Chapter 19: Moment breaker (part 1)

1.7K 36 5
                                    

Chapter 19: Moment breaker (part 1)

Yumi's POV

Nagising ako sa sobrang lakas ng aircon. Para akong zombie na naglalakad at nakapikit ang mata habang hinahanap ang remote control ng aircon.

Binabaan ko kasi ang temperature kagabi dahil kahit para na akong timang na nagpagod, hindi pa rin ako makatulog.

Nag jumping jack na ako, nag jog, nag push up, at lahat nalang para mapagod ay mga 3am na akong dinalaw ng antok.

Nang may mahagilap yung kamay ko ay agad kong binuksan yung isang mata ko para i-off na ang aircon.

"Let me do it."

May kumuha ng remote control at pinatay na ang aircon kaya naglakad uli ako pabalik sa kama na parang zombie pa rin.

Humiga ako ulit at matutulog na sana.

Pero masiglang-masigla akong napabangon sa gulat nang marealize kong hindi yun panaginip at may tao talaga sa kwarto ko na nagpatay ng aircon.

At nang tumingin ako...

"E-Evo? A-anong ginagawa mo dito?"

Tumawa siya ng mahina saka naglakad palapit sakin at umupo sa gilid ng kama.

"Good morning. You look exhausted. May ginawa ka ba kagabi?"

Hala! Ganun na b aka-stressed yung mukha ko? Ang pangit ko na siguro, para na siguro akong zombie talaga.

"Ahh kasi si Ayato..."

Naalala ko bigla yung naging usapan namin kagabi pero syempre hindi ko na kinwento yung buong pangyayari kaya nagtanong nalang ako.

"Birthday niya pala kahapon. Binati niyo ba siya?"

Bahagyang kumunot ang noo niya at ginulo ang buhok ko saka tumayo at naglakad paalis.

Pero bago siya makalabas ay lumingon uli siya sakin.

"I prepared breakfast for you. Bumaba ka na."

Napaisip ako bigla. Hindi naman sila kumakain ng breakfast dito sa mansion diba? Tapos, hindi din nagluluto si Evo dito.

Pero ang alam ko marunong siyang magluto ayon na din sa nakwento sakin ni Kirstin dati.

Naghanda siya ng breakfast para sakin? Para namang hindi si Evo yung nakausap ko kanina.

Pero bakit kaya hindi niya sinagot yung tanong ko? Bakit kaya hindi nila binati si Ayato sa birthday niya?

Gutom na din ako. Makakain na nga lang.

May lakad pa pala kami ni Toshio-sama ngayon.

Drake's POV

Naiinis pa rin ako sa hapon na kasama ni Yumi. Hindi marunong makipag-usap ng maayos. Tapos napakahambog pa.

Akalain mo yun, hihingin yung opinion namin tapos hindi naman iko-consider? Parang timang lang eh.

Tapos iuuwi na daw niya si Yumi. Huh! Ang tanong, payag ba yung babaeng yun? Eh parang nagdadalawang isip nga yun eh.

Bumangon na ako at saka naligo at naghanda. Baka umalis na si Yumi.

May lakad ata sila nung hapon na yun kaya susundan ko sila at sisirain ang araw ng lalaking yun. Bwahahahaha!

Bumaba na ako at doon nalang sana ako sa kotse ko maghihintay nang may marinig akong nag-uusap sa kusina.

"Di ko alam ang sarap mo pala magluto."

Si Yumi yun ah. Sino na namang kausap niya?

Sumilip ako at nakita ko namang nakangisi pa si Evo. Psh! Siya na naman?! Nung nandoon kami sa ospital, nakipag kompetensya din siya sakin.

Humanda kang gago ka!

"Ehem ehem!" kunyari akong inuubo habang lumapit sa kanila.

Kumuha ako ng pinggan at saka umupo sa tabi ni Yumi.

Syempre kakain ako. Ayokong nagso-solo silang dalawa noh?

"What are you doing, Drake?" is he really asking because he can't understand or he's just stupid?

"Kumakain. Stupid."

Kumuha ako ng pagkain. Alam ko nang maaasar na siya niyan. Tama lang yan! Para yan sa pagiging attention seeker mo kay Yumi.

"Ang ibig kong sabihin, what are you doing here? Hindi ko niluto yan para kainin mo."

Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay kumuha ako ng cereals sa fridge at fresh milk.

Kumuha din ako ng malaking bowl at saka nilagay dun yung cereals. Nagsalin din ako ng fresh milk sa baso at saka iyon binigay kay Yumi.

"Ito muna ang kainin mo, baby girl. Mamaya ipagluluto kita ng paborito mo. Wag mo nang kainin yan, baka may gayuma pa yan."

Itinabi ko ang kinakainan niya. Ayokong kumakain siya ng luto ni Evo. Baka kasi mamaya lasunin niya si Yumi.

Kala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya kay Yumi dati. Pinagbuhatan niya ng kamay ang babaeng kahit kalian hindi ko sinaktan. Putek siya!

"D-Drake... busog na naman ako eh. Sa-salamat nalang."

Ako na nga nag-effort ako pa tinanggihan? Tapos si Evo hindi man lang tinanggihan.

"Oh busog na naman pala siya eh. Sige na Yumi, ako nang magliligpit dito. I'll talk to you later."

Panira talaga siya noh?

"Hindi, ako na Evo. Nakakahiya naman, ikaw na nga nagluto tapos ikaw pa magliligpit."

"Hindi, ako na. Umakyat ka nalang sa kwarto mo."

"Okay lang talaga. Ako na."

Naririndi ako sa kanilang dalawa. Nagtutulakan pa talaga sila kung sinong magliligpit ng kinainan noh?

"Si Evo na bahala dyan Yumi. Tutal naman, mukha siyang katulong. Kaya halika na."

Hinawakan ko na yung kamay ni Yumi at hihilahin n asana pero pinigilan naman ng bwesit kong kapatid.

"Ah Yumi, para fair sa atin. Tayong dalawa nalang maghugas, ayos ba?" ba! Ginagawa niya atang katulong si Yumi ah.

Aba'y hindi ako makakapayag nun. Magsasalita na sana ako pero sumagot naman siya.

"Sige. Ayos lang." at nagpa-cute pa talaga siya sa mokong na 'to.

Nakakainis!

Kaya ayun, wala akong nagawa kundi manuod sa kanila na maghugas ng mga huhugasin.

Maya-maya ay napansin ko nalang na nagtatampisaw na sila.

"Ano ba Evo. Itigil mo na yaaan. Hahahahaha!" peste! Bakit nainis ako bigla sa babaeng 'to? Ang landi niya, nakikipagharutan pa siya sa harap ko.

At yung walang kwentang lalaki naman ay binabasa naman si Yumi.

"Tumabi nga kayo. Para kayong mga bata. Ang paghuhugas ay hindi pagpaglalaro! Tabi!"

Tumabi naman sila. Nakakainis 'tong mga taong 'to.

Huhugasan ko na sana yung mga natirang huhugasin nang mapansin kong biglang tumahimik.

Paglingon ko... wala na sila.

Bwesit! Tinakasan ako. Humanda kayo sakin!

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon