deal, hindi niya alam kung anong klaseng katangahan ang lumukob sa kanya na hindi niya naisip na ibang tao ang kaharap niya.

"Excuse me?"

Napalingon sila ni Zyra sa babaeng hindi nila namalayang pumasok sa shop. Naka-postura ang babae, base sa pananamit nito isa itong empleyada ng malaking kompanya, karaniwan sa mga executive assistant na nakikita nila sa TV at magazine.

"Hi! I'm Zyra. How can I help you?" Ito ang unang nagsalita habang siya ay mabilis na nagpunas ng luha at inayos ang sarili.

"I came for Pratley, Inc., the big boss wants to see you Ms. Yvette dela Merced."

Napatingin siya dito ng diretso. Inabot din nito sa kanya ang isang sealed envelope.

"Hindi ba't nasa Australia si Carlos?" Si Zyra pa din ang nagsalita para sa kanya.

"He's not the big boss." Pahayag ng babae na nakatingin pa din sa kanya. Nanunuri. Bawat detalye ng katawan niya mula ulo hanggang paa ay ininspekyon ng mga mata nito.

"Oh! Really?" Sabat ni Zyra.

"I'm Merchell Luna, one of the executives. I personally came to orient you on how exactly you will behave in front of the big boss."

"Wait a minute! Who is this big boss and why would I meet him... or her?" She muttered finally.

"Hindi ba't ilang beses ka nang nagpapabalik-balik tungkol sa Cassiopeia? Bukod do'n may pending request for loan ka pa sa—"

"Tapos na 'yun. I knew very well that Pratley, Inc. has nothing to do with Cassiopeia now. And my loan application has been denied by your good office a long time ago." Sarkastiko at may halong iritasyon sa tono niya.

Ngumiti lamang si Merchell. "They were both reconsidered. It was a direct order from the big boss kaya gusto ka niyang makita."

"If not Carlos Pratley then who's the big boss?"

"To be honest Ms. dela Merced, this is very rare that the big boss himself would want to see someone like you. He is a very private man. He doesn't even want to disclose the fact that he acquired Pratley, Inc. a long time ago. His identity is the company's top secret. I'm also here to orient you a few things about him."

She decided to listen even if some of her advises were absurd. Who was this man anyway? Bakit kailangan niyang magkaroon ng behavior orientation para lang sa pagkikita nila? "Can you give me his name at least?" Aniya.

Umiling si Merchell. "You'll meet him at the office. Only the executives know of his existence in the company kaya 'wag mo sanang ipagsasabi ang tungkol dito."

"Really..."

"And one more thing, I'll be very honest with you. You know, the Boss, he's not the most patient person I know, so you got to be careful with your words and actions around him. Do as you are told."

Napakunot noo si Yvette sa warning na 'yun. Nagkatinginan pa sila ni Zyra.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon